Mas naging close kami ni Anika matapos ang field trip. 'Yong para kaming matagal ng magkaibigan. Madalas kaming mag-usap tuwing break time, o pag wala ang teacher. Sabay na rin kaming maglunch kasama sina Blue at Ares.
Kung noon nabibwisit ako pag nakikita si Ares, ngayon minsan nalang. Siguro insecure lang ako sa kanya dahil mas kilala at mas madalas nyang kasama si Anika. Buti na nga lang iba ang gusto nya't hindi si Anika. Salamat kupido.
Kakatapos ko lang ang final exam namin sa English. Nakatambay ako ngayon dito sa lilim ng puno. Mag-isa lang ako. May isa't kalahating oras pa naman bago ang huling exam namin ngayong araw, kaya chill muna ako dito.
Hinubad ko ang aking uniform dahil kanina pa ako pinapawisan. Ang init kasi ng panahon kahit na February pa. Isinabit ko ang uniform sa sanga ng puno tapos humiga ako sa bermuda grass. Makapal naman ang puting undershirt ko kaya hindi naging hassle ang malakarayom na bermuda grass.
Dumaan ang preskong simoy ng hangin na nagpaantok sa akin. Hinayaan kong matangay ang aking sarili patungo sa dreamland. Naniniwala kasi ako na mamalasin ka kapag nanlaban ka sa antok. So kapag inaantok ka, kahit na nasa kalagitnaan ka ng board meeting, matulog ka. Sign kasi 'yan ng overwork. Wink wink.
Naka-idlip ako. Napaginipan ko ang aking sarili na nahuhulog sa space. Napakasurreal. Hindi ko maintindihan lalo't paano ka mahuhulog sa space eh wala namang gravity? Basta ba ramdam ko ang pagkahulog at takot... at kirot sa aking puso. Napakalabo di ba? Parang ang posibilidad na maging kami ni Anika, malabo.
Patuloy lang ang pagkahulog ko sa deep space at hindi na nakayanan ng utak ko. Napilitan akong buksan ang aking mga mata.
"Okay ka lang?" rinig ko. Ang tamis ng boses. Alam ko na kung sino kahit hindi ako lilingon.
Mabilis akong bumangon tapos kinusot ko ang aking mga mata. Mabilis ang tibok ng puso ko. Pero hindi ito dahil sa katabi ko si Anika, kundi dahil sa kaba at takot. Sariwa pa rin sa aking utak ang aking panaginip.
"Nagkaroon lang ng masamang panaginip," sagot ko.
Ngumiti sya. "Ikwento mo dali," sabi nya.
"May apocalypse daw tapos mga test papers yung zombies," tugon ko.
Ayoko mang magsinungaling sa kanya pero ayoko ring maging weirdo sa kanyang paningin. May mga panahon talaga na kailangan mong pumili, at sa palagay ko ito ang mas makakabuti. At isa pa hindi naman ganoon ka importante ang naging panaginip ko.
Tumawa sya. Ngumiti lang ako.
"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos nitong exam?" tanong ko.
"Wala naman. Bakit?"
"Pwede bang--" tayo na? "--sabay tayo pag-uwi? Ililibre kita ng ice cream."
"Sure!" sagot nya na sobrang ikinasaya ko. "Pero anong okasyon? Di ba June pa ang birthday--" Napatigil sya habang nanlalaki ang mga mata. Kaagad syang umiwas ng tingin.
"A-alam mo pala ang birthday ko?" Bakit alam nya? Wala naman kaming birthday chart sa room. Hindi ko rin nilagay kung kailan ang birthday ko sa Facebook. 'Di kaya...ay, malabo. Ayokong mag-assume sa bagay na malayo sa totoong buhay. Sa Tv lang kasi nangyayari yun.
"Uh-ano..." sabi nya habang nakaiwas pa rin ang tingin sa akin, "hula ko lang. Tama ba ang hula ko?"
Sabi na eh. Wag kasing mag-assume para hindi masaktan.
"Oo," tugon ko sabay ngiti. Pero sa ngiti ko nakatago ang aking pagkadismaya. Sa Tv lang talaga nangyayari yun.
Tumayo ako. Inabot ko ang aking nakasabit na uniform at sinuot ito. Pagkatapos dinampot ko ang aking bag.
"Tara na," sabi ko sabay abot ng kamay kay Anika. "Baka malate pa tayo sa exam."
"Sige," tugon nya tapos tinanggap ang aking kamay.
***
"So ano ngang okasyon?" sabi nya habang dinidilaan ang kanyang cornetto.
Ngumisi ako. "'Di na importante yun. Kumain ka nalang dyan," tugon ko.
"Sabihin mo na. Bilis!" sabi nya, "Pinakaayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako."
Tumingin sya sa malayo habang nakasimangot. Para syang spoiled na bata na hindi binilhan ng laruan.
Palubog na ang araw at sakto ang pagtama ng liwanag ng araw sa mukha ni Anika. Nabigyan ng emphasis ang kanyang hazelnut na mata lalo na't kumikinang ang mga ito na parang bang mga bituin. At ang kanyang buhok na ash blonde naging bronze ang kulay. Damn. Para syang leading lady sa isang classic movie. O kaya yung mga babaeng anime na pinaghalong cute at maganda.
Sya mismo ay naging scenery--ang scenery na mas maganda pa sa ilang libong sunsets.
Nabigla ako nang makarinig ako ng tawa. Pagkisap ng aking mga mata nakita ko ang nakangising mukha ni Anika. Tawa sya ng tawa habang nakaturo sa akin. Naguluhan ako. Akala ko nabaliw na sya sa sobrang talino. Pero nang makaramdam ako ng malagkit sa aking kamay, ngayon ko unang hiniling na sana lamunin ako ng lupa.
Kokey, kunin mo na ako! Please!
Kung ayaw ni Kokey edi si Lord nalang. Lord, ang bait ko naman sana kunin mo na ako!
Ayaw nila kaya kung sino man ang diyos ng kalsada--mapasemento man o aspalto--hinihiling kong sana higupin mo ako!
Dahil sa pagkatulala ko, nalimutan kong may hawak pala akong cornetto. Natunaw ito sa aking kamay at tumulo pa sa uniform ko. Nakakahiya sobra. Ako na ngayon ang nagmukhang bata.
"Ano ba yan Jon, daig mo pa ang sanggol," sabi nya sabay tawa ng malakas.
Kinapa ko ang aking bulsa gamit ang kanang kamay ko. Binuksan ko ang aking bag pero wala akong makitang panyo. Shit. Madadagdagan ang hiya ko pag nanghiram ako sa kanya. Bakit ngayon ko pa nalimutang magdala ng panyo? Bakit Jon?!
Huminga ako ng malalim at inisip na, bahala na si Darna.
"M-may panyo ka ba?" nahihiya kong tanong sa kanya.
"Panyo? Parang mas kailangan mo ang bib," sagot nya sabay tawa ulit.
"Siguro nga," sabi ko at tumungo para maitago ang namumula kong mukha. Nakakahiya sobra.
Napabuntong hininga nalang ako.
May humawak sa kamay ko at pinunasan ito ng wipes. Si Anika. Sya mismo ang lumapit para punasan ang malagkit kong kamay. Pinahubad nya sa akin ang aking uniform para daw hindi lumala ang mantsa. Hindi ito nakatulong sa nararamdaman kong kahihiyan dahil baka nagmarka ang pawis sa kili-kili ko. Huwag naman sana. Hindi ko na yun kakayanin.
Masyado syang malapit sa akin na naamoy ko ang kanyang shampoo. Tapos ang mga mukha namin ilang inches lang ang layo sa isa't isa.
"Kung anu-ano kasi ang iniisip mo't tulala ka na naman," malumanay nyang sabi. "Pilitin mo kasing magconcentrate sa paligid mo, at huwag magpalunod sa iyong isipan. Okay?"
Pagtango lang ang tugon ko.
"Mabuti nga't ice cream lang to. Paano na kung tulala ka ulit habang tumatawid sa kalsada?"
"Sa pedestrian naman ako tumatawid."
Ginulo nya ang buhok ko. "O, namimilosopo ka pa ah."
Hinawakan ko ang kamay nyang gumugulo sa buhok ko at sinabing, "Sorry na. Mahirap kasing paniwalaan na tao ka at hindi angel."
Umiwas sya ng tingin.
"Thanks sa ice cream, Jon," ang tanging sabi nya.
BINABASA MO ANG
His Farewell (Completed)
Teen FictionLove was never made easy. Alam mo kung bakit? Ito ay dahil nakalaan lamang ang pag-ibig sa mga tao na worthy magmahal. Sila yung inulan ng paghihirap ngunit patuloy pa rin tinatahak ang daan tungo sa pag-ibig na nakalaan para sa kanila. Sila yung hi...