How Fate Works-Part Four

25 1 0
                                    

Sa pagdampi ng bubog sa balat ng aking pulso kumalabog ang pinto. Nasundan ito ng tatlong malakas na katok. Natigilan ako sabay lumingon sa pinto na nasa likuran ko.

"Jon," si Casper.

Nagtaka ako kung anong sadya nya rito at ikinagulat ko ang kalmadong boses nya sa kabila nang pagkatok nyang parang maninira ng pinto.

"Jon," muling sabi nya.

Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa hawak kong bubog. Napailing ako. Dismayado ako sa'king sarili sa pagsubok na magpakamatay. Tinapon ko ang bubog bago tumayo para lumapit sa pinto.

"O? Anong kailangan mo?" sabi ko nang makalapit sa pinto.

"Ibibigay ko lang ang graduation gift mo," tugon nya sa kabilang side ng pinto. Lumipas ang isang sandali bago nya naituloy ang kanyang sinasabi. "Galing sa…kanya."

Kumunot ang noo ko sa narinig at nag-init ang aking katawan. Ninanais ko na ngayong buksan ang pinto at gulpihin si Casper.

"Sa kanya? Pinagloloko mo ba 'ko Cas?!"

Hindi ko hinintay ang kanyang sagot. Tumalikod ako at humakbang pabalik sa'king pwesto sa tapat ng bintana.

"Hindi Jon! Makinig ka muna, please." Seryoso ang tono ng boses nya.

Huminto ako at hinintay ang kanyang sasabihin. Siguraduhin lang nya na may kabuluhan ang lalabas sa kanyang bibig.

"Nakita namin 'to sa kanyang cabinet nang linisin namin kanina ang kanyang kwarto. Natapos nya siguro to b-bago sya…kinuha ng Diyos," sabi ni Casper. "Ginawa nya 'to para sayo, sana tanggapin mo."

Nakakuyom ang aking mga kamay habang nakikinig kay Casper. Nakapikit ang kumikirot kong mga mata. Napako ako sa aking kinatatayuan.

"Jon," pagtawag ni Casper.

Ayoko sanang tanggapin ito dahil mas masasaktan ako ngunit umaangal ang puso ko. Ito nalang daw ang huling bagay na matatanggap ko mula sa kanya, at kailangan ko itong tanggapin sa kabila ng lahat. Huminga ako ng malalim at nilunok ang kirot sa'king dibdib.

Naghanap muna ako ng panyo pantapal sa sugat sa'king kanang kamay. Nang makahanap ako at maitali ito sa'king kamay, itinulak ko ang cabinet na humaharang sa pinto. Hindi ko inasahang may lakas pa ako ngayon kahit na tatlong araw kong ginawang almusal, tanghalian, at hapunan ang alak. Siguro ang determinasyon kong makita ang regalo mula kay Anika ang syang nagbibigay lakas sa'kin.

Pagbukas ko ng pinto siniguro kong sapat lang ito para matanggap ko ang regalo ni Anika. Ayokong makita ni Casper ang kwarto kong dinaanan ng bagyo. Baka isumbong nya kay mama at mapilitang sirain ang pinto para mapalabas ako.

May pag-aalala sa mga mata ni Casper nang makita nya 'ko. Hindi ko naman sya masisisi dito. Pansin ko rin ang pamamaga ng kanyang eyebags--katulad ng sa'kin.

"Ilang araw ka ng hindi kumakain?" sabi nya.

Agad kong iniwas ang aking tingin. "Ibigay mo na lang."

Bumuntonghininga sya.

"O, eto."

Inabot nya sa'kin ang isang scrapbook na kulay emerald ang cover. Glitters ang ginamit sa nakasulat na My Star From Earth sa cover nito. Kinuha ko ito at isasara na sana ang pinto nang pinigilan niya ako.

"Kumain ka naman," tanging sabi nya. Tinanggal nya ang kanyang kamay sa pinto at tumalikod.

Narinig ko ang boses ni mama mula sa baba. Kinakamusta nya kung okay lang ba ako. Hindi ko narinig ang sagot ni Casper dahil sinara ko na ang pinto. Nilock ko ito bago umupo sa sahig at sumandal sa pinto.

Hinaplos ko ang cover ng scrapbook. Maganda ang pagkakagawa nito tulad ng inasahan ko. Saglit akong ngumiti nang maisip kung gaano sya ka talented. Binuklat ko ito.

Sa first page ay may dalawang picture na magkatabi. Ang nasa kaliwa ay picture ko na nakasimangot habang nakatingin sa bintana ng classroom, at sa kanan nito picture nya na nakasimangot rin habang nakatingin sa bintana ng kwarto nya. Pero sarcastic ang pagsimangot nya. Patterns na iba-iba ang kulay ang nagsilbing borders ng pictures at nakakulong ang mga ito sa isang heart na gawa sa glitters.

May handwritten caption ito sa baba.
"Yung crush mong once in a blue moon lang ngumingiti. 23/11/2015."

Last year?

Dali-dali kong binuklat ang sunod na page. Sa 2nd page picture ko na nakangiti habang binubuksan ang regalong natanggap ko noong Christmas party namin. Sa kanan nito picture nya na nakangiti rin at imbis na regalo box ng Coco Crunch ang binubuksan nya.

"Ayun! Ngumiti ka na! Colored pencils lang pala ang makakapangiti sa'yo. Sana pala naging colored pencils nalang ako. 16/12/2015"

Sa 3rd page close-up picture ko habang tumatawa, at sa kanan nito picture nya na tumatawa rin.

"Ang cuuuteee naman ng tawa mo! Parang ngiti ng aso <3 <3 10/01/2016"

Ang mga sumunod na page pareho lang nang nauna. Lahat magkatabing pictures namin at kung ano ang emosyon, pose, o movement ko sa picture ginagaya nya. Tapos ang mga caption minsan sweet, madalas nang-aasar. Hindi ko inasahang noon pa pala nya ako kinukuhanan ng pictures. Lalo kong hindi inasahan nang makita ang pictures ko noong field trip namin sa museum. Napaisip ako kung paano nya ako nakuhanan ng pictures, at naalala ko ang nakasabit na DSLR sa kanyang leeg.

Sa isa sa mga pictures ay nakatingin ako sa miniature model ng isang spaceship. Nanlalaki ang aking mga mata at nakanganga ang bibig ko. Tinapatan nya ito ng picture rin pero exaggerated ang sa kanya. Ang look ko kasi parang nakakita ng Aurora Borealis, habang sa kanya parang alien ang nakita.

Napangiti ako nang makita ang page kung saan ang picture ay portrait painting na Valentine's gift ko para sa kanya. Ang picture kasi sa tabi nito ay drawing ng mukha ko at daig pa ito ng drawing ng bata sa kindergarten. Talented nga sya bukod sa drawing.

"Oy! Wag mong tawanan ang drawing ko! Pinaghirapan ko yan!"

Tinuloy ko lang ang pagbuklat sa scrapbook hanggang sa umabot ako sa second to the last page. Picture ito ng dalawang kamay na magkahawak at Orion's belt ang background nito. Muli kong naalala ang pangyayari sa Galactic Dome na lagi nyang iniiwasan. At ngayon nasa harap ko na ang sagot. Marahan kong hinaplos ang picture habang binabasa ang caption sa baba nito.

"Surprise! Ito na ang sagot sa tanong mong iniiwasan ko lagi. Galing ko no? Haha Anyway, mula noong bata pa ako may particular na bituin ang hinahanap ko sa kalangitan bawat gabi. Narealize kong mali ang lugar na pinaghahanapan ko nang makilala kita dahil nasa Earth pala ang bituin ng buhay ko. Oo, ikaw yun, Jon. Kinikilig na 'yan :P"

At sa huling page ng scrapbook ay sideview picture ko na nakanguso. Sa kanan nito sideview picture niya na nakanguso rin at magkaharap ang mga mukha namin. Sa madaling salita, para kaming nagkikiss.

"Jonas Alexander Cruz. Ang lalaking madalas nakasimangot pero cute tumatawa--parang aso eh. Ikaw ang lalaking bumihag sa puso ko, at sa kabila ng lahat ng nangyari sa'tin, nagkatuluyan tayo sa huli. Nagpalitan tayo ng I love you. Nayakap kita ng napakaraming beses. Nahalikan kita--salamat nga pala sa pagkuha sa first kiss ko--ng napakaraming beses. Sobrang saya natin, at natakot ako na baka may katapusan ito. Pero naalala kong ang pagmamahal kapag tunay ay walang katapusan. Kaya kahit na mawala ako, mananatili ang love ko dyan sa puso mo. Tandaan mo yan. I love you, Jon."

Ang mga luhang akala ko'y iniwan ako bumalik at binasa ang pisngi ko. Mabilis kong sinara ang scrapbook dahil ayokong mabasa ito ng aking luha.

Tumayo ako habang hawak ang scrapbook at tinungo ang cellphone ko. Basag ang screen nito pero nagfa-function pa rin. Naisip kong dapat kong tularan ang cellphone ko. Dahil kahit basag na basag ang puso ko, kailangang ituloy ko ang buhay. Sabi nga nya, kahit mawala sya, mananatili pa rin ang pagmamahal nya sa puso ko.

Umupo ako sa kama. Niyakap ko ang scrapbook gamit ang kaliwang kamay ko, habang ang kanan ay nakahawak sa'king cellphone. Nang mahanap ko ang audio file, tinap ko ang play button.

Narinig ko ang tawa nya mula sa recording na nirecord ko noong nasa bus kami tungo sa museum. Nasundan ito ng pagsasalita nya na parehong nagpakirot at nagpagaan sa dibdib ko.

Tinuloy ko ang pakikinig habang nakatingin sa kalangitan na unti-unting lumiliwanag.

His Farewell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon