Pagod na ba talaga ko? O nasanay na ko sa pananakit na ginagawa mo? Iniisip na babalik yung dating tayo, na magkakaroon ulit ng ikaw at ako na walang pakelam sa sasabihin ng ibang tao basta ang importante mahal kita at mahal mo ako. Ikaw mahal pa rin kita pero pag tinananong ba kita kung mahal mo pa ba ko ang isasagot mo ay oo? Isipin ko palang yung isasagot mo nasasaktan na ko pano pa pa kaya pag kusa na tong lumabas mula sa bibig mo na dati'y walang ibang binibigkas kundi "mahal mo ko at pang-habang buhay na to" Anong nangyari sa pangako mo na akala ko tutuparin mo? Kaya ko ba talagang isuko ang tulad mo kahit alam kong hindi ko na kayang mahalin yung sarili ko dahil napunta lahat sayo? O magtitiis ako dahil umaasa pa rin ako sa sinabing mong pang-habang buhay na to? Sabihin na nilang TANGA ako pero anong magagawa ko eh ikaw yung mahal ko, hindi ko naman ginustong mahulog sayo hinayaan ko nga lang yung sarili ko kasi akala ko, akala ko lang naman sasaluhin mo ko. Yung TAYO naging AKO, yung saya naging..
Lungkot, yung sakit naging pait at sa sobrang pait naging galit. Galit na hindi ko maibigay sayo kasi para sakin okay lang yung sakit basta ikaw hindi mo rin maranasan kung gano kasakit. Lahat na ginawa ko para sayo pero bakit para sayo kulang? Na kahit ako yung gumawa ng lahat ako yung nanghihinayang, mag-isang nasasaktan, mag-isang nalulungkot habang iniisip ito na ba talaga ang katapusan? Gustuhin ko mang lumaban pero hindi ko magawa alam mo kung bakit? Kasi pakiramdam ko wala na kong karapatan. Minahal...
BINABASA MO ANG
Mga Payo Ni Madam Kilay
PuisiUna po sa lahat ngayon lang ako magpu-publish ng story sa totoo lang po hindi porket "Hugot Ni Madam Kilay" yung title ng book ko is makilay po ako sa totoo nyan wala po talaga. Seryoso na tayo.... Pagod ka na bang magmahal? Pagod ka na bang umasa? ...