Un-Love You :')

1K 54 34
                                    

Shoutout to Eunhizza15. This is for your puso bai :)

You know that last part of the grieving process and it comes knocking on your door? ACCEPTANCE...that would be it :)


Kakagising ko lang. Parang isang malaking panaginip lang lahat ang nangyari sa set kahapon. Parang pinaglaruan kami ng tadhana pero honestly? bakit hindi ako affected?

Bumaba ako ng mamalayan kong kanina pa may kumakatok sa pintuan. "Mine!!! buksan mo ang pinto!!", pagkabukas ko si Luis pala ang nasa pinto. Lasing na lasing at basang basa siya. "Mine! hi!!! I missed you!!!", niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Ano bang ginawa mo Mine! bakit lasing ka sa ganitong kaagang oras? at bakit ka basa?", tinulungan ko siyang ihiga sa sofa at pinalitan agad ang damit niya. Punahiram ko muna siya ng t-shirt ni kuya Jimboy para naman di siya magkasakit.

"Mine halika nga. payakap muna..", hinila ako ni Luis at pinayakap sa kanya na nakahiga na sa sofa. Naawa ako sa kanya. Bakit kaya niya to ginagawa? Pinunasan ko siya ng malamig na tubig. Bigla siyang umupo at niyakap pa ako ng mas mahigpit. Naramdaman ko ang kabog ng puso niya. Malakas na malakas ito at halatang kinakabahan siya. Bigla siyang napaluha at pinaharap niya ako sa kanya.

"Ano bang nangyayari mine? tungkol bato sa guesting kahapon? kasi kung yun ang dahilan I'm sorry.. diko naman sinasadya yun..", nasabi ko.

"Shhhh.. alam mo bang mahal na mahal kita mine?", sabi ni Luis na hawak ang mukha ko't hinalikan ako sa ilong ko.

"Alam mo ba kung gaano kita pinangarap maging akin? pero parang di talaga pwede eh..", naluha pa siya at pinunasan ko naman ito.

"Matulog ka na muna mine", sinabi ko sabay yakap ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero naawa talaga ako sa kanya.

"Hayaan mo kuna ako, kasi pag nakatulog ako at nagising ako na hindi ako lasing hindi ko kakayaning masabi ito lahat sayo ng personal.."

"Luis? ano bang problema? nag aalala na ako sayo.."

"Mahal kita May.. mahal na mahal. Kaya lang parang hindi ako ang bagay sayo eh.."

"Luis ano bang pinagsasabi mo dyan.."

"Yung totoo May. Ito yung totoo. At matagal ko nang napaghandaan ang time na to. Ang time na dapat ka ng palayain.. kahit masakit para sa akin.."

"Ano? iiwan mo na ba ako mine? akala ko ba gagawan natin to ng paraan Luis?"

"May..kung sa palagay mo basta basta ko na lang to napag isipan nagkakamali ka. Sinubukan ko naman ang lahat pero mahirap kalabanin ang tadhana. Ginawa ko na ang lahat May na maging akin ka.. pero olats pa rin eh.."

"Ano bang pinagsasabi mo?", nagagalit na ako kasi ayokong aminin na posibleng wala ng kami pagkatapos ng araw na ito.

"Yung textmate mo? yung laging nagtetext sayo nung time na down ka? May.. hindi ako yun.. si Ed yun May nasabi niya sa akin nung minsan hinanap ka niya sa akin pero pinagbawalan ko na siya. At nung inakala mong ako yun nagpanggap na rin ako. Sinubukan kong ilayo ka sa kanya pero heto oh bumalik parin tayo dito at nagkita parin kayo. At sa nakikita ko mahal na mahal niyo pa rin ang isa't isa. May, ginawa ko lahat, pero yung kalabanin ko pa ang tadhana at hamonin ito sa pangalawang beses? hindi ko na yata kakayanin.. kasin alam ko ganito parin ang kalalabasan. Kay Edward ka parin mahuhulog ng paulet ulet. Masakit na May.. ang sakit na..hahah"

Umiyak na siya habang yakap niya pa rin ako. Gusto kong magmura sa kanya para sa pagpapanggap niya pero niyakap ko na rin siya kasi di biro ang pinagdaanan niya. Minahal niya lang ako ng lubos sa panahong walang sumalo sa akin sa pagkakahulog ko kay Ed.

"Mahal na mahal kita mine.. at kung uulitin kong mahalin ka gagawin ko pa rin, kaya lang para ka talaga sa kanya.. at kahit ikamamatay ko na ang sakit, pinalalaya na kita mine.. at gusto kong intindihin mo na MAHAL NA MAHAL KITA, hindi nga lang ako ang para sayo... I love you mine!", hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap pa habang umiiyak kaming dalawa. Wala akong masabi. Nasaktan ako. Pero parang nakahinga ako ng maayos ng sabihin niya yun.

Nakatulog na rin siya. Umiiyak pa rin ako, pero sa kabila ng lahat gumaan ang pakiramdam ko ng bigla. Nakahinga ako ng malaya. Pero...

Ang tanong?

May patutunguhan ba to lahat?

Maymay

Dear Maymay, Mahal Kita Alam Mo Ba?(COMPLETED ♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon