Chapter 26: Ako Dapat

222 1 0
                                    

Chapter 26: Ako Dapat

WAYNE’s POV

Kailangan ko ng lakas ng loob… Bigyan mo ako ng lakas ng loob… Lakas ng loob, PLEASE! AAAAAARGH! Bakit ganito kasi ang naïf-feel ko ngayon? Sobrang kinakabahan na talaga ako. Tsk. Tsk. Tsk. Buo na ang pasya ko, pero, NAKAKABALIIIIIIIW! >__________<

“Sigurado ka na kaya mo na ha? Hindi ka na pwedeng umatras. It’s now or never.” Tonong nanakot si Maiko. Potek! Kaibigan ba talaga ‘to? Nakakaasar naman eh. =___________=”

“Wala na talagang atrasan ‘to. Kinakabahan pa din ako, pero, alam ko naman na pagkatapos nito, magiging okay naman na ang lahat. na magkakaroon pa ng pag-asa na bumalik kami sa dati. Kaya dapat, kayanin ko ‘to. Kailangang mawala lahat ng kaba.” Tama! ‘Yan ang fighting spirit!

“Basta, kung kailanganin mo man ang tulong ko, just call me and I’ll be there. Promise!” ‘Yan ang best friend ko, walanya! Este, madaling lapitan. ^^

“Promise ka d’yan, eh kapag si Aia naman na ang kasama mo, hindi mo na ako kilala eh. Siya na lang ang kilala mo kapag magkasama kayo.” Talaga naman eh. Hahahahahahaha. Di ba nga nung niyaya ko silang tatlo na samahan ako sa bahay eh si Ian lang ang sumama? Di ba? Di ba?

Speaking of Ian, siya nga pala dapat ang pasalamatan ko kasi siya ang nagpaliwanag sa akin ng mga bagay na dapat na noon pa lang ay nalaman ko na. mas bata siya sa akin, pero, mas madami pa siyang alam. Hahaha.

**flashback**

“Babalik ako. Saglit lang.” tapos binaba na niya ‘yung phone. Inintay ko na lang siyang dumating, alam kung babalik talaga siya. sinabi niya eh, naniniwala naman ako sa kanya.

Habang naghihintay kay Ian, nag-scan na lang ako ng messages sa phone ko, tapos, nakita ko ‘yung texts ni Sasha nung umaga nung battle of the bands. Graaaaaabe. Ang tagal na rin pala nun sa phone ko. parang kahapon lang, ang saya-saya namin. Haaaaaynako.

Binitawan ka na ‘yung phone ko, lalo ko lang sinisisi ang sarili ko. baka mamaya lalo kong maisip na masarap lumagok ng insecticide eh, wala pa namang pipigil sa akin.

Eh paano nga kaya kung mamatay ako? Mapatawad na kaya niya ako? Pupunta kaya siya? makikipaglibing? Ano ba naman ‘tong iniisip ko. hindi ako suicidal!

“Tamang trip ‘yan ah? sinusuntok ang sariling ulo. Nasisiraan ka na ba at ginagawa mo ‘yan? Walang matinong mangyayari sa’yo kahit na pukpukin mo pa ‘yan ng martilyo.” Pagbungad ni Ian sa akin. Ang tagal niya ha. At ano na naman ang mga dala niya na ‘yun?

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon