\\AN. Please read until the last chapter. Thank you.\\
"Oy, oy," rinig ko, sabay may sumundot sa aking tagiliran, "Jonas, ilang buwan nalang gagraduate na tayo. Kailan ka magtatapat kay Anika, ha?"
Si Blue na naman. Ang kaibigan kong mala-unggoy sa kulit.
Inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko at sinamaan sya ng tingin. "Manahimik ka nga," sabi ko bago yumuko ulit.
Mula noong unang araw ng klase, matapos ang Christmas break, naging sirang plaka na si Blue. Palagi nyang tinatanong kung aamin na ba ako sa aking nararamdaman para kay Anika. Syempre umiiwas lang ako dahil ako mismo hindi alam ang sagot. Tapos itong mokong na'to, sobrang insensitive na di makaramdam na ayaw kong pag-usapan yun.
Pero sa pagkakilala ko kay Blue, kahit sabihin kong ayaw kong pag-usapan yan, di pa rin yan titigil. Ganyan sya ka-insensitive. Ilang beses ko nang naisip kung bakit ko nga ba naging matalik na kaibigan ang isang tulad niya? Kasi sya yung tipo ng kaibigan na masarap i-dunk sa trashcan.
"Naduduwag eh," sabi nya sabay tawa.
"Grabe, nakakatawa. Ha ha ha." Alam mo yung feeling na bad trip ka dahil bagsak ka sa exam, tas may kaibigan ka na walang tigil sa pang-aasar? Ito yun eh. Ito yun.
"Nako, nako. Balita ko pa naman dumidiskarte daw si Ares sa kanya," sabi nya,"pag ikaw naunahan wag kang iiyak-iyak sa balikat ko ah?" Tumawa sya ulit. Ang galing naman. Sya lang ang natutuwa.
Si Ares yung 'good' boy sa klase. Altar boy eh. Tapos honor student din, masunurin(teacher's pet), president ng klase, at ang may hawak sa korona ng best in recitation. Paano ba naman, tuwing may tanong palagi syang may sagot. Tindi din ng braso nya di nangangawit kakataas ng kamay. At base sa mga nakikita ko marami-rami ang may gusto sa kanya. So kung sya lang din ang magiging karibal ko, may point pa bang umamin kay Anika?
Ares vs Me = Unicorn vs donkey. O di ba ang layo ng agwat? Parang distansya ng Earth at Pluto. Parang duel ng isang gladiator at peasant.
Sinundot na naman ako ni Blue sa'king tagiliran. Wala namang duda na sya yun. Sya lang katabi ko eh.
"Oy, si Anika," bulong nya sa'kin.
Para akong nakarinig ng 'Attention!' galing sa isang General. Mabilis kong inangat ang aking ulo, pagtingin ko sa pintuan akala ko talaga nasa langit na ako. Alam kong corny na, pero para talaga syang angel sa ganda nya. At dahil doon, naging fallen ako. Fallen in love.
Nakikipagtawanan sya kasama ang kanyang tatlong kaibigan. Lahat babae.
Ang pagdaan nya sa harapan ay tila pagrampa sa isang fashion show. Kulang nalang ang hangin effect sa kanyang buhok na ash blonde para pwede nang maging palabas sa Tv. O di kaya'y magslow motion ang lahat. Pero wala dahil sa Tv lang yun nangyayari.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa maupo sya. Nakaupo sya sa pinakaharap sa bandang kaliwa ko. Matalino eh kaya nasa harap. Sumunod naman ang kanyang mga kaibigan sa pag-upo sa kanyang likod. Occupied na kasi ang upuan sa kaliwa't kanan nya.
Sa pagkakaalam ko hindi nya masyadong close yung tatlo. Madalas kasi si Ares ang lagi nyang kasama.
May humawak sa'king baba at marahang nilihis ang aking mga mata mula kay Anika. Ngayon, kakambal ni Harambe ang kaharap ko.
"Hinay-hinay lang pre. Pag ikaw nahuli nyan baka maturingan kang maniac. Mukha ka pa namang rapist, 'kaw din," bigkas ni Blue habang nakangisi.
"Pasalamat ka kamag-anak mo si King Kong kaya di kita masapak."
"Hala, namemersonal ka na ah. Biro lang." Ngumiti sya, yung lagpas tenga. Oo, lagpas tenga ang sa kanya. Sobrang lawak kasi ng kanyang ngiti na pwede itong maging runway ng airport.
Hindi ko na sya pinansin ulit. Kinuha ko nalang ang libro ko sa Math, kahit nahihirapan akong hanapin si X. May pinagsasabi pa si Blue pero nagbingibingihan ako.
Tumunog ang school bell. Naging reflex ko na ang lumingon sa paligid ng mabilis tuwing naririnig ko ang school bell. Ewan ko ba kung bakit. Siguro para malaman kung may absent ba o wala.
At guni-guni ko lang siguro ang mahagip ng aking mga mata si Anika na nakatingin sa'kin, kasi noong tiningnan ko sya muli, nagbabasa sya ng libro at walang senyales na tumingin sya sa direksyon ko. Mahirap talaga pag ang utak mo assuming din.
Malapit lang ang bahay namin sa school kaya tuwing uwian naglalakad lang ako pauwi. Minsan, pag walang gagawin sa Student Council si Blue--oo, kasali sya sa Council sa di malamang dahilan--sinasamahan nya ako sa paglakad kahit na malayo-layo ang kanila.
May meeting sina Blue ngayon, kaya mag-isa kong tinatahak ang maalikabok na kalsada pauwi.
Ang traffic dito sa amin minimal lang naman. Hindi tulad ng sa Manila. Nakikita ko sa news yung traffic sa EDSA, at minsan naawa ako sa mga sasakyan na haling tulad ng cheetah sa bilis ngunit kailangang maging pagong kasabay ng iba. Sana kasing haba rin ng traffic ang mga pasensya nila. Although sweet tingnan ang mga sasakyan kasi close sa isa't isa, tulad lang nila... Ares at Anika.
Napatigil ako.
Nakatalikod sila sa'kin habang pumipili sila ng ice cream sa Inday's Sari-Sari Store. Sobrang close nila na nagdikit na ang kanilang mga braso. Halata ang tuwa sa boses ni Anika habang nakikipag-usap sya kay Ares.
Ang dibdib ko parang nakatanggap ng suntok mula kay Pacman. Ang mga balikat ko parang pasan ang mundo. Nanghina ang mga tuhod ko. Napako ako sa aking kinatatayuan habang tinitingnan silang dalawa na nagtatawanan. Ang saya niya kasama siya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng aking bag at tinuloy ang paghakbang pauwi habang pilit na inaalis sa'king isipan ang imahe nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
His Farewell (Completed)
Teen FictionLove was never made easy. Alam mo kung bakit? Ito ay dahil nakalaan lamang ang pag-ibig sa mga tao na worthy magmahal. Sila yung inulan ng paghihirap ngunit patuloy pa rin tinatahak ang daan tungo sa pag-ibig na nakalaan para sa kanila. Sila yung hi...