Chapter 10 - The Truth Behind Every Lie

622 19 10
                                    

Chapter 10 – The Truth Behind Every Lie

Masama pa ring nagtitinginan sina Mateo at Jervie at ang lahat ay pinipilit na pakalmahin ang dalawa.

“Ano ba kasing nangyari dito?” tanong ni Ecky. “Bakit bigla na lang kayong nag-away?”

“Bakit hindi ninyo tanungin ‘yang putang inang lalaking ‘yan?!” sigaw ni Jervie habang dinuduro-duro si Mateo. “Magsalita ka!”

“A—ano ba kasing nangyari?” malambing na tanong ni Nicole sa kanyang nobyo na medyo naiiyak na.

“Hindi ko nga alam eh. Bigla na lang akong sinugod ni Jervie habang may kausap ako sa cellphone. Nagulat na lang ako bigla s’yang nagwala.”

Nagwala na naman si Jervie. “Sinungaling kang hayop ka!”

“Tama na, Jervie! Ano ba?!” sigaw ni Ihza at pinilit kumalma ni Jervie. “Bakit mo naman biglang sinugod si Matt?”

“Hindi ninyo kilala ang lalaking ‘yan! Sinungaling ‘yan! Nagpapanggap lang na mabait pero demonyo naman pala!”

“Diretsahin mo na kasi. Bakit nga?” Wika ni Julie.

“Ginagamit ka lang ni Mateo, Nicole. Pinagpustahan ka nila ng kaibigan niya. Sampung libo. Yun lang ang halaga mo para sa kanya. Hindi ka naman talaga mahal n’yan eh.”

Humarap si Nicole kay Mateo na tumutulo na ang luha. “Totoo ba yun?”

Umiling si Mateo. “Hindi ko alam kung saan kinuha ni Jervie ‘yang mga pinagsasasabi n’ya. Si daddy yung tumawag sa’kin. Hinahanap ako. Hindi kasi ako nakapagpaalam eh. Alam mong hindi ko magagawa yun. Saka alam mo namang mahal na mahal kita ‘di ba?”

“Putang ina mo! Mamatay ka na! Hayop ka! Napakasinungaling mo!” nagwala na naman si Jervie. “Pati si Ihza gusto mo pang agawin sa’kin! Gago ka! Hindi porke’t mayaman ka, magagawa mo na ang gusto mo… na makukuha mo na lahat ng gusto mo!”

Tumingin si Nicole kay Mateo na bakas sa mukha ang sakit mula sa pambubugbog ni Jervie. “H—hindi ko talaga alam… wala akong alam sa mga sinasabi ni Jervie. Hindi ako ganung tao… may pinag-aralan ako. Hindi ko kayang mang-ahas. Nicole… maniwala ka.”

“Nicole! ‘Wag kang maniwala d’yan! Hangga’t maaga pa, iwanan mo na ang lalaking ‘yan! Sasaktan ka lang n’yan! Hindi ‘yan ang lalaki para sa’yo! Maniwala…” lumapit si Nicole kay Jervie at sinampal niya ito ng napakalakas. Napatigil si Jervie sa pagsasalita.

Hinatak ni Ihza si Nicole at sinampal. “Wag na ‘wag mong sasaktan si Jervie!”

Panandaliang napatigil si Nicole. Nang makabuwelo, sinampal niya si Ihza at sinabunutan. Ayaw bitiwan ni Nicole ang pagkakasabunot niya kay Ihza kaya inilagay rin ni Ihza ang kanyang kamay sa ulo ng kapatid niya at sinabunutan niya ito. Hinila niya ang ulo papuntang kanan. Papuntang kaliwa. Papuntang kanan. Papunta sa likod. Binitiwan ng mga tities ang hinahawakan nilang sina Mateo at Jervie upang pigilan ang dalawang magkapatid. Walang magawa ang pukies kung hindi ang manuod at magmakaawa na itigil na nila ang gulong ito.

 Dahil pinakawalan, dali-daling tumakbo si Jervie papalapit kay Mateo at binigyan niya ito ng suntok ngunit nakaiwas ang huli. Nang makahanap ng tiyempo, sinuntok niya ng dalawang beses si Jervie sa sikmura at isang suntok sa mukha. Sinipa ni Jervie si Mateo upang bahagyang mapalayo at saka sinuntok sa mukha ng dalawang beses bago matumba muli. Iniwan naman nina Wilcor at Marvin kina Jonas at Harold sina Ihza at Nicole. Pinigilan ng dalawa sina Jervie at Mateo. Hinila papalayo ni Marvin si Jervie na pilit kumakawala.

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon