Chapter 58: Hiding Something?

553 19 18
                                    



P R E V I E W

"Babe! Saan ka pupunta?!" Jia yelled from upstairs.

Michelle stopped in the middle of the staircase, "going to work, babe!" She yelled back at her. "Don't worry I'll be back in 5!" She added.

"But babe! I thought lalabas tayo with the kids today?!" She yelled back, probably a bit whining about Michelle leaving. "We've planned it already! Tsaka ang aga pa kaya!"

Michelle unconsciously smiled, sighing softly, "I know babe! Ayoko din pumunta but my duty calls!" She slightly frowned upon the thought of leaving her, Jia and the boys behind.

Jia, who is now at the top of the staircase, "but babe.." She pouted, whining about Michelle leaving for work. On the other hand, Mich smiled at the beautiful sight that laid before her eyes, she ascended back up the stairs.

"I know, babe." She held both of Jia's hands, comforting her. "Promise, babalik ako agad para sa bonding natin, okay?"


~~~

Julia Melissa Morado

It has been a month or two since the meet up between the girls and Mich, some the girls didn't took it too well. Especially sina Ana, Kim and Jamie, my batch mates, my soul sisters. I completely understand why they act like that, and it scares me. It scares me kasi what if tama sila? What if hindi nga talaga siya si Mich? What if niloloko niya lang ako?

And if you're thinking na I am doubting her, no, hindi sa ganon. I trust Mich wth all my life. May mga bagay lang talaga na nakakapag pagulo sa utak ko. Natatakot lang naman ako sa mga possibilities na pwedeng mangyari, tao lang ako. I'm not perfect. And I'm pretty sure na may times na nakapag-isip na rin kayo, well kung nagkaroon na ng boyfriend or girlfriend. Na darating ka sa point na mag-iisip ka ng kung anu-ano. But, it's okay, normal lang naman iyon.

Especially ngayong mas napalapit at napamahal na ang kambal sa kanya. Ayoko lang na dumating sa puntong pati ang mga anak ko masaktan. At alam ko namang ganoon rin si Mich when it comes to them— very happy akong hindi siya masyadong nahirapan pagdating sa dalawang makulit na 'yun. These days kasi napansin 'kong naging very close na silang tatlo, especially after 'nung mini reunion na nangyari a month ago. Minsan nga nagtatampo na'ko sa kanila dahil sa sobrang close nila. Though there's this one time na bigla nila akong sinurprise, as in, todo effort talaga. Thats why I'm super thankful talaga ako na I have them in my life. I am very lucky.

Nakadungaw ako ngayon sa veranda ng kwarto namin ni Mich, mula sa taas ay kitang-kita ko kung gaano siya aliw na aliw sa kausap niya. Paano kasi kung makatawa ang lola niyo akala mo naman end of the world na, wagas kung makatawa oh. Ano naman? Selos much ganon? Pake mo ba kung nagseselos ako and besides, may karapatan ako. Nye, nye, nye! 'Wag ka lang maging possessive much kasi, baka masakal yan, nako! Shut up ka nga dyan, konsyensya! Di ka nakakatulong eh. 🙄 Affected much! Hmp!

Sumilip ulit ako sa direksyon kung saan siya naka upo, sa akin kasi siya nakaharap habang may kausap siya sa laptop. Di ko alam kung through Skype ba or what. Basta.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko dahil sa lakas ng pagtawa nito at ng kausap niya. Grabe, ah. Kung makatawa wagas. Tuwang-tuwa siya, oh. Ano? Silang dalawa lang andito? 'Yung tawa niya, sobrang lakas at rinig na ata sa kabilang barrio.

Ay, grabe. Napaka naman ni ate! Selos na selos oh!

Che! Tsaka ano naman? May karapatan akooooooo!

Bakit? Kayo ba? Haa?

Matagal ng kami! College pa langgggg!

Honestly, now that I think about these kind of things.. I don't care at all. Matagal ko ng alam na mahal ko si Mich and alam 'kong ganon rin siya. Possessive na kung possessive pero akin siya.

Ang akin ay akin lang.

~~~

Bumaba ako ng hagdan not knowing kung anong kababalaghan ang bumulaga sakin. Kaagad 'kong nakita ang dalawa sa pinaka makulit na mga bata sa buong mundo, na tahimik lamang na naka upo at manunood ng cartoons sa tv. Aba't ano na naman 'bang gimik ito? Naloloka na 'ko. Especially this past weeks.

Paano ba naman kasi palagi na lang nila akong sinuserprise. And I don't know kung may nakain ba sila or kung may okasyon ba or na food poison sila kaya ganyan. Hahaha. I know medyo hard pero as far as I can remember hindi naman ganito ka-sweet at ka-effort si Mich dati, well noong college kami. Oo, aaminin ko, sweet siyang kasama and very caring and super loving. Clingy pa nga siya. But! It didn't came to the point na laging may pasabog everyday for the rest of the week, as in like, 24/7 talaga.

Although, 'di naman sa nagrereklamo ako or what, kasi I actually love it.

"Hey, boys," bati ko sa kanilang dalawa.

They looked at me and smiled, "hi mommy!" They ran into me, giving me a tight hug.

"Anong meron at tahimik kayo?" I asked them teasingly.

"Kasi may nagbigay po ng treats samin.." Jasper said.

"Ay nako. Si Morente talaga lagi na kayong inispoil ah.." I muttered to myself.

Minsan talaga hindi ko mawari kung pagbibigyan ko na lang or what. Ayoko namang masanay 'tong kambal.





~~~

Yieeeeeee! Konting pasilip mga pipol!! Miss niyo ba'ko?! Alam ko namang oo ang sagot pero dapat humble lang. HAHAHA. Sorry medyo natagalan, mahigit 2 years na, ano?

Pero im back mga pipol!! Tatapusin ko na'to, legit na. Syempre kelangan ko nang votes and comments tungkol sa mga kwento, rants o kahit ano. Kung tungkol sa stories ko, mga chika, comment down below.

At kung meron din kayong suggestions para sa stories ko, icomment niyo lang. Mabait naman ako. Atsaka namiss ko kasi kayo, eh.

YIEEEEE KILIGIN KAYO BILIS! HAHAHA.

Anyways, see y'all soon! Babalik ako. Paghahandaan ko pa ng mabuti 'tong pagbabalik ko.

04/15/19


~ Author Dude 💙✌🏻️

First Impression Last Impression?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon