"That was a marvelous presentation! Well done group three!" komento ni Ma'am matapos kaming magpresent.
Nagpalakpakan ang lahat habang kami ang lalapad ng ngiti. Mas lalo kaming binalot ng saya nang makita namin ang grade na binigay. 97! Di ako makapaniwala. Sa wakas, nakatanggap din ako ng grade na above 90! Kahit na project lang to, malaking tulong na'to sa paghatak sa grade ko. Baka sa katapusan bigyan ako ni Ma'am ng 85.
Kung sobrang saya ang naramdaman namin, wala lang iyon sa saya na nadama ni Anika. Tumalon pa talaga sya eh, at tumili. Kung hindi mo kilala si Anika, masasabi mong "oa" sya. Pero kami kilala na namin ng husto. Isang babae na ang hilig mag-aral, mas conscious pa sa grades kesa sa looks nya, at candidate for valedictorian pa. Tapos hindi sya yung achiever na selfish. Mahilig syang tumulong at willing magpakopya ng assignments. Kaya naman kaming lahat natutuwa para sa kanya.
Matapos ang subjects namin sa umaga, dumiretso kami sa canteen ni Blue. Ang presentation nga pala nila Blue ay speech choir. Maganda, nakakabilib ang synchronization. At hindi ako nakapaniwala na in-sync sya sa grupo nila habang nagprepresent. Hinala ko nga sinapian ito ng demonyo eh. O kaya'y kagagawan ng alien sa loob ng ulo nya.
Dahil maaga pa naman, hindi pa crowded ang canteen. Mabilis kaming bumili ng ulam. Fried chicken binili ko at 8oz na coke. Kay Blue naman dinuguan at lumpia. Pinili namin ang isa sa mga tables sa bandang likuran para kung darating ang ibang estudyante, madali lang kaming makakalusot sa crowd. At ang crowd na ito ay yung crowd na konti nalang ay aakalain mong prosisyon ng poon ng Nazareno.
Kumain na kami habang pinag-uusapan kung matatalo ba ni Pacman kung sakaling labanan nya si Mcgregor. Para kay Blue oo daw, sakin eh hindi. Hindi naman ako expert pero hindi na kasi tulad ng dati si Pacman. Kumbaga, lumagpas na sya sa kanyang prime at mahihirapan na syang makisabay pa ky Mcgregor.
Patapos na kaming kumain nang nagsimula ang pagdagsa ng iba pang estudyante. Maliit lang naman kasi ang canteen namin dahil public school ito kaya hindi lahat kayang i-accommodate. Normal lang talaga ang mga ganitong scenario. Sanay naman kami at isa pa ang importante naman ay ang mga facilities para sa pag-araal.
Tsaka kahit na public school ito, hindi crowded ang classrooms namin. Ang mga facilities para sa pag-aaral sakto lang din para magamit ng lahat. Tapos wala namang pagkukulang ang school sa pagtuturo. Karamihan din naman ng mga narito ay bibili lang ng ulam at sa classroom lang kakain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo nang may boses akong narinig.
"Hi. Pwede bang makishare?"
Inangat ko ang aking ulo, sabay kami ni Blue, at ang nakangising mukha ni Ares ang nakita ko. Sasabihin ko sanang occupied na ang upuan nang mahagip ng aking mga mata si Anika. Bigla syang sumulpot sa likod ni Ares at tumabi sa kanya. Pareho silang may hawak na tray, at ang nakapatong sa tray pareho lang din. Isang serve ng gulay at dalawang longganisa. Sa inumin lang sila nagkaiba dahil coke ang kay Anika habang royal kay Ares.
Ah, lunch date.
"Pwedeng-pwede," bigkas ni Blue.
Tinuloy ko ang pagsubo. Nginuya ko ang sakit na nadama at nilunok ang inggit sa epal na nagngangalang Ares. Nagkunwari nalang akong busy sa pagkain kahit dalawang subo nalang ang natitira sa plato ko.
Sa gilid ng aking mga mata nakita ko silang umupo. Pati na ang pag-alalay ni Ares kay Anika sa pagligpit sa tray. At ang pagdadasal ni Ares bago kumain. Napangisi ako nang makita ang naudlot na pagsubo ni Anika kasi nakita nya si Ares na nagdadasal.
"Kain tayo," bigkas ni Ares pagkatapos nyang magdasal.
"Nauna na kami," sabi ko.
Nagtinginan sina Blue at Anika sa'kin habang nanlalaki ang mga mata. Medyo natagalan ako sa pagrealize na rude ang naging sagot ko.
"Ibig kong sabihin eh sige lang," pilit na pagtama ko sa'king nabigkas.
Ngiti lang ang tugon ni Ares at sinimulan ang pagkain. Nauna kaming magpaalam nang matapos kami.
"Oy Blue," pagtawag ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway tungo sa susunod naming klase. "Huling beses na yun ah ng tanghalian natin sa canteen."
"Ha? Ba't naman?" tugon nya. "'Wag mong sabihing apektado ka pa rin sa nangyari kanina? Yun pa naman ang pinakatahimik at awkward na tanghalian sa tanang buhay ko. Record breaking ang ginawa mo Jon. Good job."
"Alam ko namang mali ako, kaya nga di na tayo kakain dun para di na maulit."
"Sa tingin mo ba makikishare ulit si Ares satin pagkatapos nun?"
"Hindi na pero...ah basta sa room nalang tayo kumain o kahit saan basta hindi sa canteen."
"Hindi ka talaga magaling magsinungaling." Umiling sya habang nakangiti. "Kilala kita Jon, at ang dahilan lang naman kung ba't ayaw mo na doon ay dahil ayaw mo ng makita sina Ares at Anika kumakain ng sabay, habang ikaw ay nasa sulok nagpapalamon sa inggit."
Hindi ako umimik at tumingin nalang sa malayo. Pag natamaan ka talaga mahihirapan ka ng sumagot pa. Lalo na't totoo ang narinig at wala kang magawang excuse.
"Pero ang tanong Jon, hanggang inggit ka nalang ba?" dugtong ni Blue.
Binalik ko ang tingin sa daan at sinabing, "Bilisan mo baka malate pa tayo."
Hanggang inggit nalang ba ako? tanong ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
His Farewell (Completed)
Teen FictionLove was never made easy. Alam mo kung bakit? Ito ay dahil nakalaan lamang ang pag-ibig sa mga tao na worthy magmahal. Sila yung inulan ng paghihirap ngunit patuloy pa rin tinatahak ang daan tungo sa pag-ibig na nakalaan para sa kanila. Sila yung hi...