33.
Akala ko 1st trimester lang ang paghihirap, I am on my 5th month pero walang pinagbago. I still have all-day sickness, hilo and suka everywhere. Feeling ko nabbwiset na mga kasambahay namin dahil hindi lang isang beses ako inabutan ng suka sa lapag, hindi umaabot sa cr. Nakakahiya sakanila.
Nadagdagan din ang mga gamot na iinumin, bakit yung mga kakilala ko nung magbuntis sila pa gala-gala pa. Samantalang ako, hapong-hapo pupunta lang ako ng pool area.
Halos hindi na ko umaalis ng bahay. Everything I need is served on my face. Kahit ang OB ko, siya na ang nagpupunta sa bahay.
"Am I pabigat?"
"What?" Nilingon lang ako saglit ni Niel bago pinagpatuloy ang pag masahe sa paa ko habang nasa pool kami.
"Ako, pabigat, sayo. Sa buong bahay. I feel like I'm a burden to everyone."
"You're not. You're just.. pregnant." Kibit balikat niya.
"Feeling ko ako lang gantong buntis sa buong mundo."
"Oopps.. pregnant-oa-feeling-and-thinking strikes in!"
"Niel!" He just chuckled. Lagi sinasabi sakin ni Mama yung arte ko daw nadagdagan dahil sa pagbubuntis. Pero ito talaga nafifeel ko now, parang nakakahiya sa pamilya ko at mga kasambahay kasi ang arte masyado ng pagbubuntis ko.
"No one's thinking ill about you, Max. We all know this is just a phase."
"Sabi nga ni doc 3 to 5 months.. pa 6 na ko oh, onti nalang, pero wala. Ganon pa din."
"Then let it be. You know what, forget about it and just be pregnant there. Enjoy your moment as a pregnant woman. Ganon nalang. Don't mind us."
Bumuntong hininga lang ako sa sinabi niya. Hindi pa din matangap na okay lang sila.
Nung dumating ang buo kong pamilya para magbakasyon dito, kahit papano sumaya ang feeling ko. Gusto ko lang kasi ang luto ni Mama. Medyo nakakakain na ko kaya nagrerequest ako sakanya ng mga gusto kong kainin.
"Buntis nga si Max. Ang weird ng pagkain na gusto. Carbonara, tinola, buko pandan? Kadiring combination to." Sita ni Ate Jess.
"Okay lang naman ah." Sabi ni Ate Jhing.
"Kainin mo kung ano lang gusto mong kainin, wag lahat kung nawiwirduhan ka." Nagbelat ako sakanya nung sawayin siya ni Papa.
Pero hindi ako nawiwirduhan. Kinain ko talaga sila ng sabay-sabay at feeling ko ngayon lang ako nakakain ng tama sa loob ng ilang buwan.
Sa mga sumunod na araw, pakunot ng pakunot ang mukha ni Ate Jess sa mga nirerequest kong pagkain kay Mama. Nakakapagtaka lang din kasi na masarap talaga sakin ang mga yun.
"Sopas at ice cream? Jusko Max baka ano naman kalabasan ng pamangkin ko!" Sita niya nung makailang araw ng nagluluto si Mama.
"Wag ka na magreklamo, kumain ka nalang. Hindi naman sayo nakahain ang pagkain, sakanya naman."
"Papa, nakaka awkward kasi makasabay sa hapag. Ganyan ba si Mama noon?"
"Oo. At paniguradong ganyan ka din." Tabla ni Papa na nagpatawa samin. Kulit kasi namemekeelam sa gusto ko. Ngayon na nga lang nakakabawi sa pagkain.
Inaantay ko yung katulad ng sinasabi sakin mi Mama noon na pinaglihi niya ako sa Peanut Butter. Tapos daw di siya makakain ng kahit ano kung walang Peanut Butter. Buong pagbubuntis daw niya ay lagi siyang may hawak ng garapon ng peanut butter.
Inaabatan ko yun sa sarili ko. Yung may magugustuhan akong particular food na sasabihin ko sa magiging anak ko dun ko siya pinaglihi. Pero wala talaga.
BINABASA MO ANG
CEO's Wife (COMPLETED)
Roman d'amourA love story will never have a happy ending because it shouldn't end in the first place. Kaya nga alam ko na yung engagement namin ay umpisa palang talaga ng love story na ito, kaya lang iba din ang love story sa totoong buhay at sa mga pelikula. Pa...