Chapters 9, 10 & 11

254 1 0
                                    

Chapter Nine:  Quiet

STANLEY’s POV

Muntik na ako dun, nako. Lagots. Buti na lang, tumatawag si Maiko.

“Oh?” ang baet ko no? hahahahha. Dakilang walang hiya. XD

“Pwede ba tayong mag-usap?” ang tanga naman nitong taeng ‘to eh, nag-uusap na kaya kami. Hindi nga lang matino. Nyahah!

“Bobo, nag-uusap na tayo.” Mali pala ‘tong inaasal ko sa kanya ngayon, dapat pala magpasalamat ako sa kanya, kasi tumawag siya. Na-interrupt ‘yung sasabihin ko na dapat kay Sasha. Whew!

“Lul! Mag-usap, as in, magmi-meet tayo, tapos mag-uusap ng matino...” For what naman kaya? Nasisisraan na ata ‘to eh.

“Some sort of a date, ewe.” Gusto ko lang pahabain ang usapan. Hihi. Sorry na. ^^v

“Ano ba Stanley?! Napakatino mo namang kausap ngayon?” mukhang naiirita na si Maiko, wahaha. I’m starting to love this nonsense phone call. Hahaha!

“Tapos, wala ka pang galang? Tsk. KUYA Stanley, okay? Mas matanda ako sa’yo, remember? And, wag mo kong sinisigawan.” Tralalalala. ^o^v

“Fine, kuya Stanley, favor naman, magkita tayo… PLEASE???” calm na ang voice niya, pero, nakakatawa ‘yung ‘please’ niya. Parang napilitan lang siyang sabihin ‘yun eh. Haha!

“Ano ba ‘yung pag-uusapan natin, dito na lang natin pag-usapan.” Ang totoo kasi niyan, tinatamad akong mag-drive. (edi magcommute, ‘yun lang ba naman eh pinoproblema pa. nakoooo. XD)

“Something important. Sige na Kuya Stan…” gaano kaya ‘yun kaimportante at kailangan pang mag-meet kami?

“Sa totoo lang, tinatamad kasi ako eh, pero mukhang importante talaga ‘yan, kaya, sige. Saan ba?” kawawa naman kasi si Maiko eh, mukhang kailangang-kailangan niya ‘yung dahilan nung pagmi-meet na ‘yun.

“Sa dati paring bar na tinutugtugan namin. May gig rin naman kami eh, sige po. Intayin ka na lang namin dun.” At ibinaba na niya ang phone.

Hindi man lang nagpasalamat. Napaka talaga nitong si Maiko, sarap BIGWASAN. >_____<

(a/n: nung sinulat ko po ‘tong chapter na ‘to, ang word for the day po naming magkakaibigan ay BIGWASAN. Kaya epal ‘yang word na ‘yan. SHARE!!!! XD)

Parang kapatid ko na rin ‘tong si Maiko. Paano, kababata ‘yan naming dalawa ni Wayne, only child ‘yan, kaya, pinapayagan siya pumunta sa bahay namin. Obviously, marami siyang alam sa aming magkapatid, pero hindi ako tinawag ni Maiko na “kuya”. may sira kasi ang utak nung isang ‘yun eh. Ang katwiran niya noon, hindi naman daw niya ako kapatid, bakit kailangang tawagin niya akong kuya, kaya ayun, hanggang sa pagtanda naming tatlo, Stanley lang ang tawag niya sa akin. Pabor din naman sa akin ‘yun eh, magmumukha naman akong sobrang tanda kapag tinawag niya akong kuya no. hahaha. Dalawang taon lang naman ang tanda ko sa kanila eh. XD okay lang sakin na walang galang ‘yang si Maiko, sanay na ako, trip ko lang siyang asarin, pikon kasi. Hindi tulad ni Ian, si Ian kasi kayang magcontrol ng pagkainis, hmm… Never ko pang nakitang mainis ‘yun or magalit. Tapos si Andy naman, playboy. Hahahaha. Buti, hindi sila nagkakahawahan eh, si Wayne, childish. Tsk. Ewan ko ba kung paano sila nagkasundo-sundo eh.

Babalikan ko pa nga pala si Sasha. Teka, sasabihin ko ba sa kanya na si Wayne ‘yung tumulong sa kanya? Lagot. Maraming itatanong ‘yun pagnagkataon. Osya, bahala na nga si super girl.

Pumasok na ako sa room niya, ano ba ang sasabihin ko?

“Sino ‘yung tumawag?” ayan, siya na ang nagsimula. Okay na rin siguro. Aish!

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon