Chapter 7
Mama: Pupunta ba kayo dito ng Pasko?
Ako: Hindi Ma, kasi may party kela sir. Dun sa bahay ng parents niya, dito muna kami this year.
Mama: Eh New Year?
Ako: di ko pa alam kay sir, Ma. Di pa namin napag-usapan.
Mama: Bakit di niyo napag-uusapan? Magkaaway ba kayo?
Ako: Ha? Hindi. Hindi ko lang talaga natatanong.
Mama: Abay tanungin mo mamaya! Paano mo malalaman kung di mo naman itatanong?
Napairap nalang ako sa sinabi ni mama. Pang ilang araw ko na dito sa Eastwood pero hindi pa din kami nagkakamoments ni sir ng talagang.. moments. Alam mo yun? Yung sana magdate kami na kaming dalawa lang. Kaya lang dahil sa pagmamadali nila na matapos na talaga yung resort sa Palawan, halos araw-araw OT na sila. Masyadong hands-on yung lalakeng yun.
Ako: Oh sige na Ma, itatanong ko na mamaya. Pero di ko pa din mapapromise ah. Madami talaga siyang ginagawa sa office.
Mama: Walang pasok non! New Year yun!Ako: May minamadali nga sila na trabaho Ma. Di ko naman pwede basta pilitin siyang pumunta dyan kung busy talaga. Pwede naman kami pumunta dyan kahit di pasko o new year.
Mama: Bahala ka, Maxine. Ikaw magsabi niyan sa papa mo.
Biglang binaba ni Mama yung tawag. Kainis talaga to minsan si Mama. Parang minsan nawawala sa isip nila na hindi naman normal na tao si sir para basta ko ayaing pumunta sa bahay. CEO yun! Hindi naman katulad yun ng mga jowa nila ate na dyan- dyan lang nagtatrabaho.
"You look stressed." Napasinghap pa ko sa biglang pagdating ni sir dito sa Veranda, lumabas kasi ako para lang makausap si mama.
"Kanina ka pa dyan?" sabi ko at ibinaba ang phone sa center table. Padabog din akong umupo sa sofa. Napalitan na pala yung dating sofa na andito.
Bigla siyang may nilapag na dalawang coffee in can sa center table. Natawa pa ko sa dala niya.
"Let's drink to that." Binuksan niya yun pareho at inabot ang isa sakin. "Cheers."
"Cheers." Natatawa kong tugon at sabay na ininom yung unang lagok. Masarap tong brand na ito. Sakto lang.
"Who are you talking to before I came?"
"Si mama. Nawawalan kasi siya ng signal kanina nung nasa kwarto ako, eh baka magising si Gav pag malakas boses ko kaya lumabas ako dito para kahit magsisigaw ako, walang magigising."
"I woke up."
"Weh. Dahil sakin?"
"Yup."
"Sa boses ko? Malakas?"
"Yeah." Niliitan ko siya ng mata, hindi ako naniniwala eh. "well, you've been shouting in my dreams. 'I love you Sir Niel! I love you so much!'". Hinampas ko siya sa braso kasi niliitan pa niya ung boses niya para gayahin yung akin.
"Hoy ah! Sinasabihan kita niyan sa panaginip mo?"
"Yeah. It's true. That's why I woke up."
"So ibig sabihin masamang panaginip yun? Kasi nagising ka eh. Nako." Hinapit niya ko palapit sakanya habang tumatawa. Inayos niya ko, niyakap niya ko patalikod habang siya nakasandal sa mataas na armrest.
"Nagising ako kasi that dream is so beautiful. I usually don't wake up during nightmares, I endure them sleeping. Mas nagigising ako pag maganda yung dream."
BINABASA MO ANG
CEO's Wife (COMPLETED)
RomanceA love story will never have a happy ending because it shouldn't end in the first place. Kaya nga alam ko na yung engagement namin ay umpisa palang talaga ng love story na ito, kaya lang iba din ang love story sa totoong buhay at sa mga pelikula. Pa...