Kanina pa text ng text si Blue. Nakailang tawag na din sya pero hindi ko sinasagot. Pinatay ko na ang cellphone ko nang di ko kinaya ang paulit-ulit na pagring nito. Medyo nakakain naman ako ng onti kanina kahit na ang background music ko ay sermon ni Mama. Pero bago ako dumiretso sa bahay nila Anika, bumili muna ako ng yakult sa tindahan malapit sa kanila.
May nagsabi kasi sa'kin na pampawala daw ito ng kaba. Si Bitoy ang nagsabi sa'kin nito, effective daw. Wala namang mawawala kung itatry ko, di ba? At para makasiguro, dalawa ang binili ko para double ang effect.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kong maubos ang pangalawang yakult. Tama nga si Bitoy. Tiningnan ko ang bote kung nasali ba ang confidence sa ingredients nito. Hindi ko alam kung bakit ko inexpect na merong confidence. Aftershock siguro ng sermon ni mama. Dahil ubos na ang pangalawang bote, ayun inilibing ko sa trashcan kasama ng nauna nyang kapatid. Pero nagtataka talaga ako kung bakit walang one litre na yakult, o kahit 8 oz man lang. Sadnu.
Anyway, nasa tapat na ako ng gate nila Anika. Pipindutin ko sana ang doorbell nang may nakita akong batang lalaki na naglalaro sa harap ng bahay nila.
"Psst," tawag ko sa bata na hawig ni Anika.
Huminto sya sa paglalaro at tinaas naman ang kanyang ulo. Tumingin sya sa'kin.
"Nasaan ate mo?" sabi ko.
Hindi sya sumagot. Tumayo lang sya, naglakad sa tapat ng nakabukas na pintuan ng bahay, at sumigaw sa loob ng, "Ate! May manliligaw ka!"
"P*%@+'#na." Shit shit shit.
Takbo na! Wag kanang tumayo pa dyan, takbo na! Abort mission! Abort! Abort! Bilis! Mayday! Mayday! sabi ng isang side ng utak ko.
Ang kabilang side naman sabi Wag, may group project kayo. Ang kahihiyan kayang kalimutan, pero ang grade mo nakatatak na yan sa report card mo.
Para akong asong ulol dun na humahakbang paalis at bumabalik lang din sa pwesto. Ilang minuto akong mukhang tanga o robot na nag malfunction. Napagdesisyonan kong tumakbo nang sakto lumabas mula sa bahay ang kuya nya.
Paano ko nalamang kuya nya? Hawig sila eh.
Napahinto ako sa'king katangahan habang sya ay seryosong naglalakad papalapit sa'kin. Magkatapat na ngayon ang mukha namin, at tanging bakal ng gate lang ang pumapagitan.
Para syang warden sa presinto at ako ang bilanggo. Pinawisan agad ang gilid ng noo ko. 'Yung pawis parang syota mo, malamig.
"May dala ka bang chocolate?" seryoso niyang tanong. Ang tingin nya bumabaon sa aking ulo.
"Ah-eh-ih-oh-uh, wala," sabi ko habang iniisip kung kakasya ba ang kamao nya sa butas ng gate.
"Pizza?"
"Wala din, sorry." Umiling ako. Hindi naman siguro kakasya eh noh?
"Donuts?"
Umiling ulit ako. Pero pwede naman nyang buksan ang gate?
"Ano?! Wala rin?" dismayadong tanong nya.
Napaatras ako. Ginulat nya ako eh. Sandaling tumaas bigla ang aking blood pressure. Grabe naman kasi itong kuya ni Anika, parang mangangagat.
Ay, advantage ko pala kung bubuksan pa nya ang gate. Makakatakbo ako kung sakali.
"Eh ano bang dala mo dyan?"
Binunot ko ang dala kong black sign pen, red at black markers, at dalawang lapis mula sa aking bulsa at pinakita ang mga ito sa kanya. Ito lang kasi ang inassign sa'kin ni Anika. So ito lang din ang dinala ko.
BINABASA MO ANG
His Farewell (Completed)
Teen FictionLove was never made easy. Alam mo kung bakit? Ito ay dahil nakalaan lamang ang pag-ibig sa mga tao na worthy magmahal. Sila yung inulan ng paghihirap ngunit patuloy pa rin tinatahak ang daan tungo sa pag-ibig na nakalaan para sa kanila. Sila yung hi...