Kilala pa ba Kita? (Part 2)

14 1 0
                                    

Galit dahil sa ginawa mo na alam ko namang hindi mo ginusto, gaya nito sinasabi ko na hindi mo naman ginusto pero bigla kong naisip nalungkot ka ba nung nagkahiwalay tayo? Nanghinayang ka man lang ba nung pinakawalan mo ko? At higit sa lahat ginusto mo bang iwan ako? O pinapaniwala ko nanaman yung sarili ko para kahit papano matakpan yung sakit na nararamdaman ko habang unti-unti kong tinatanggap na wala nang TAYO kaya wala na kong karapatan sayo. Sabi mo nagbago na ko at hindi na ako yung dati na nakilala mo tapos naisip ko mas kilala ko yung sarili ko kaya anong karapatan mo para sabihing hindi na ako yung dating ako, siguro mas madaling sabihin na hindi mo naman talaga ko nakilala o kinilala man lang...




Pero alam mo naawa ko sayo ni hindi mo man lang nagawang kilalanin muna ng mas maayos yung taong nagmamahal sayo, yung AKO na puro ikaw muna bago ako bago yung sarili ko. Pero ayaw kitang husgahan sa pang-iiwan mo sakin dahil baka mas may makakabuti pa para sakin na hindi ikaw, ikaw na kaya kong saktan na siya hindi niya kaya. At pag nahanap ko na siya sisiguraduhin kong siya na at walang iba kundi siya na mamahalin ko ng higit pa sa iba. Kaya sa lahat ng magpapaliwanag at mga sinabi ko sayo tatanungin ulit kita KILALA PA BA KITA???







Thanks guysue keep on reading 💕
Love ya..






Please vote & comment...

Mga Payo Ni Madam KilayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon