AKO nalang lagi yung umiitindi sa lahat ng ginagawa mo kahit ako nasasaktan na mismo.
AKO nalang lagi yung pumipilit na umayos sa problemang mismong tayo hindi alam kung pano.
AKO nalang lagi yung humahabol sayo sa tuwing pakiramdam ko ikaw yung lumalayo.
Bakit kailangan AKO nalang lagi? Nagkukusa lang ba talaga ko o kusa ko tong ginagawa dahil ikaw yung mahal ko? Hindi ba parang abuso na? Hindi ba parang ang TANGA na? Sa lahat ng tanong ko ang hirap pumili kung ano yung sasagutin mo? Alam mo kung bakit? kasi malabo na yung TAYO, yung dating TAYO. Hindi na gaya ng dati na isisigurado mo sakin na "san ka ba nag-aalala? Alam mo namang ikaw lang diba? Mahal kita.." mga salitang ang tagal ko na ulit gustong marinig sayo pero bakit parang AKO naman yung kailangang magsabi sa sarili ko na "unahin mo muna yung sarili mo dahil walang matitira sayo kapag binigay mo lahat ito sa isang taong wala nang pakelam sayo" siguro nga ngayon ikaw nalang lagi pero una pa lang naman hindi niya sinabi sayo na gawin mo lahat para sa kanya dahil una sa lahat nagkusa ka pero hindi mo masisisi yung sarili mo kasi nga mahal mo siya...Mahal mo siya sa puntong mismong sarili mo nakalimutan mo nang mahalin, dahil lahat ng pagmamahal na meron ka na dapat para naman sa sarili mo nabigay mo na lahat sa kanya ng dahil lang sa MAHAL MO SIYA once na nagmahal ka wag mo naman kalimutang mahalin yung sarili mo...

BINABASA MO ANG
Mga Payo Ni Madam Kilay
PoesíaUna po sa lahat ngayon lang ako magpu-publish ng story sa totoo lang po hindi porket "Hugot Ni Madam Kilay" yung title ng book ko is makilay po ako sa totoo nyan wala po talaga. Seryoso na tayo.... Pagod ka na bang magmahal? Pagod ka na bang umasa? ...