Letters To Anika-Part One

43 8 0
                                    

Ang lotto version talaga ng mga highschool students ay groupings. Alam mo yung kakabahan ka tuwing count off para sa groupings, at lihim na nagdadasal na sana "Three" din ang isigaw ni crush. Tapos pag naging magkagrupo kayo ay tila nanalo ka ng jackpot sa lotto dahil magkakaroon kayo ng time ni crush. Bonus na kung Friday yung groupings dahil for sure sa Monday ang pasahan ng group project. Ibig sabihin, makakasama mo si crush sa weekend. Pwedeng pwede ng magstatus sa Facebook ng "Weekend with Her is <3" at may kasama pang "feeling blessed."

Ito kasi ang nangyari ngayong araw. Tulad ko, three din ang sinigaw ni Anika. Pagkarinig ko sa sigaw niya, syempre chill lang dapat. Pero si inner me, party party na. At itong kaibigan ko mas malaki pa ang ngisi kesa sa'kin.

Habang nakangisi, dumiin sya sa aking direksyon at bumulong, "Wag mong kalimutan yung medyas ah?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong medyas?"

"Ito oh," sabi niya at dinukot ang kanyang wallet. Palihim nyang pinakita sa'kin ang isang condom na nagmistulang ID dahil ito ang starring pagbukas ng wallet niya.

"Ulol," sabi ko sa kanya at nakinig kay Ma'am.

Nagpipigil sya ng tawa. Nang mahimasmasan nagsalita na naman sya. "Eh kung ayaw mo magmedyas pre i-withdraw mo nalang ah? Mahirap na baka maging ninong ako. Wala pa naman akong pera pangift sa magiging anak nyo."

"Kasing dumi ng Pasig ang utak mo eh no?"

"Asus," sabi nya. "Baka kasi pag nakita mo si Anika na nakashort shorts eh di ka makapagpigil." Inabot nya ang balikat ko at hinimas ito. "Concerned lang ako sa future nyo pre bilang matalik mong kaibigan."

Hinawi ko ang kamay nya mula sa balikat ko. Sinamaan ko sya ng tingin. Ramdam ko rin ang pag-init ng aking mukha.

Lihim na tumatawa ang gago nang mapansin ang pamumula ko. Buti nalang pinapunta na kami ni Ma'am sa aming groups at nakalayo ako sa panunukso ni Blue. Group six si Blue, tulad ni Ares.

Damn. Kinakabahan ako ng husto. Natataranta din ako. Ang mga palad ko pinagpawisan na. Ang mga tukso ni Blue kaya ko eh, pero ito hindi. Napakahirap. Napakahirap na ang katabi mo si crush. Hindi ako mapakali. Puro "Ha?, oo, okay lang, ah, oo, 'di" at paminsan minsang pag-iling ang mga naging tugon ko sa kanila.

Circular ang arrangement ng upuan sa bawat grupo para makapagdiscuss ng maayos. Blessing ang makatabi ko si Anika, pero Lord naman hindi pa ako handa.

Lima kami sa grupo. Dalawang lalaki, at tatlong babae. Syempre si Anika ang naging leader. Nag-uusap sila ngayon ng mga idea na kaya namin. Tungkol sa importance ng kalikasan sa mga tao ang dapat mapresent namin sa Monday. Pwede ang kahit ano tulad ng drama, kanta, sayaw o power point presentation.

"Kailangan unique ang presentation natin," sabi ni Anika sa grupo. "Yung may wow factor para sure na malaki ang grades natin."

"Drama nalang kaya," sabi ni Clara.

"Drama din ang sa group one," sabi ni Rica. "Pag nagdrama tayo baka isipin na gaya-gaya."

"Sayaw nalang!" sabi ni Harold.

"Palibhasa dancer ka. Paano naman kaming di marunong sumayaw?" tutol ni Rica.

"Eh di props ka nalang," sagot ni Harold.

Inirapan ni Rica si Harold. Ramdam din siguro ni Anika ang namumuong tensyon mula sa dalawa, kaya nagsalita sya. I mean, nagtanong sya... sa akin.

"Jon, ano sa palagay mo?"

"Ha? Ah eh..." tugon ko sabay tingin sa sahig. Think. Kumalma ka Jonas. Mag-isip ka ng idea na makakapag-impress kay Anika. Dali. Tumatakbo ang oras. Dalian mo ang pag-iisip. 'Wag mong sayangin ang pagkakataon na'to.

"Ah ano..." pagtuloy ko habang nilalabanan ang kaba, "science experiment nalang."

"Ha?!" gulat na tanong ng mga kagrupo ko, maliban kay Anika. Seryoso pa rin syang nakatingin sa'kin. Parang hinahayaan nya akong mag-explain pa kaya tinuloy ko. Huminga ako ng malalim.

"Oo, science experiment. Gagawa tayo ng modelo ng mundo, tapos sa presentation bubuhusan natin ito ng mga acids na nagrerepresent sa mga gawain ng tao na kasalukuyang sumisira sa kalikasan," paliwanag ko sa kanila.

Halos isang minuto ang lumipas na walang umimik sa grupo. Kalaunan, ngumiti si Anika. Shit, ang ganda nya. Yumuko ako para itago ang pagngisi na di ko mapigilan.

Fun fact: kinikilig din kaming mga lalaki. Although hindi kami nanapak, nangungurot, o nambubugbog ng katabi. Pag may nakita kang lalaki na kumikislap ang mga mata at nagpipigil ng ngiti pero di mapigilan, kinikilig yun.

Sa huli, napagkasunduan namin na ang suggestion ko nalang ang i-present. Madali lang daw kasi, at hindi gaanong magastos.

"At simple lang, pero unique at deep ang meaning," dagdag pa ni Anika.

Isa talaga sa pinakamasarap na feeling sa mundo ay yung puriin ka ng taong mahalaga sa buhay mo. Kaya naman good mood ako buong umaga. Sa sobrang good mood ko nagvolunteer akong sumagot sa black board. Sa math class. Ayun, napahiya dahil mali ang sagot ko. Nawala tuloy yung good mood ko. Bwisit naman kasi iyang X na yan, pahirapan sa paghanap.

Totoo nga talagang kahit anong bagay na sobra ay masama. Sumagi sa aking isipan ang ginawa kong sulat kagabi. Tama. May kailangan nga pala akong gagawin mamaya.

His Farewell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon