Harder Than You Know ☆

1K 46 13
                                    

Yung moments na akala mo nakalagpas ka na sa ACCEPTANCE stage pero ang totoo.. nasa DENIAL ka pa pala :)

PS: Try niyong iplay yung music na Harder than you know by Escape the Faith. Maganda pramis.

PS2: Rakista nga pala ako :)







Post elevator syndrome. Yun yata ang tawag doon eh. Yung di ka makakilos. Yung kulang nalang ay gumapang ka sa panghihinang dinaranas mo kasi nakita mo siya. Nakita mo siya at tinitigan ka niya. At yung moment na kayong dalawa lang at walang iba. Grabe bai! ang gwapo pa rin niya! ang gwapo parin niya at anv sakit sakit parin pala.

"May..nalate ka yata?", tanong ni direk. "Halika na, okay ka lang ba?", taning niya ulet. Tumango lang ako kasi yung totoo di ko alam kung panaginip lang ba or inagination ko lang yung nagpaandar nitong lahat. Noong nasa make up room na ako bigla akong pinuntahan ng scripwriter para ipaliwanag sa akin ang buong storya. "So basically May yung unang scene na gagawin mo ay makikita mo yung magnanakaw, hahabulin mo siya saka mo siya icoconfront", paliwanag niya. Di naman ako na orient na aksyun pala tong pununtahan ko. Mala heroine daw yata ang karakter ko dito na ninakawan at naghahasik ng revenge. "okay po ate sige po", sagot ko habang tumayo na ako sa harap ng salamin at pinagmasdan kung gaano ako kaastig sa ripped jeans at leather jacket ko. Parang Robin ang dating babae version hahaha!

Nung palabas na ako andun na rin sa labas yung "magnanakaw". Nakahoodie at may parang astig na metalic mask. Grabe bai! parang sout ko lang kanina kaso ito takip ang boung mukha. "Okay May pwesto ka na! hahabulin mo siya. Pag naabutan mo itutumba mo siya, pag nadapa na siya haharap siya sayo habang nakahiga at sasabihin mo na ang linya mo gets?", turo ni direk Rory. "Opo gets ko po!", sagot ko. Haha artista na gyud ko bai! paktai na! action star pa gyud!

"Okay.. ready.. action!"

Naghabulan na nga kami paikot sa mataas na building rooftop. Good thing may mga harness kami kundi tiyak mahuhulog kami. Nagkunyariang sipaan at awayan. Para nga akong si karate kid! magaling pala akong sumipa haha! nung sa puntong kunyaring nahuli ko na siya at binugbog pahiga natumba na yung "magnanakaw". Nakaharap siya sa akin habang nasa ibabaw niya ako. "Sino ka? at bakit mo ako ninakawan? sumagot ka!", yun yung linya ko astig diba! Kunyari titittigan lang ako ng magnanakaw at di siya sasagot. "Sabing sino ka eh!", at tinanggal ko na yung maskara. "Sino ka ba talaga!????"...

Hindi huminga ang lahat. Yung kaluluwa ko ay nag sky diving na sa rooftop. Naubusan na rin ako ng lakas. Hindi ko yata gusto ang nakita kong mukha sa ilalim ng maskara. "Hey. May...it's me.."

"Cut!! hindi naman yan ang linya eh!!", narinig ko si direk Rory pero andun pa rin ako. Gulat sa nakita kong tao. Andun pa rin ako nakatulala sa gwapo niyang mukha. "Maymay.." sabi niya.

(silence......)

"Bakit mo ako ninakawan ng puso Ed", bigla kong nasabi.

Post-elevator syndrome
-yung may nakita kang ayaw mong makita pero no choice ka kasi magkikita at magkikita parin kayung dalawa. Yun yun.

Miming,
Maymay..

Dear Maymay, Mahal Kita Alam Mo Ba?(COMPLETED ♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon