Our First Memory-Part One

26 7 0
                                    

Nag-ingay ang lahat nang inanunsyo ni Ma'am Atienza na magkakaroon kami ng field trip sa Friday. Sa isang atronomical museum magaganap ang field trip at buong araw kami doon.

Nakita ko kay Anika ang labis na tuwa sa kanyang nakangising labi, kumikinang na mga mata at mga paa nyang umiindak na tila tumatalon sya habang nakaupo. Sa pagkakaalam ko pangarap nya talagang maging astronaut. Balita ko nga na sa ibang bansa sya magkacollege para matupad ang kanyang pangarap.

Ngayong taon lang kami naging magkaklase ni Anika. Mula first year hanggang third year nasa B section ako. Inaamin kong sya ang naging inspiration ko para magpursigi sa pag-aaral nang sa gayon ay malipat ako sa A section. Para mas matingnan ko sya sa malapitan. Para lagi kong maririnig ang boses nya. Para mapagmasdan ko sya araw-araw kahit na ako ang pinakakulelat sa A section. Worth it naman din dahil naging proud si Mama sa'kin. Salamat din kay Blue dahil sya ang tumulong sa'kin sa pag-aaral.

Magkaklase at magkaibigan na kami ni Blue mula first year hanggang second year. Eh seatmate ba naman sa bawat klase. Nalipat sya sa A section nang maging third year kami.

Noong first at second year sa high school, wala pa akong mga naging crush. Batang-isip pa ako noon. Puro lang laro at minsan cutting classes para makatulog. May mga babae namang nagagandahan ako, pero hanggang doon lang. Siguro dahil hindi ko pa nakikita si Anika noong mga panahon na iyon. At sa unang araw ng klase bilang isang junior high, nasilayan ko ang babaeng mas maliwanag pa kesa sa araw. Akala ko nga third eye ko yun at angel ang nakikita ko. Mula noon, hindi na sya kailanman nawala sa isipan ko.

Tuwing lunch time madalas syang tumambay sa hallway kasama ang mga bago nyang kaibigan. Transferee kasi sya pero marami na agad syang naging kaibigan. Sobrang bait kasi nya at palakaibigan. Nagtatago pa ako noon sa gilid ng hallway na parang ninja habang pinagmamasdan sya. Hindi ko alintana ang mga estudyanteng dumadaan at natatawa sa'kin. Minsan nahuli ako ni Blue...

"Gusto mo?" tanong nya.

Pagtango lang ang naging tugon ko.

"Tara," hinila nya ako bigla kaya hindi ako nakapalag. Huli na nang marealize kong ipapakilala nya ako kay Anika. Halos mahimatay ako sa kaba noong panahon na iyon. Yung noo ko puno ng pawis at siguradong batang yagit ang itsura ko sa mga mata ni Anika.

"Anika," sabi ni Blue. "Si Jonas nga pala, bestfriend ko."

"Ah hi Jonas!" nakangiti nyang sabi at inabot ang kanyang kanang kamay sa akin.

Tanging pagtitig lang ang nagawa ko dahil sa sobrang kaba. Nanginginig ng husto ang dalawa kong binti at konti nalang talaga sa clinic ang bagsak ko. Hindi ko magawang itaas ang aking kanang kamay para makipagshake hands sa kanya. Wala akong magawa at isa lang ang naisip kong solusyon sa sitwasyon ko. Yun ay ang pagtakbo.

Napapabuntong hininga nalang ako tuwing naiisip ang araw na iyon. Kung pwede lang sanang baguhin ang nakaraan ay matagal ko ng ginawa.

"Oh, kanina pa tunaw si Anika," rinig ko. "Huwag mo namang sobrahan. Baka maoverdose at matuluyan. Ikaw din."

Si Blue ang nagsabi nun, syempre. Sya lang naman ang kaibigang supportive--pero yung support nya nakakaduda. Malilito ka nalang kung nagsusupport  ba talaga o nandidiscourage lang.

"Manahimik ka. Aga aga ang ingay mo," tugon ko sa kanya. Pagngisi naman ang tugon ng mokong.

Buti nalang sinimulan na ni Ma'am ang klase.

***

Kaliwa't kanan puro field trip ang usapan. Sobrang excited nilang lahat eh. Excited din naman ako pero hindi naman yung tipo na ipagsisigawan ang mga plano nila sa field trip. Hindi ako galit, naiinis lang.

Okay lang naman sana mag-usap tungkol sa field trip. Ang hindi okay ay ang mag-usap na para bang sila lang ang nasa room at hindi inaalala na nasa kalagitnaan kami ng exam. Sa algebra pa! Halos mabaliw na nga ako kakahanap sa X tas itong mga kaklase kong walang konsiderasyon parang mga tindera sa palengke. Bakit pa kasi nasama ang alphabet sa math? Baka next decade pati hashtag isasama na.

Katabi ko si Blue at hindi apektado sa background music namin. Parang naeenjoy pa sya eh. Lumabas kasi si Sir Chavez kaya putak ng putak sila. Daig pa nila ang mga cricket tuwing dapit hapon. Nabibwisit na talaga ako. Pag ako hindi nakapagtimpi magkakaWorld War 3!

May narinig akong tili na nakakabasag ng tenga. Hindi ko na talaga kinaya.

"BWISIT NAMAN ANG INGAY! MGA BUNGANGA NYO PARANG SIRANG PLAKA NA NAKATAPAT SA MEGAPHONE!"

Natahimik ang lahat. Kung ganito lang sana lagi baka malaki pa ang makuha ko sa exam. Paglingon ko kay Blue nakatitig sya sa'kin at nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko ang paligid at naintindihan kung bakit sya natatawa.

Ang mga nag-ingay napakatalim ng titig sa'kin. Para silang mga tigre, at ako si Bambi. Shit.

"Eh pano kasi loner kaya hindi sanay sa ingay," sabi ni Kim, ang pinakaliberated sa lahat ng kilala ko. Sya rin ang lider pagdating sa pagputak. Tindi ng kilay nya drawing lang.

Tumawa naman ang mga followers nya sa kanyang sinabi. Pero yung tawa halatang plastic.

Wala sana akong balak patulan sya dahil babae sya, at itutuloy ko nalang ang pagsagot sa exam, kaso may sinabi pa ang bunganga nyang palaging nakabukas. Walang laban ang pwet ng manok sa bunganga nito.

"Ansama kasi ng ugali kaya walang nakikipagkaibigan," sabi nya. "At naaawa lang sayo si Blue kaya kinakaibigan ka nya, 'lam mo ba yun?"

Nawala ang pagngisi sa mukha ni Blue matapos marinig ang sinabi ni Kim. Alam kong babarahin nya si Kim, pero pinigilan ko sya.

"Kaya ko na to," bulong ko kay Blue. Tinitigan nya ako ng ilang segundo at tumango.

"Edi sorry," sabi ko sabay lingon kay Kim. "Ang ingay nyo kasi at distorbo sa lahat. May exam tayo oh. Alam ko namang kokopya lang kayo kaya putak lang ng putak. Eh paano kaming seryosong sumasagot? Kung gusto nyong magsigawan pwede naman kayong lumabas. At yung sinabi mong walang gustong makipagkaibigan sa'kin? Gusto ko lang malaman mo na wala akong pakialam. Mas mabuti kasing maging loner, kaysa magkaroon ng maraming kaibigan pero mga plastic naman at tumitira sa likod mo."

Parang sasabog ang mukha ni Kim. Mas mapula pa sa kamatis. Tumayo sya at mabilis na lumapit sa tapat ko. Nagulat ako, lalo na nang itinaas nya ang kanyang dalawang kamay na siguradong sa buhok ko ang tungo. Inihanda ko ang aking sarili sa kanyang sabunot.

Pero may kamay na pumagitan samin ni Kim. Ang kamay na matagal ko ng gustong mahawakan. Hindi ko na kailangan tingnan ang kanyang mukha para malaman kung sino, dahil alam at ramdam kong si Anika ito.

"Tama na yan," pag-awat nya.

Tinitigan sya ni Kim at tinapatan naman ito ni Anika. Bumuntong hininga si Kim at bumalik sa kanyang upuan.

"Oh, tapos na ba kayo?" sabi ni Anika sa lahat na kanina pa nakatingin sa'min.

Bumalik naman sila sa pagyuko at tinuloy ang pagsagot sa exam. Nagkatitigan kami ni Anika bago sya bumalik sa kanyang upuan.

Kaya pala hindi nya nasaway sina Kim kanina dahil may suot syang earphones.

Anika the Knight in shining uniform.








His Farewell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon