Prologue

1.8K 37 32
                                    

Prologue:

‘Pag puso ang nasugatan, umasa ka, matagal bago ito maghilom ng lubusan. Sa oras na maghilom ito, mag-iiwan pa rin ng peklat ang sugat na 'yon – isang ala-ala na minsan nang nasugatan ang puso mo.

Dahil sa sobrang sakit, natatakot na tayong magmahal. Hanggang dumating ang taong unti-unting mag-aalis ng takot na iyon sa iyong puso.

But, what if that person doesn’t exist in this world? What if that person exists only in your mind? Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo para sa kanya kung minahal mo na siya kahit alam mong mali ang pagmamahalan n’yong dalawa?

Pero, may mali nga ba pagdating sa pagmamahal? May mga batas bang dapat sundin kung sino lang ang pwedeng mahalin ng isang tao? Wala naman ‘di ba? Kaunti na lang ang libre sa panahon ngayon at isa na rito ang magmahal at mahalin. Pero, marami pa ring tanong ang naiiwang walang kasagutan. Haaaay… bahala na nga!

Si Ihza ay isang Information Technology student. Siya ay maganda, mabait, at masayahin.

Si Jervie ay isa ring Information Technology student. Siya ay guwapo, mahiyain, at seryoso.

Mahigit isang taon ang itinagal ng relasyon nina Ihza at Jervie ngunit sa hindi malinaw na dahilan, nakipaghiwalay ang binata sa kanyang nobya at dito papasok si Matt, ang lalaking nagpahilom ng sugat sa puso ni Ihza na iniwan ni Jervie. Siya ay perpekto na sa paningin ni Ihza. Ngunit si Matt ay isang lalaki lamang sa panaginip ni Ihza. Isang lalaking gawa lamang ng kanyang isip ngunit nagawa pa rin niyang mahalin.

Paano nga ba iikot ang kanilang mga kapalaran? Paano nga ba sila paglalaruan ng tadhana? Tanong na paniguradong may kasagutan.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

My first time writing a love story. Enjoy reading :) if you like my story..please comment and/or vote.. thanks

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon