Chapter 6 - The Proposal

638 22 2
                                    

Chapter 6 – The Proposal

Nakangiting nakatitig si Ihza sa kalendaryong nakasabit sa likod ng kuwarto nila ni Nicole. Nakaupo si Ihza sa kama samantalang nagme-make-up naman ang kanyang kapatid. Lumingon ang huli sa kanyang kapatid at napansin ang kakaibang saya sa mukha ni Ihza.

“Hoy!” sabay bato ni Nicole kay Ihza ng takip ng lipstick at tinamaan naman ang kanyang kapatid na napalingon sa kanya, nakangiti pa rin. “Nababaliw ka na naman? Ngumingiti ka na lang d’yan basta-basta.”

Tumayo si Ihza at tumabi kay Nicole sa harap ng salamin at nagsimula na ring mag-make-up. “Hindi naman. Naalala ko lang. Isang buwan. Isang buwan na mula nang hindi ko na makita si Matt sa panaginip ko. Isang buwan mahigit na mula nang magkabalika kami ni Jervie. Ang sarap lang alalahanin. Everything seems so perfect.”

“Kasi nga wala na sa isip mo si Matt. Hindi ka na nasasaktan at si Jervie na ang iniisip mo ngayon. Buti nga nakatagal ka… biruin mo yun? Halos isang linggo ka ring hindi natulog ah? At talagang karamay mo sa puyatan si Jervie. Hindi rin siya natulog para sa’yo. Hanggang sa hinarap mo na ang takot mo at hindi mo na nga nakita si Matt sa panaginip.”

“Oo nga eh. Buti hindi ako pumangit dahil sa eyebags ko.”

“May nabasa nga ako na article. Tungkol sa panaginip. Sabi doon, 90% ng panaginip natin nakakalimutan natin ilang segundo pagkagising natin.”

“Ibig sabihin, mas matagal pa pala kami nagkakasama ni Matt kaysa sa natatandaan ko?”

“Oo. At ‘eto pa…” wika ni Nicole at tumigil muna ang dalawa sa pagme-make-up. “Hindi raw kaya ng utak natin na mag-create ng bagong mukha. Ibig sabihin, kung may makita tayong hindi natin kakilala sa panaginip natin, hindi ito likha ng isip natin. Baka raw nakasalubong natin sa kalsada, nakasabay natin sa jeep, nakasiksikan natin sa tren, o baka nakasabay natin sa pamimili sa mall.”

Tumatango lang si Ihza habang nakikinig kay Nicole. Bumalik na ang dalawa sa pagme-make-up. “Ganun pala yun. Ibig sabihin, totoong tao si Matt?”

“Oo… at hindi. Oo, totoong tao siya. Nag-e-exist sa mundong ito yung mukha niya. Pero yung ginagawa niya, mga sinasabi, yun ang likha ng isip mo. Yung nangyari sa inyo, gawa lang yun ng imagination mo.”

“Galing ‘no? Parang universe pala yung utak natin? Ang lawak.” At tumayo na si Ihza. “Hindi ka pa rin tapos? Kanina ka pa d’yan?”

“S’yempre, kailangan maganda. Besides, birthday ni Dea.”

“Para namang makikita yung make-up mo doon. Bar kaya yung pupuntahan natin. Medyo madilim tapos blink-blink pa yung ilaw.”

“Kanya-kanyang trip lang ‘yan.”

Biglang bumukas ang pinto ng kanilang kuwarto at pumasok ang nanay nina Ihza at Nicole. “Nand’yan na yung bodyguard n’yo, bilisan n’yo kumilos d’yan.”

“Opo, ma. Bababa na po kami. Ang tagal kasi ni Nicole eh.”

“Oh s’ya… sige. Bilisan n’yo.” Sinarado na ng nanay nila ang pinto.

“Bilisan mo d’yan!”

“Oo, ‘eto na nga oh. Atat masyado? Excited?”

“Baka ikaw ang excited…”

“Naman… excited na ako para sa surprise ko sa inyo.”

“Wow… si Dea lang ang may birthday? Lahat kami, may surprise? Ano naman yun?”

“Secret…” sabay tawa  si Nicole at tumayo na siya. “Tara na.”

Lumabas na sila ng kuwarto at bumaba na papuntang sala kung saan naghihintay ang kanilang bodyguard.

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon