Hindi diba. Kaya wag mo silang hayaan na mag-alala sayo, wag mong gamitin yung pekeng ngiti mo lalo na't hindi naman totoo. Kasi ang pinakamasakit na bagay na pwede mong magawa sa taong nagmamahal at nagpapahalaga sayo eh ang pagsisinungaling mo. Wag mong hayaang bulagin ka ng nararamdaman mo, kaya wag mo lolokohin yung sarili mo. Isipin mong marami pang taong nandyan para sayo na kayang ilabas yung totoong tawa at ngiti mo dahil pag pinagpilitan mo pang maging masaya dadating yung puntong sasabog ka nalang ng basta-basta at pag nangyari yun pwede mong masaktan yung mga taong laging nandyan para sayo na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka...
Kung hindi mo pa kayang maging masaya o maski ngumiti ng totoo wag mong pilitin yung sarili mo dahil kusa nalang lalabas yung mga ngiti na yan sa labi mo kapag mismong puso mo na yung nakaramdam na ang saya saya mo. Ibaling mo nalang yung atensyon mo sa mga bagay na alam mong pwedeng makapaglabas ng totoong ngiti mo, hindi dun sa mga na alam mo rin namang lalong makakapagpawala ng dating ngiti mo. Ganun lang kasimple, simple pero hindi madali at lalong hindi magiging madali kung hindi ka maniniwala sa sarili mo na kaya mong ngumiti ng hindi pilit. :)
Thanks guysue keep reading for more. Love lots 💕
Please vote & comment..
BINABASA MO ANG
Mga Payo Ni Madam Kilay
PoetryUna po sa lahat ngayon lang ako magpu-publish ng story sa totoo lang po hindi porket "Hugot Ni Madam Kilay" yung title ng book ko is makilay po ako sa totoo nyan wala po talaga. Seryoso na tayo.... Pagod ka na bang magmahal? Pagod ka na bang umasa? ...