Chapter 1 - The First Month

931 29 1
                                    

Chapter 1 – The First Month

                Naglalakad sina Ihza at Matt sa dalampasigan habang magkahawak ang kanilang kamay. Nakangiti lang silang pinagmamasdang ang isa’t isa. Tahimik sa lugar kung nasaan sila; tanging sila lamang ang tao rito at tanging ang hampas ng alon na nagsisilbing musika sa kanilang tenga ang kanilang naririnig.

                “Isang buwan na pala…” wika ni Ihza at huminto sila sa paglalakad. “isang buwan na nang maging tayo. Pero, pakiramdam ko, isang taon na.”

Tinanggal ni Matt ang pagkakahawak sa kamay ni Ihza. “Pangako ko sa’yo…” hinawakan ng binata ang pisngi ng dalaga. “na kahit anong mangyari, hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi kita sasaktan.”

“P—pangako ko rin sa’yo, Matt. Mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita, Ihza. Ikaw lang ang laman ng puso ko…”

Pumikit si Ihza at dahan-dahang inilalapit ni Matt ang kanyang labi sa labi ng dalaga.

“Ihza…” wika ng isang babae, si Ecky – isa sa malapit na kaibigan ni Ihza. “Ihza, hoy!”

Biglang dumilat sa pagkakapikit si Ihza. Isang panaginip lang pala ang lahat.

“Ecky naman eh. Sarap ng tulog ko, ginising pa ‘ko!” may padabog na wika ni Ihza sabay kamot sa ulo at bumulong, “Tutuka na eh. Malapit na, naudlot pa. Badtrip naman!”

“Malamang.” Medyo pabalang na sagot ni Ecky. “Umalis na yung mga kasama natin dito sa library. Tapos na kami gumawa ng assignment, ikaw natutulog ka lang d’yan.”

“Pasensya na. Napuyat kasi ako eh.”

Tumayo na sina Ecky at Ihza upang lumabas na sa library at pumunta na sa susunod nilang klase.

“Napuyat? Sabi nga ni Nicole, kaya ka na-late kanina sa first class natin kasi ang sarap ng tulog mo. Take note, hindi ka raw puyat. In fact, 8:00 P.M pa lang daw, tulog ka na.” Tumigil sa paglalakad si Ecky at humarap kay Ihza. “Tapatin mo nga ako, sabi mo sa akin, naka-move-on ka na mula sa break-up n’yo ni Jervie, pero bakit hanggang ngayon mukhang apektado ka pa rin?”

“Sumbungera talaga yung kakambal ko na yun…” bulong ni Ihza sa sarili niya. “One hundred percent sure na ‘ko. Wala na akong nararamdaman para kay Jervie. Wala na.”

“Kahit kaunti?”

Sasagot sana si Ihza ngunit hindi niya alam ang isasagot niya kaya napayuko na lang ang dalaga.

“Ano ba kasing nangyayari sa’yo, Ihza? May problema ka ba?”

Dahan-dahang tumaas ang ulo ni Ihza at diretsang tumingin sa mga mata ng kaibigan. “In-love ako, Ecky.”

“Wow ha? Ikaw lang yung in-love na malungkot. Nakakapanibago ka, Ihza. Halos dalawang buwan na mula nung maghiwalay kayo ni Jervie, bigla ka na lang naging ganyan. Tuliro. Madalas kang tulala at mas madalas kang natutulog. Kahit sa klase, natutulog ka na ngayon.”

“Yun na nga, Ecky. Kaya ako tulog ng tulog… kasi in-love ako!”

“Ha? Ganun ba yun?”

“In-love ako sa lalaking nasa panaginip ko!”

Katahimikan.

“Alam mo, Ihza, tingin ko lang, nasasaktan ka pa rin sa hiwalayan n’yo ni Jervie…”

“Hindi, Ecky. Seryoso ako. Nagsimula yung panaginip ko ilang linggo bago nakipaghiwalay sa’kin si Jervie. Araw-araw, tuloy-tuloy yung panaginip ko. Parang teleserye. Hindi ko alam kung paano o bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko. In fact, isang buwan na kami ngayon.”

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon