Chapter 7 - The Playful Fate

604 19 0
                                    

Chapter 7 – The Playful Fate

“Sigurado ka ayos ka lang?”

Titig na titig si Ihza sa lalaking nasa harapan niya kaya nagtataka ang lalaking ito kung ano ang nangyayari kay Ihza. “Oo. Okay nga lang ako. Ahm… have we met before? P—parang familiar kasi sa’kin yung mukha mo. Y—you’re name’s Matt, right?”

Bago pa man makasagot ang lalaki ay biglang lumabas sa bar ang tities at pukies na kaagad lumapit kay Ihza. Naunang makalapit si Jervie.

“Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba?” tanong ni Jervie kay Ihza at umakbay sa dalaga. Tumingin siya sa lalaking kausap ni Ihza.

“Nand’yan ka na pala, hindi mo naman kaagad sinabi.” Wika ni Nicole na tila kinakausap ang lalaki. Nang makalapit ang dalaga sa binata at umakbay ang huli kay Nicole.

“Pasensya na, ‘etong miss kasing ‘to, biglang may nag-snatch ng cellphone niya. Buti na lang napigilan ko.”

“So, nagkakilala na pala kayo?” wika ni Nicole na nakangiti.

“Sino ba ‘yan, Nicole? Tanong ni Harold.

“Mga tities at mga pukies…” sabi ni Nicole sabay harap sa lalaking nakaakbay sa kanya. “si Mateo nga pala, ang boyfriend ko.”

“Hi. Lagi kayong nakukwento ni Nicole sa akin.”

“Yang tinulungan mo, si Ihza ‘yan. ‘Yan ang aking pinakamamahal na kapatid. Tapos, yung boyfriend n’yang si Jervie. Tapos, ‘eto si Diana, Jonas, Marvin, Julie, Ecky, Badeth, Wilcor, Harold, at ang birthday girl, si Dea. Sayang hindi mo naabutan yung ginawa ni Jonas.”

“Sayang nga eh.”

“Yun naman pala eh. Everybody happy na! Kiss na!” wika ni Jonas sabay harap kay Diana at ngumuso.

Marahang sinampal ni Diana si Jonas upang iiwas ang papapit na mukha ng kanyang nobyo. “Puro ka talaga kalokohan. Sabi ko behave ‘di ba?”

“Opo.” Mahinang sagot ni Jonas.

“Under ka pala, p’re!” biro ni Wilcor kay Jonas.

Tawanan ang lahat.

“Tara na, balik na tayo sa loob.” Wika ni Harold sa isang seryosong tono. Tumalikod na siya at saka naunang pumasok sa bar.

“Let’s get the party started!” sigaw ni Marvin sabay hiyaw.

Naglakad na sila papasok sa bar maliban kina Jervie at Ihza. Lumingon si Ecky at nakita na hindi naglalakad ang dalawa, bagkus, sila ay tila nag-uusap ng pabulong. “Ihza! Jervie! Tara na! Kompleto na tayo! P’wede ng mag-party!”

Tumigil sa paglalakad ang iba at tumingin din kay Ihza at Jervie.

“Sige…” sagot ni Jervie pero pinutol siya ni Ihza na nagsalita bigla.

“M—may pupuntahan pa kami ni Jervie eh. Pasensya na kailangan na naming umalis.”

Humarap si Jervie kay Ihza at bumulong. “May pupuntahan tayo? Saan?”

“Mga tities, pakisabay na lang si Nicole sa bahay ah? Pasensya na, biglaan lang.”

“Ako na ang maghahatid sa kanya.” Wika ni Mateo.

“Happy birthday, Dea.” Bati ni Ihza saka tumalikod at naglakad papunta sa parking area kung saan naka-park ang sasakyan ni Jervie.

“Sige, salamat. Ingat kayo!” sigaw ni Dea at nagtitigan ang pukies.

“Ingat din kayo!” sigaw ni Jervie sabay kaway habang naglalakad paatras. “Happy birthday, Dea!” at hinabol na niya si Ihza.

Pumasok na sa loob ng bar ang tities at pukies.

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon