I.S.S.U.E.S

1K 45 19
                                    

Shoutout to miss CatherineJeong who's support was never ever late hehe thank you po :)


Yung may mga issues jan! I-resolve na naten yan mga bai habang may oras pa at habang may chance pa kayong sagutin ang lahat lahat :)



One week na ang nakalipas. One week na ang lumipas simula nang halikan ako ni Ed sa labi at palayain ako ni Luis. Ano ba tong nangyayari sa buhay ko ngayon parang laro ng kapalaran, di masyadong nakakatuwa. Nakatunganga lang ako sa higaan ko. Walang shooting. Walang modeling. Walang kung kahit na ano. Walang Ed at wala ng Luis. Purely boredom.

Binuksan ko na muna ang loptop ko. Nagbabakasakaling may mabasa ako sa emails ko na ikatutuwa ko. At yung nga! meron nga. Nag email sa akin yung modeling agency ko doon sa Paris. Pinababalik na ako doon at may malaking model tour offer para sa akin. Five months event modeling. Perfect pampawala ng stress at sa isang buwan na ang lipad. Dahil di pa ako masyadonv nakapagdecide ay nagreply muna ako na kung pwede ay magpending muna ako sa desisyun ko. Agad namang nagreply yung agency at pinaunlakan ako. Hayy salamat sa diyos at may offer na naman. Grabe bai!

Nang matapos na akong maligo ay bigla na namang may nag pop up na mensahe sa loptop ko. Kaninong email na naman kaya ito galing? Binuksan ko ang mensahe at laking gulat ko galing pala ito sa lola ni Ed. Sa lola ni Ed! ano kaya ang nangyari? Agad ko itong binasa at nasurpresa ako sa mensahe ni lola. Kinakamusta niya ako at pinapapunta niya ako ngayon sa isang malapit na coffee shop dahil namimiss na niya raw ako at gusto niya akong makita. Syempre namimiss ko na rin si lola. Ang bait kasi nun sa akin kahit nung nagkakagulo na kami ni Ed andun parin siya para sumoporta sa akin.

Nagreply ako kay lola. Dali dali akong nagbihis at nagdrive papunta sa coffee shop. Nang makarating ako roon ay mas nasurpresa ako. Andoon si lola. Andun rin si Heaven. Paktai napud ni bai! Ngano mani ha! Gusto kong umatras pero bahala na. Agad kong pinuntahan sina lola at Heaven para mangumusta.

"Hi po lola! kumusta po?", nagmano ako at humalik sa pisngi niya. Tumango lang ako kay Heaven na nakatingin lang sa akin na para bang napipilitan.

"Maupo ka apo.  mabuti naman at pinagbigyan mo ako ngayon.  ahmm... may pag uusapan lang sana tayo ngayon ng maayos na natin ang lahat.."

Wait. Tama ba ang narinig ko kay lola? may aayusin daw kami? ang lahat? paktai na! ano kaya yun? Si Heaven steady lang sa pagkakaupo. Ni ayaw niya akong batiin o kaya ay tignan. At para bang kinakabahan siya. Naku naman tong si lola.. sana wala si Ed.

"Wag kayong mag alala girls hang out to.. walang boys..", pabirong sabi ni lola. Nanlalamig na yata ako. Si Heaven naman namumutla na.

"Ano po ba yun lola?", tanong ni Heaven.

"Oo nga po la ano po ba yon? tungkol saan po yung pag uusapan natin?', naitanong ko na rin.

"Tungkol sa inyu. Sayo Heaven. Sayo Maymay.. at sa apo kong si Edward..gusto ko lang kasing magkaayos ayos na kayo. Gusto ko kasing malaman kung ano ang totoo. At gusto ko sanang maging honest kayo sa akin. Pwede ba yun mga apo?", tumango kami ni Heaven ng mahalata naming seryoso si lola.

"Si Heaven ang una kong tatanungin", lumingon siya kay Heaven na parang pinapawisan na. "Didiritsuhin na kita apo, mahal mo ba talaga si Ed?"

"Of course lola, I love Ed as much as you love him and he loves me too..", nabingi ako ng sumagot na si Heaven.

"Hmmm.. okay I believe you ija.. I just wanted to know the truth ha and don't get offended with my next question.."

Alam namin lahat pareho kung ano ang susunod na tanong kaya naman agad agad nang pinangunahan ni Heaven ang pagsagot.

"Lola if you're asking kung anak ba to ni Ed ang dinadala ko, then yes. This is His' lola. And if you wanted to really know who's this child's father ay pareho din po ang sagut. Si Edward ang ama at alam niya yun!", di nakapagtiis si Heaven at nag walk out siya sa harap ng lola ni Ed. Nawindang ako bai! Napabuntong hininga na lamang si lola na itinoun ang atensyon niya sa akin. Paktai!

"Ikay May? kamusta ka na?", hawak hawak niya ang isa kong kamay.

"Mabuti na ako la.. tanggap ko na..", pa simple kong sagot.

"Ayaw mo na ba talagang ipaglaban? sumusuko ka na ba apo?", tanong niya ulit sa akin.

"Lola.. nasaktan ko na po yung lalaking nagmahal at nagparaya para sa akin.. at si Ed? magkakaanak na siya lola.. at yung totoo?", napigilan ako. Kasi di ko sukat akalain na ang susunod kong isasagot ay ang katotohanang matagal ko ng kinikimkim.

"At yung totoo lola? mahak na mahal ko pa rin po si Ed.. obvious na ngang masyado eh.. kaya lang po masyadong maraming nakaharang.. ayoko napong makasakit ng iba. ", malumanay kong sagut. Mas nakahinga pa ako ng maluwang.

"Bakit di ko subukan apo? malay mo para naman pala talaga kayo sa isa't-isa?", sabi ni lola.

Napaisip na naman ako. Maguluhan na naman ako. Pero isa lang ang alam kong sigurado.
Mahal ko parin pala si Ed hanggang ngayon.
Mahal ko parin pala siya magapos ang lahat.
Mahal ko pa siya.

Mahal na mahal ko siya...

Maymay

Dear Maymay, Mahal Kita Alam Mo Ba?(COMPLETED ♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon