Kilala pa ba Kita?

12 1 3
                                    

IKAW pa ba yung taong una kong nakilala nung hindi pa nagbabago lahat?


IKAW pa ba yung taong minahal ko na ginagawa lahat?


IKAW pa ba yung taong ginagawa lahat mapangiti lang ako?


IKAW pa ba yung taong nagpapatahan sakin tuwing iniiyakan ko yung mga problema ko?


IKAW pa ba yung taong hahawakan ako sa kamay ng mahigpit at sasabihin saking "dito ka lang sa tabi ko dahil di ko alam yung gagawin ko pag nawala ka sa paningin ko"


IKAW pa ba yung taong nangako sakin na hindi ako iiwan hanggang huli?





Ang dami ko na bang tanong? Sorry ah hindi ko kasi maiwasang hindi mapaisip. Mapaisip na nasan na yung dating ikaw, yung ikaw na walang ibang ginawa kundi ang hawakan ang aking kamay habang sinasabi sakin na ito'y panghabang-buhay meron bang panghabang-buhay na panandalian? Meron nga yan yung pinaramdaman mo sakin sa hindi ko malamang dahilan, iniisip kung san ako nagkulang, inisiip kung bakit ako nasasaktan dahil iniwan mo ng luhaan nangangarap na sana maramdaman mo kung gano kasakit  para naman hindi mapuno yung puso ko ng galit....

Mga Payo Ni Madam KilayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon