Chapter 8 - One Step Backward

587 16 4
                                    

Chapter 8 – One Step Backward

“Matt…” bulong ni Ihza sa sarili at dahan-dahang inangat ni Ihza ang mukha niya upang makita kung sino ang may suot ng ID na ito. “Mateo?” wika ni Ihza nang makita niya ang  mukha ng lalaki.

Humarap si Mateo kay Ihza. “Oh, Ihza. Ikaw pala ‘yan?”

“A—ano’ng ginagawa mo dito? Wala ka bang sasakyan?”

“Ha? Ahm… nasiraan kasi yung sasakyan ko eh. Iniwan ko na lang muna doon sa driver namin. Ikaw?”

“Ako? Wala lang. Gumagala.”

“Gumagala? Mag-isa? Ganito kaaga?”

“Oo. Bakit? May masama ba do’n?”

Ngumiti si Mateo at umiling. “Let’s have a coffee? Hindi pa ako kumakain ng almusal eh. My treat.”

“Sure. Okay lang sa’kin.”

Nang makarating na sa station kung saan sila bababa, kaagad silang naghanap ng bukas na Starbucks.

“Dalawa pala yung letter ‘t’ sa pangalan mo?”

Tumingin si Mateo sa ID niya, tinanggal niya ito, at inilagay sa kanyang bag. “Oo. Kaso, mas ginagamit ko yung single ‘t’. Doon kasi ako nasanay eh. Kapag important things lang, saka ko ginagamit yung totoong spelling.”

“Lagi ka bang sumasakay doon sa MRT?”

“Hindi naman. Nung umalis yung driver namin, doon ako nagsimula magMRT. Mga three months ago siguro yun. For a week, ganun ako. Hindi kasi ako marunong mag-drive. Ayoko matuto.”

Lalong lumalakas ang kutob ko, si Mateo nga ang lalaking nakita ko noon kaya nalikha ang imahe ni Matt sa panaginip ko. Wika ni Ihza sa kanyang isipan. “Bakit ayaw mong matutong magmaneho?”

Hihigop sana si Mateo ng kanyang kape nang nagtanong si Ihza. Inilapag niya ang kape sa lamesa at umupo ng maayos. “Phobia na siguro. Noong bata kasi ako, naaksidente kami. Tandang-tanda ko pa no’n. Papunta kami nina mommy at daddy sa isang mall. Masayang-masaya ako kasi birthday ko… at kompleto kaming tatlo. Kaso, nawalan ng preno si daddy. Nabangga yung sinasakyan namin. Tulala raw ako. Hindi makausap. Walang tugon sa lahat ng bagay. Dumaan ako sa therapy, hindi ko alam kung ilang buwan yun. Ayoko na kasing alalahanin kaya pilit kong kinakalimutan. Tapos, nang gumaling ako, hinanap ko si mommy. Sabi ni daddy, pupuntahan daw namin siya. Masaya ako bago pa kami pumasok sa sementeryo. Huminto kami at naglakad ng bahagya. Nang huminto si daddy, nakita ko sa paanan ang lapida – nakalagay ang pangalan ni mommy doon. Noong mga panahong yun, parang gusto ko nang sumunod sa kanya. Pagkatapos no’n, ibang-iba na ang buhay ko. Lagi nang nasa work si daddy, madaling-araw na lagi kung umuwi. Wala ng oras para sa’kin. Ginawa ko lahat para maging proud s’ya sa’kin. Ginawa ko lahat para mapansin n’ya ako. Lahat yun ginawa ko para sa kanya, pero lahat yun kulang pa. Alam mo ba, Ihza? Hanggang ngayon, ako pa rin ang sinisisi ng daddy ko sa pagkawala ng mommy ko.” Nangingilid ang luha ni Mateo. Bago pa man ito tumulo, kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang kanyang mga mata. “Kahit ako, sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan ko naman talaga eh. Kung hindi ako nag-aya manuod ng sine, baka buhay pa si mommy ngayon.”

“W—wala namang may gusto ng mga nangyari ‘di ba? Hindi mo naman kagustuhan yun.”

“Masakit pa rin. Ilang beses ko sinubukang i-untog ang sarili ko para lang makalimutan yun… pero walang talab eh. Kapag pala pinipilit mong kalimutan ang isang bagay, lalo mo lang itong maaalala at sa bawat pagpilit mong kalimutan yun, lalo ka lang masasaktan.”

“Sorry, Mateo.”

“No. Please. Wala kang ginagawa. Salamat ah?” sabay hawak ni Mateo sa ibabaw ng kamay ni Ihza na nakapatong sa lamesa. “Iilan pa lang ang may alam ng tungkol sa buhay ko.”

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon