17

24K 732 163
                                    


17.

Muntik na akong makapag mura nung biglang may pumulupot na braso sa bewang ko at hinila ako palayo kay James. Ang bilis ng tibok ng puso ko nung tignan ko si sir na nakangiti sa mga nasa table na nagulat din. "Good evening, sorry to interrupt you but I just need to have this dance with my fiancée." Bigla akong napatingin sa gitna at napansin ko ngang nagkakasayawan na. tumingin si sir kay James na nabigla pa din sa ginawa niyang pag-agaw sakin. "Thanks for letting them know she's taken." Tumingin ulit siya sa mga nasa table. "Please excuse us."

Tuluyan niya kong hinila palayo doon, hindi ko na tinangkang lumingon sa mga mukha nung iniwan namin lalo na ni James. Pag dating sa gitna ay hinarap agad ako ni sir sa kanya, slow dance na ang tugtugan. Lumingon pa ko sa paligid at napansin na madami naman ng nagsasayaw at wala naman kami masyado sa gitna kaya hindi na ko naconcious, at hinarap na si sir.

Ipinatong niya ang mga braso ko sa balikat niya at nilagay naman niya ang mga kamay niya sa aking bewang. Sobrang lapit nanaman ng mukha niya sakin.

"Sorry, I can't do your 'tone down' thing tonight. Seeing you so beautiful with that dress, it aches to see you so far. And it aches more seeing you too close with other man." Pabulong niyang sinabi sakin habang nagsasayaw kami. Halos hindi ko na nga marinig sa hina at sa lakas naman ng tawanan ng mga tao nung magsayaw din yung dalawang matanda.

"Halata namang di mo kaya." Bulong ko at medyo natawa kasi kanina pa siya paobvious.

"Why are we doing it anyway? You told me you and that.." parang gusto niyang magsabi nanaman ng adjective na di ko magugustuhan kaya tinaasan ko siyang kilay. "..guy is just friends. Are you really just friends? I can see how he looks at you. Damn!"

Natawa ako ulit pero napabuntong hininga nung maalala ko yung nangyari kaninang hapon. "We're just friends. Promise. Kaya lang sobrang dami niyang natulong sakin, ang daming..." halos di ko na matuloy kasi ayokong saktan si sir sa pag-alala ng nangyari sa amin. "I can't just avoid him. Sobrang bait na tao ni James."

"Yeah right, like I would not do the same thing if we're on the same situation." He snorted.

"Tsk. This is hard for me, too. Gusto kong maging magkaibigan pa din kami kahit na maging okay tayo ulit." Malungkot kong sinabi. Kasi totoo yun, gusto ko talaga. He is such a good friend.

"I understand love, he was there when I was not." Tinignan ko maigi ang mata niya ng sabihin yun, I can see the pain. Sobrang torn ako. I want to make him happy, but I realized after namin mag-usap ni James, napakasama kong tao para bigla nalang bitawan yung taong sumuporta sakin nung down na down ako. Naguguluhan na ko sa buhay ako. I want to both grasp them in my hands, of course I know who'll be in my heart, I just want to hold James as a dear friend. Dahil wala siyang ginawang masama sakin.

"I'm sorry." Yun lang ang nasabi ko pero ngumiti pa din siya sakin but I can still see it, his insecurities, his pain. Kaya hindi ko alam kung yun ba ang nagtulak para bigyan siya ng halik. It was just a shallow and soft kiss. Hindi ko alam kung paano ko pa ipapadama sa kanya na pag-aari niya ako.

Nahiya akong tignan siya nung bumitaw ako, alam kong namumula ako at natutuwa siya dun.

"Your blushing."

"Sinabi pa, alam ng totoo." Natawa siya dun at tinignan ako ng kakaiba, pure love, longing, love. I should know, that's how I am looking at him right now. At ganon ang nararamdaman ko.

"Sir Niel?" napatingin kami pareho sa lumapit sa amin, si Buboy, yung ngisi niya ay nagtatanong at nagtataka. Nagpapabalik-balik ang tingin niya saming dalawa kaya nahiya ako.

CEO's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon