Chapter 32: Sagot Kita

199 1 0
                                    

Chapter 32: Sagot Kita

“Yow dude!” high five then, “What’s up?”

“Lul! Bakit ngayon ka na lang ulit nabisita?”

“Madaming nangyari eh. Pasensya na.” umupo ako sa couch, nakatingin lang si Wayne, “Napakadami kong baong kwento.”

“Maiko, kelan ka ba naubusan ng kwento?”

“Nung isang araw. -________________-“

“Abno. Ano ba’ng kwento mo ngayon?” abno pa nga. ‘tong taong ‘to, kung hindi ko lang siya bestfriend eh. Psh.

“Sorry, dude. Hindi ko natupad ang pangako ko.” yeah. Hindi ko natupad, hindi ko nagmapanan ang dapat kong gampanan, tsh.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” mukhang naguguluhan siya. ano ba? Nag-ulyanin na ata. Tsk.

“Remember? Tinawagan mo ako nung nagkaaway kami ni Stan?” Stan. Wala na namang kuya. naubos na ang respeto ko. pero… siguro… pwede ko pa naman ibalik ang respeto ko sa kanya. Tsk.

**flash back**

Sobrang haba ng araw na ‘to, sobrang daming nagyari. Psh. Lagi naman eh. Ang nakakapanibago lang, si Stan? Tsk. Ang weird. Hindi naman ganun ‘yun eh. He’s always been the nice guy, pero ngayon… good boy gone bad ang drama niya eh. Tss.

“Wayne calling?” ano naman ang trip ni Wayne at tumatawag siya? diba kasama niya ang kuya niya ngayon? O… nasa labas pa din si Stan? O umuwi na? nako. Bahala na nga.

“Problema?” baet ko no? hoho.

“Maiko, favor naman oh.”

“Hmm?” favor? Abno. Para namang makakatanggi ako sa’yo.

“Hmm ka d’yan. Favor kako.”

“Ano namang favor ‘yan? Tsk. Sige, basta kaya ko. ano ba ‘yun?”

“Madali lang naman eh, just…” huminto siya para bumuntong hininga. Masyado bang mabigat ang papagawa niya sa akin kaya ganun?

“Just?”

“Argh! Bantayan mo si Sasha. Siguraduhin mong safe siya. wag niyo siyang pababayaan. ‘Yun lang. kaya mo naman ‘yun diba? Lagi naman siyang kasama ni Aia eh. Sige na. madali lang naman ang gagawin mo. Babantayan mo lang siya, I mean, sisiguraduhin mong safe siya. magagawa mo ba ‘yun? Kahit para sa akin lang?” dire-diretso. Walang preno. May sira talaga ang utak nitong taong ‘to.

“Bakit… parang… aalis ka?” kasi, sa tono niya…

“I’m not leaving… hmm… habang nasa hospital at nagpapagaling pa ako. alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin si Sasha diba? Kaya… ikaw na muna ang bahala sa kanya. Okay?”

“Fine. Fine. Madali lang ‘yan, hindi naman mahirap kalingain ‘yun eh. Well except for she’s kinda clumsy. Hehehe.”

“Oo na. salamat Maiko. Asahan ko ‘yan ha.”

“Sure, sure. Bye na. inaantok na ako eh.” Binaba ko na ang phone. Bodyguard Maiko. Hoho.

**end**

“Ahh. Oo. Bakit? May nagyari ba sa kanya?”

“To be honest, yeah. Sorry talaga dude.”

“Bakit? Ano ba’ng nangyari? Magkwento ka naman.” Mukhang natataranta siya na nababalisa na nag-aalalang ewan. Juskupo. Isa pa naman ‘tong OA at kalahati.

“Kalma. Okay na siya ngayon. In fact tumugtog pa kami sa bar kahapon, oo. Kami. ‘Yung banda niya, excluding Stan, at ako.”

“Maiko!!!! Magkwento kaaaaaaa!” naasar siya, gusto na niyang malaman ang nangyari. Mainipin. =____= isip bata. Di tuloy halatang napakatalino niya. ><

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon