Mahal kasi Kita (Part 2)

11 0 0
                                    

Umaasang mag-isa kahit alam kong tapos na.. MAHAL KASI KITA ang babaw ng dahilan ko kung bakit hindi kita mabitawan parang ikaw ang babaw lang din ng dahilan mo kung bakit mo ko iniwan, kung bakit mo ko sinukuan pero hindi mo na naisip na meron pang milyung-milyong dahilan para ipagpatuloy pa yung laban. Laban na parehas nating sinimulan, pero natapos lang din to ng wala man lang akong kalaban-laban...



Sana una pa lang sinabi mo na sakin na susuko ka para hindi ko na pinagpilitang lumaban pa pero anong magagawa ko MAHAL NGA KASI KITA isang dahilan na hindi ako mapapagod bigkasin gaya ng pangalan kong dati'y binibigkas mo rin. Pero ngayon halos hindi mo na alam kung ano ang iyong bibigkasin kaya ang relasyon natin naisip mo nalang din tapusin, tapusin ng hindi ko alam, tapusin ng ako lumalaban habang ikaw sumusuko na. Pero ngayon sa tingin ko hindi sapat yung MAHAL LANG KITA/YUNG MAHAL KASI KITA dahil kung ikaw ayaw mo na talaga wala na kong magagawa pa.. "wag mong piliting lumaban para sa isang taong matagal ka nang sinukuan"

At "wag kang kumapit sa isang taong hinihintay nalang ang pagsuko mo dahil ikaw kapit ka pa ng kapit sa kanya pero ikaw binibitawan ka na"...




Thank you po sa lahat ng nagbabasa 💕 lahat po ng nakasulat dyan sampal po sa katotohanan share ko lang :)






Keep voting and commenting..

Mga Payo Ni Madam KilayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon