Seniors' Ball-Part Two

29 8 0
                                    

Nagplay na ang music. Nang marinig ko ang starting notes ng piano, sinimulan ko ang paglalakad tungo sa kanya. Naglakad din sya tungo sa akin hanggang magtagpo kami sa gitna. Nagbow kami sa isa't isa. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay gamit ang aking kaliwa at ang kanyang waist gamit ang aking kanan, habang ang kaliwa nya'y nakapatong sa balikat ko.

Ang choreo kasi ay kami ang unang sasayaw sa intro ng music tapos susunod ang iba.

Nang makita at mahawakan ko na sya, nawala ang nararamdaman kong kaba at anxiety. Nawala dahil ang utak, katawan, soul, at puso ko ay lahat nakafocus sa kanya. Sa ngayon, ang tanging nararamdaman ko ay love.

"A tale as old as time," the music says. "True as it can be..."

Nagsimula kaming sumayaw. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang ang mga nasa paligid ko'y unti-unti nang naglalaho. She's just so beautiful making my heart melt each second.

"Barely even friends, then somebody bends, unexpectedly…"

Ang suot nya'y isang ballgown na halintulad ang kulay sa isang rosas. May suot syang earrings at kwintas na mas lalong nagpa-elegante sa kanya. Kung noon sa pananaw ko'y ang mga nakamake-up ay clowns, ngayon nagbago ito nang makita ko sya. Sa bawat araw na pagkikita namin mas lalo lang nya akong pina-iinlove.

Magkasabay ang mga paa namin. Ang aming katawan umaayon sa isa't isa na parang iisang utak lang ang kumucontrol sa mga ito. Ramdam ko ang kanyang mainit na paghinga tuwing nalalapit ang kanyang labi sa aking balikat. At alam kong ang puso namin sumasabay sa beat ng kanta dahil ang pagsayaw namin ay in sync na parang kami ay iisa.

"Just a little change, small to say the least…"

Tuluyan ng naglaho ang nasa paligid ko. Ngayon para na kaming lumulutang sa ere habang sumasayaw. Ang gym kanina ay naging outer space na. Imbis na mga tao sa grand stand ay mga kumikislap na bituin ang aking nakikita. Ang mga torches kanina ay naging comets na ngayon. Umiikot ang mga ito sa amin habang tinutuloy namin ang pagsasayaw. Naging mga planets ang mga tables sa gilid. Kami lang dalawa ang sumasayaw sa tabi ng buwan.

Naalala ko ang unang pagkikita namin. Corny mang pakinggan pero sa unang beses ko syang matitigan sa kanyang mga mata, inakala kong crush lang ang aking naramdaman. Pero ngayon narealize kong mas malalim pa ito sa crush.

"Both a little scared, neither one prepared…"

Hindi ko malilimutan ang pagiging makulit nya noong maaga akong napunta sa kanila para gumawa ng group project. Sa kanilang kusina ko unang narinig ang kanyang pagtawa at promise akala ko talaga mermaid ang aking narinig. At kahit na nasermonan ako ni mama at napahiya sa kanila, hindi ako nanghinayang sa araw na iyon.

"Beauty and the beast."

Noong araw nga palang papunta kami sa museum. Nakaupo kami sa bus at mahimbing syang natutulog sa balikat ko tapos bigla nalang bumuka ang kanyang labi at nanghingi ng ice cream. Ang cute cute nya noong sandaling iyon kaya naman nilibre ko sya ng ice cream noong nagkita kami ulit.

"Ever just the same, ever a surprise," the music continues. "Ever as before, ever just as sure as the sun will rise…"

Tuwing naiisip ko ang panahong lumayo ako sa kanya dahil sa pagiging duwag ko, hindi ko maiwasang gustuhin na suntukin ang aking sarili. Gusto ko nga sanang i-untog ang aking ulo sa sobrang pagkatanga nito.

"Tale as old as time, tune as old as song…"

Lalo na noong nagkasakit ako. Parang sinasaksak ang puso ko nang umiyak sya habang inaamin na mahal nya ako, at ang ginawa ko lang ay magsorry.

"Bitter sweet and strange…"

Sobrang nasaktan ako nang sabihin ni Rey na sya ang boyfriend ni Anika. Akala ko tuluyan na syang mawawala sa akin. Akala ko hindi ko na makakamit ang bituin na nagbibigay liwanag sa buhay ko.

"Finding you have change, learning you were wrong…"

At yung pag-uusap namin sa park habang ang langit ay umiiyak. Doon ako nagising matapos marinig ang kanyang paliwanag. Nagising ako sa aking katangahan at kaduwagan. Natutunan kong kailangan kong gumawa ng aksyon upang makamit ang pangarap ko dahil ang buhay hindi spoonfeed.

"Certain as the sun, rising in the east…"

Gumuho ang aking mundo nang sinabi nyang huli na ang lahat. Nakita ko sa aking isipan ang imahe ng isang bituin na humihina ang liwanag.

"Tale as old as time, song as old as rhyme…"

Takot akong tuluyang mawalan ng liwanag ang bituin at maging black hole na sumisipsip ng buhay. Ayokong mawala sya kaya hinila ko sya at hinalikat nang hindi nya inaasahan. Yun lang kasi ang alam kong pwede kong gawin para lumiwanag muli ang bituin.

"Beauty and the Beast…"

At kung hindi ko ginawa yun marahil nasa bahay ako ngayon at nagmumukmok. Marahil payat, itim ang eyebags, at durog ang puso ko ngayon.

"Tale as old as time, song as old as rhyme…"

Kung hindi ako namulat sa sariling kaduwagan, marahil hindi ko na makikita ang kanyang mga ngiti at tawa. Marahil hindi ko na mararanasan ang kanyang kakulitan. Marahil hindi ko na maririnig ang kanyang matamis na boses.

"Beauty and the Beast."

Thankful ako sa pagdating nya sa buhay ko. She's a blessing and I will treasure her forever.

She curved her back backwards and bent her knees. I held her tight and leaned towards her. We were close that the tips of our nose were touching. I could feel her breathing in my lips. I stared at her beautiful, star-like brown eyes and said, "I love you, Anika."

She just smiled, but for me it was more than enough.

Then for a split second, I saw her falling into a black hole. My body went cold. My heart raced.

It was just like my nightmare.

His Farewell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon