Thank you nga pala sa mga nag-vote, nag-comment, nag-share at nagbabasa ng story ko.. Kahit silent reader ka man. Thank you pa rin! I really appreciate everything you do.. Thank you talaga ng sobra sobra! 🤗💙💪🏻
Peace sa mga typo errors and grammatical errors.. ✌🏻️
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPE Y'ALL ENJOY THIS ONE
~~~
Julia Melissa Morado
Nasa mall kami ngayon dahil may kainan or dinner na magaganap mamaya at kasama daw ang buong barkada. Namiss siguro nila ang mag-bonding. Magda-dalawang buwan na rin kasi nung huli naming outing sa resort ng mga Hartmans sa Batangas.. ni lumabas o kahit kumain man nga lang ay hindi namin magawa dahil na rin naging busy kami sa kanya-kanya naming mga buhay at trabaho. Syempre hindi 'yon maiiwasan dahil may sarili-sariling buhay na rin kaming kailangan i-handle.
But anyways, buti na lang at naisipan nilang mag-bonding dahil yung kambal ay nasa bahay nila mamu at papu. Namiss raw nila ang mga apo nila sa kanilang bunsong anak. Nakakatawa nga dahil nagdrama muna sakin si Mamu. Hahaha.
So, back to the story, humiwalay muna kami sa grupo dahil syempre naging close na rin kami simula nung nangyari sa mini-vacation. Actually, wala naman kaming ginagawa kundi magkwentuhan at mag-asaran. Kulang pa nga kami eh, wala pa si Jho dahil kasama raw niya sina ate Dzi. Tinext na namin siya at sinabihan na dito lang kami sa harap ng Jollibee maghihintay at bilisan niya kamo.
Ilang minuto ang lumipas nang makita namin na tumatakbo si Jho papalapit sa amin. Kinawayan na ni Gi si Jho para makita niya kaming nakaupo sa labas ng Jollibee. Bumeso muna siya samin bago siya umupo sa vacant chair sa gitna namin ni Gi.