Chapter 11 - A Plot of Revenge

543 16 0
                                    

Chapter 11 – A Plot of Revenge

“Ihza! Utang na loob… kausapin mo naman ako!” pakisamo ni Jervie habang hinahabol si Ihza na naglalakad.

Kasama ni Jervie ang tities. Samantala, pauwi na si Ihza galing kina Julie. Maagang nagising sina Jervie at hinintay na lumabas si Ihza mula sa bahay nina Julie. Naglalakad lang ang dalaga dahil malapit lang naman ang bahay nila sa bahay ng kanyang kaibigang kanilang tinuluyan.

“Ihza… please naman! Huminto ka na.” Patuloy na pakisamo ni Jervie. Pero ayaw pa ring huminto ng dalaga at tuloy-tuloy ito sa paglalakad. Nang matanaw na niya ang kanilang bahay, mas lalo pang binilisan ni Ihza ang kanyang lakad.

Nakita ni Jervie na papasok na ang dalaga sa kanilang bahay kaya tumakbo ito at hinawakan sa braso si Ihza upang iharap sa kanya. Kumawala si Ihza. “Jervie, ano ba?! P’wede bang tigilan mo na muna ako!”

“Gusto lang kitang maka-usap…”

“Gusto ko muna mapag-isa. Gusto ko munang mag-isip. Ayoko munang makipag-usap, please.”

“Magpapaliwanag ako, Ihza. Please… pakinggan mo muna ako.”

“Tama na, Jervie. Tama na ang mga narinig ko mula sa’yo. Wala ka ng dapat ipaliwanag. Ayoko nang makarinig pa ng kasinungalingan. Please… ‘wag muna ngayon.”

Papasok na sana si Ihza sa loob nang dumating ang tatay nina Ihza at Nicole. Dali-dali itong, bumaba sa sasakyan, seryoso ang mukha, gigil nitong hawak-hawak ang cellphone niya.

“Good afternoon po.” Bati ni Jervie at ng tities sa tatay ni Ihza ngunit tila hindi maganda ang kondisyon nito. Dire-diretsong lang na naglakad ito at hindi pinansin ang mga tao sa labas kahit ang kanyang anak.

Nagkatinginan sina Jervie at Ihza. Dahil sa pag-aalala, nagmadaling pumasok ang dalaga at sinundan naman ito ni Jervie kasunod ang iba pa. Sinundan nila ang tatay ni Nicole.

Nang makapasok ang tatay sa loob ng bahay. Napatayo naman ang nanay ng kambal dahil sa pagkabigla sa pagdating ng kanyang asawa na noon ay nakaupo at nanunuod ng telebisyon. Pumasok na sina Ihza at tiningnan niya ang kanyang anak na walang maisagot sa kanya kung hindi ang isang blankong tingin.

Umaakyat ang tatay sa hagdanan at dumiretso sa kuwarto nina Ihza at Nicole. Nagmadali ang lahat sa pag-akyat. Binuksan ng tatay ang pintuan at nakita niya si Nicole na nakaupo. Lumapit siya rito. Tumayo ang dalaga dahil sa pagtataka. Nang makalapit ang ama niya ay kaagad niyang binigyan ng isang malakas na sampal si Nicole na siyang naging dahilan kaya napahiga ang dalaga sa kama.

“Ano ‘to?!” wika ng ama ni Nicole habang itinataas ang cellphone. “Ano’ng ibig sabihin nito?!”

Dumating na sina Ihza, ang kanyang nanay, at ang tities. Umiyak si Nicole. Lumapit siya sa ama niyang nanginginig sa galit at dahan-dahang kinuha ang cellphone at sinilip kung ano ang nais ipakita ng kanyang ama sa kanya. Ilang segundo pa, napatakip na lang siya ng bibig, napailing, at lalong lumakas ang kanyang iyak.

“Totoo ba? Ikaw ba ang nasa sex video na ‘yan?!” tanong ng ama ni Nicole.

Lumapit ang ina ng dalaga, kinuha ang cellphone at tiningnan ito. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig. Tumingin siya kay Nicole at saka ibinaling muli ang atensyon sa cellphone. Lumapit din si Ihza at kinuha ang cellphone sa inang umiiyak na ngayon. Nakitingin din ang mga tities. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

“Sumagot ka!” sigaw ng ama ni Nicole. Umiiyak na tumango ang dalaga. “Walang hiya ka! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!” sigaw nito sabay sampal sa dalaga. Matapos sampalin ay sinabunutan niya si Nicole. Lumapit ang ina ng dalaga upang pigilan ang kanyang asawa ngunit tinulak lang ng huli ang asawa niya. Kinaladkad si Nicole habang sabunot siya ng kanyang ama pababa, papunta sa kanilang sala. Tumabi naman ang mga tities na ayaw makialam sa problema ng pamilya ng kanilang mga kaibigan. Sumunod din ang lahat pababa.

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon