Chapter 12: Let's Get the Battle Started

220 0 0
                                    

STANLEY’s POV

Ilang minutes din ang nakalipas at umiiyak pa din si Sasha. Actually, hindi ko alam kung paano ko siya mapapatahan sa mga ganitong situation. Hindi ko pa naman kasi siya nakitang umiyak ng ganito dahil sa Kuya TJ niya. Siguro, sobrang naalala niya lang ‘yun dahil sa pagkakaconfine niya. Dun pa mismo sa ospital kung saan namatay ang pinsan niya na ‘yun. Tsk.

“Sasha? Okay na ‘yan. Tahan na. mauubusan ka na ng luha niyan. Sige ka…”

“I don’t care.” Patuloy pa din siya sa pag-iyak habang nakayakap sa akin. Oo, gusto ko ‘to, pero ayoko naman na umiiyak siya noh. -___-

“Pero kagagaling mo lang. tahan na, please?”

“Stanley… Pwede bang humingi ng favor?” bumitaw na siya sa akin at tumingin ng diretso sa mata ko.

“Basta kaya ko. Ano ba ‘yun?” Sana madali lang. sana kaya kong gawin.

“Gusto kong kantahan mo ako. Kahit ano, masaya na ako kung ano man ‘yun. Mas maganda kung sasabayan mo ng paggigitara.” Umupo siya sa may upuan sa may table ng kwarto ni Kuya TJ, “Use that guitar. Dyan ka sa may bed tumugtog, ibi-video kita. Okay lang naman, diba?” ano kaya ang binabalak niya?

“Bakit kailangan pang i-video?” nag-pout siya, “Sige na nga, I’ll do it for you. Basta, siguraduhin mo lang na gwapo ako dyan sa video ha?”

“Sige! Game na! pumunta ka na dun!” pumunta na ako dun sa bed at kinuha ang guitar na ‘yun. Bahala na kung anong kanta ang maisipan ko.

“Bumilang ka para sabay tayo.”

Umayos na ako at nakaisip naman ako ng matinong kanta, “1, 2, 3…”

*Tabi by Paraluman ft. Kean Cipriano*

Mahaba ang intro nito kaya nakatingin lang ako sa camera habang nagbi-video si Sasha. Nakangiti siya. Feeling ko nagugustuhan naman niya. Gusto niya ‘tong kanta na ‘to, siya pa nga ang nagturo sa aking tugtugin ‘to eh.

“Naranasan mo na bang mawalan ng makakasama?

Sa gitna ng daan, hindi alam ang pupuntahan.”

Nakangiti siya at sumasabay sa pagkanta ko, hindi nga lang niya nilalagyan ng boses, siguro, ayaw niyang sirain ang pagrerecord nito. Tsk. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito?

“Wag mag-alala, hindi kita pababayaan

Sa iyong tabi

Ako ay ‘yong mahahawakan.”

Hinding-hindi kita pababayaan Sasha. Kahit ano pa ang mangyari, kahit malumpo ako, kahit mabulag ako, kahit mabingi ako o ano pa man, hindi kita pababayaan. Mahal nga kita diba? Sana nararamdaman mo ‘yun. Kaso, one sided talaga ang love na ‘to… Hindi mutual.

“Naranasan mo na bang madapa at masugatan?

Hawakan mo ako, hinding-hindi iiwan.

Wag mag-alala, hindi kita pababayaan

Sa iyong tabi

Ako ay ‘yong mahahawakan.”

Oo, mahal mo ako, pero, bilang kaibigan lang… Bilang Kuya… kasi, noon pa man, ang tingin mo na sa akin ay si Kuya TJ. Sana hindi na lang ako naging ganito sa ‘yo para hindi na ganun ang tingin mo sa akin. Pero kahit ano ang mangyari, hindi kita iiwan. Hindi ko ‘yun kayang gawin. Iiwanan ba kita, eh paano kung wala ako? Sino na ang papalit? Papabalikin mo si Kuya TJ? Labo.

Nakangiti pa din siya habang nagbi-video. Pero unti-unting pumapatak ang mga luha niya. Bakit? Nasasaktan pa din ba siya? Matagal na ‘yun ah. 3 years na din simula nung nawala ang Kuya niya. Ano ba ang dapat kong gawin? Paano ba kita lubusang mapapasaya?

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon