Mama: So anong plano?
Ako: Same pa din Ma.
Mama: Kaya nga, so hindi na kami pupunta dyan?
Ako: Wag na, Ma. Di naman to impor—
Mama: Wag ka nga umarte dyan na hindi importante! Alam mo ba kung paano ipagyabang ng Papa mo yang pag graduate mo sa abugasya? Kada may makakasalubong kaming kakilala sa palengke sinasabi niya yun.
Napafacepalm nalang ako sa sinabi ni Mama. Ang Papa naman kung makapag kalat, akala mo hindi niya ko pinalayas noon dahil lang sa kagustuhan kong mag abogado. Ipagyayabang din pala ako may pagsampal pa siya sa akin non.
Ako: Kaya pala andaming nagmemessage sakin sa facebook na mga classmates ko dati.
Mama: Oo no! Kaya hindi maganda sa picture sa fb pag wala kami. Pupunta kami ni Papa mo dyan.
Ako: Hindi kasi ganon kamura ang pamasahe sa day na yun, nacheck ko na. 3days before the graduation day, sobrang mahal ng ticket.
Mama: Kami na ni Papa mo ang bahala dun. May natatabi naman kami no. Anong akala mo samin mahirap?
Ako: Hindi naman! Kaya lang.. sayang kasi.
Mama: Anong sayang? Sige na. Andyan ang Tita Betty mo, mag zuzumba kami.
Ako: MA! Teka lang!
Mama: Bye Anak!
Napairap nalang ako nung ibaba na talaga ni Mama ang tawag. Tinignan ko ang orasan sa phone, 7:32AM-Saturday. Kaya pala mag zuzumba. Nag-inat ako at nagplano ng magandang gawin ngayong araw.
Sa mga normalan kong araw, nag-aaral ako nito baka kasi may recitation, pero dahil tapos na kami sa lahat (my God Thesis is done hooray!), hayahay weekend ako ngayon. So anong gagawin ko sa buhay? Ngayong wala na kong ikakabusy masyado?
Ito talaga yung ayaw ko, yung mababakante ang utak ko kasi kung ano-ano nanaman papasok dito. Okay na ko eh. Need to keep my mind occupied. So instead of sleeping, err, trying to sleep I mean, tumayo nalang ako at nag umpisa ng magprepare. Kung san man ako pupunta? Bahala na. Maliligo nako.
Marami ng nabago sa araw-araw kong ginagawa simula nung... pero madalas ko pa din maisip. Salamat sa napaka active and multi-tasking na isip ng mga babae, kayang mag-isip ng iba-ibang bagay ng sabay-sabay. Kaya kahit lokohin ko ang sarili ko sa pag papakabusy, meron pa din mga Segundo o minuto ng buhay ko na napapansin ko yung pumipintig na sakit sa maliit na parte ng puso ko. Pero siguro, sadyang ginawa ng Diyos na paminsa'y makalimot tayo sa sakit at mga damdaming hindi makakabuti sa atin para makagawa at makaisip ng mga bagay na higit na mas importante.
James:
What's our moving-on-activity plans today?
Nangiti ako sa text na natanggap mula kay James nung nag-aayos na ko matapos maligo. Parang alam na niya sa mga panahong magiging bakante ang isip at katawan ko sa ibang bagay, mapupukaw muli ng sakit ang buo kong pagkatao. Thank you Lord sa ganitong kaibigan.
Alam kong higit pa sa pagkakaibigan ang inooffer niya sakin, ilang beses na ba niyang sinabi sakin yun? Ilang beses na ba niyang pinamukha sakin na I'll better be off with him, na mas magiging mabilis ang paglimot ko kung ibabaling ko sakanya? At ilang beses ko na din bang naturn down?
Sa totoo lang napaka unfair non para sa kanya. Who am I to use someone just to forget? It is the easiest way the world know, to move on, to totally forget, but the most barbaric and prejudicial too! Yun na yung hakbang na kailangan ko para mabitawan yung isang bagay na nakakasakit sakin pero napakasama non.
BINABASA MO ANG
CEO's Wife (COMPLETED)
RomanceA love story will never have a happy ending because it shouldn't end in the first place. Kaya nga alam ko na yung engagement namin ay umpisa palang talaga ng love story na ito, kaya lang iba din ang love story sa totoong buhay at sa mga pelikula. Pa...