Chapter 5 - A Glimpse of the Past

652 19 1
                                    

Chapter 5 – A Glimpse of the Past

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Nakita ni Ihza si Matt na nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa dagat, dinadama ng kanyang paa ang bawat alon na dumarating.

            “Matt?” tawag ni Ihza at lumingon naman sa kanya ang binata.

“Oh, Ihza, bakit parang ang lungkot mo?”

Nakalapit na si Ihza kay Matt. “Kailangan nating mag-usap.”

“Bakit? Hindi pa ba tayo nag-uusap ngayon” biro ni Matt sabay tawa.

“Seryoso ako.”

Tumigil sa pagtawa si Matt at hinawakan ang mga kamay ni Ihza at bahagya itong itinaas. “Ang init naman ng ulo mo ngayon.” sabay halik sa kamay ng dalaga.

Tinanggal ni Ihza ang pagkakahawak ni Matt sa kanyang mga kamay. “Ayoko na, Matt. Ayoko nang magtago sa kasinungalingang ginawa ko. Hindi naman kasi ako talaga nagiging masaya eh. Masaya lang ako ‘pag nandito ako… kapag tulog ako. Pero, pagkagising ko, wala na yung sayang nararamdaman ko.”

“A—anong ibig mong sabihin?” bahagyang napaatras si Matt.

“Alam ko naman sa simula pa lang na hindi ka totoo… na hanggang dito ka lang sa panaginip ko. Alam ko na gawa ka lang ng utak ko para pasiyahin ako dahil nasaktan ako. Alam kong hindi ikaw ang mahal ko.”

“Dahil ba kay Jervie?”

Tumango lang si Ihza.

“Sinaktan ka na niya minsan! Hindi ka ba natatakot na baka saktan ka n'ya ulit?”

“Ganun naman talaga kapag nagmamahal ang isang tao eh… kailangan munang masaktan. Hindi mo yun alam kasi hindi ka naman tao!”

Umiling si Matt at ngumiti na parang isang demonyo. “Pero wala kang magagawa, Ihza. Nakatanim na ako sa isip mo. Wala kang magagawa dahil sa bawat pagtulog mo, makakasama mo ako! Hindi kita pakakawalan, Ihza… hinding-hindi!”

“Kung kailangang i-untog ko ang sarili ko para makalimutan kita, gagawin ko! Kung kailangan kong hindi matulog para hindi ka makita, gagawin ko! Gusto kong tapusin na ‘tong kagaguhang ‘to!”

Mabilis na humakbang si Matt papalapit kay Ihza. Tatakbo sana ang dalaga ngunit hinawakan siya ni Matt sa kanyang braso, mahigpit na mahigpit.

“Ano ba, Matt?! Nasasaktan ako!”

“Hindi ako papayag, Ihza! Akin ka lang! Hindi na kita papakawalan! Dito ka lang!”

“Utang na loob, Matt… ayoko na!” umiiyak na wika ni Ihza habang pumapalag mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Matt.

“Kung hindi ka magiging akin, mas mabuti pang walang makinabang sa’yo!” sigaw ni Matt at saka sinampal si Ihza. Napaupo sa buhanginan ang dalaga. “Magsasama tayo habang buhay… tayo lang, Ihza! Tayo lang!” at sasampalin niya muli si Ihza. Kaliwa’t kanan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Ihza… gising…” wika ni Jervie habang inaalog-alog ang katawan ni Ihza. “Ihza! Gumising ka…”

Lumapit si Diana kay Ihza at ibinuhos sa mukha ng kaibigan ang malamig na tubig na laman ng dala niyang baso. Maya-maya pa ay dumilat at napaupo na si Ihza, hinihingal, nanginginig na animo’y takot na takot, at nanlalaki ang mga mata. Kumuha ng towel si Ecky at ibinigay ito kay Jervie upang punasan ang mukha ng dalaga.

See You in My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon