Napagod na yung AKO na umiitindi sa lahat ng ginagawa mo.
Napagod na yung AKO na nangakong hindi ka iiwan pero pinagtulakan mo palayo sayo.
Napagod na yung AKO na manlimos ng atensyon mo na dapat kusa mong binibigay kasi MAHAL mo ko.
Napagod na yung AKO na mag-isang umayos sa problema na dapat hindi lang AKO kundi TAYO.
Pagod ka na ba? Sabihin na nating ang sagot mo ay OO pero tinanong mo na ba yung sarili mo kung pagod na rin ba yung AKO na ginawa lahat ng yan para maayos yung TAYO. Yung problemang dapat. Hindi lang AKO kundi TAYO. Kasi nangako tayo sa isa't-isa na dapat magkasama tayo. Pinilit kong ipaglaban yung TAYO pero hindi ko akalain na yung mga salitang ayokong marinig mula sayo eh nasabi mo "pagod na ko, sawa na ko" anim na salitang nagpabago ng lahat ng meron TAYO. Naimbento ba talaga ang mga salitang yan para masaktan tayo o para matutunan natin yung mga bagay na akala natin tama pero nagiging dahilan para makalimutan natin yung mga salitang "mahalin mo naman yung sarili mo, kumapit ako bumitaw..
BINABASA MO ANG
Mga Payo Ni Madam Kilay
PoetryUna po sa lahat ngayon lang ako magpu-publish ng story sa totoo lang po hindi porket "Hugot Ni Madam Kilay" yung title ng book ko is makilay po ako sa totoo nyan wala po talaga. Seryoso na tayo.... Pagod ka na bang magmahal? Pagod ka na bang umasa? ...