15

19.8K 741 287
                                    

15.

Tinawag ako ni Gavin habang nag si-surf kami ni James at kinawayan ako nung mapatingin sa kanya. Tumalon na ko sa board para mabilis siyang mapuntahan. Sumunod sakin si James.

Kinuha ko yung towel na nasa balikat ko kanina na nilapag ko lang sa buhangin malayo sa tubig kasama ng iba kong damit. Nagpunas ako saglit bago sinuot ulit ang mga damit ko.

"Tita Max you're good in surfing. Can you teach me?"

"I'm not that good yet. I just learned it last week. Lagi nga ko nahuhulog." Ngiti ko sakanya.

"Still teach me please!"

"Oo naman! Pero mas magaling si Kuya Buboy mo. Siya nagturo sakin."

"Really?"

"Yup! Ask for your Papa's permission first bago ka magpaturo kay Buboy." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kubo namin, gusto ko na magbanlaw.

"I'm already big tita, I can decide for myself." Tinawanan ko siya ng mahina at ginulo ang buhok. Tong batang to talaga. "Where are we going tita? I saw Lolo and Lola in the resto."

"Ah ganon ba, okay. Dun muna tayo sa room namin? Maliligo lang ako at magbibihis."

"Banlaw na Max?" lumingon ako kay James na nasa likod ko pa nga pala at nakasunod samin ni Gav.

"Yup. Ikaw? Sama ko na si Gav dun sa kwarto namin."

"Alright. Magbabanlaw na din ako. Let's meet after?"

"Sige. Sa resto nalang."

"Okay."

After non ay dumiretso na kami patungo dun sa kwarto naming family, tahimik lang si Gav kaya tinignan ko siya. Parang may iniisip lang na malalim.

"So kamusta ang finals mo? Hindi na kita natawagan ulit."

"I think my grades are good. Tita can I ask you something?"

"Sure. Ano yun?"

"Are you and Tito James already together? Like in a relationship or something."

Tumawa ako ulit. "He's a friend. Good friend."

"I don't think you're only friends." He said matter-factly.

"Ha? Why?"

"The way he looks at you..." pabitin niya.

"Ano? Creepy?" natatawa kong tanong.

"No. He looks at you like how Papa used to looked at you before." Nawala agad yung ngiti sa pisngi ko at para akong kinurot sa puso. 'used to' kasi hindi na ganon diba?

"Talaga? Hindi ko naman napapansin." Palusot ko.

"I observed men looked at their girlfriend or wife all the time."

"Wow. Parang ang binata mo na magsalita talaga! Di na kita baby?"

Ngumiti siya at parang kinilig sa sinabi ko. Bago pa kami makarating sa kubo namin, nakasalubong na namin si Ate Marina.

"Hinahanap kita Gavin! Akala ko naligaw ka na!" kabado niyang sinabi samin habang hinihingal.

"Bakit? DI ba siya nagpaalam? Pinuntahan ako sa dagat kanina." Tanong ko sabay tingin kay Gav at hindi siya makatingin sakin. Confirmed.

"Oo tumakas! Sabi ko aayusin ko lang yung mga damit namin at sasamahan ko siya sayo, pag CR ko maya-maya wala na! Papatayin mo ko sa kaba!" hingal niya.

CEO's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon