26.
"Max!!"
"Hi Dette!"
Mahigpit akong niyakap ni Bernadette nung magkita kami sa arrival area ng NAIA 3.
"Namiss kita!" tumawa siya ng malakas after ko sabihin yun. Namiss ko naman talaga siya.
"Ang OA mo Attorney ha. Kanina lang kavideocall pa kita." Agad kinuha ng driver yung dala niyang dalawang maleta at isinakay sa nakaabang ng sasakyan namin. Napaka arte talaga nitong babae na to, makikibakasyon na nga sa bahay namin, kaylangan pa may kasamang pag sundo sa airport.
"Asan ang mag ama mo?"
"Syempre wala. Ako lang naman ang hindi busy para sunduin ka."
"At ang reyna mo naman masyado kung pati yung CEO at anak eh susundo pa sayo!" singit ni Ate Marina mula sa gilid namin.
"Waaah Ate Marina! Namiss kita bwiset ka pa din talaga." Nagyakapan ang dalawa habang inaabot ni Ate Marina sakin yung binili niya kaninang inumin bago lumabas si Dette.
"So anong plano mo Dette? Makikitira ka lang talaga kela Maxine?" nakasakay na kami pauwi at nag aasaran nanaman ang dalawa. Namiss din nila ang isa't-isa talaga.
"Syempre! Hindi naman ako nakatulog don nung nagpunta ako bago ko umalis pa Dubai. Tsaka mainam ng may kasama si Max sa bahay, diba aalis si Papa Niel?"
"Bakit? Andon ako no. Madami kami don. Madami silang katulong FYI."
"Alam ko! Mas maganda lang pag andon ako para mas masaya. Kunyari ka pa miss mo din naman ako."
"Nako Max, pagbilinan ko na pala dapat ang mga kasambahay na ipagtatago ang mga pagkain niyo sa ref, baka meron nanaman mag buffet dun. GInawang unli yung pagkain."
"Napaka mo talaga!" napapangiti lang ako sa asaran nilang dalawa. Ang hirap na humirit pag sunod-sunod ang salitaan nila natatalo pagiging abugado ko.
"So kamusta naman Mrs. Marquez? O Attorney Marquez?"
"Baliw ka. Max pa din."
"Huy ano ka ba? Ang tagal ng pag aaral na ginawa mo. Nag review ka pa for Bar. Nakapasa. Tapos hindi ka magpapatawag ng Attorney? Que horror! Ang dami kong kilala, di pa nga nakakagraduate gusto tawag sakanila, Doc, o Attorney o anumang tinatapos nila. Tapos alam mo ba, kanina may nagalit pa sa eroplano. Dapat daw iaddress siya ng tama kasi daw Doctor siya. Malay ba ng flight attendant na doctor siya diba? Anyway, so ayun nga, Attorney Max."
Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nitong babaeng to. Namimiss ko kadaldalan niya ng live kahit pa madalas kaming mag video call nung nasa Dubai pa siya.
"Pero hindi pa din ako sanay pa gang tatawag sakin mga kakilala ko. Sa office okay lang."
"Ayy syala. Talagang office girl ka na kela Papa George?"
"Oo diba sabi ko nga sayo. Corp Lawyer nila ako. Pero tatlo kami."
"So ano pala balita dun sa last na napag usapan natin? Yung wish ni Papa Niel?"
Ngumuso lang ako sa tanong niya. Sa totoo lang hindi ko pa din alam ang sagot. Niel has been very vocal of wanting to have a child. I really can't say I don't like it, it's just that, I don't know, not now?
Nag eenjoy ako sa work ko. Nag eenjoy ako na kumikita sa pagiging abogado ko. Kasi ito na yun e, ito mismo yung gusto ko. Ito yung dahilan bakit ako umalis ng Davao. I want this career.
"But you'll stay there. You will still be Attorney Marquez in the company. It is not like I am telling you to stop working." Pag ito na ang sinasagot ni Niel sakin tuwing sinasabi ko na gusto ko pa yung takbo ng career ko, hindi na ko nakakasagot ulit.
BINABASA MO ANG
CEO's Wife (COMPLETED)
RomanceA love story will never have a happy ending because it shouldn't end in the first place. Kaya nga alam ko na yung engagement namin ay umpisa palang talaga ng love story na ito, kaya lang iba din ang love story sa totoong buhay at sa mga pelikula. Pa...