Chapter 3 : Meet Kyle

984 19 13
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ni Mommy. Ang aga-aga kaaway na naman si Daddy sa phone. Magulo kasi ang pamilya namin. May unang asawa si Mommy, isang hapon. Sa Japan kasi siya nagtatrabaho dati. Isa siyang singer doon. At doon nga, nakilala niya ang Dad ni Ate Yumi. Dahil hindi naging successful ang marriage nila, naghiwalay sila after 5 years. And then, umeksena ang Dad ko.

Kaya tsaraaaaaaan!

Nagkaron ng K3na :)

“NO Crisaldo! Hindi mo pwedeng kunin si K3na sakin!” Sigaw ni Mommy sa phone.

Nakalimutan kong sabihin, hiwalay din ang Daddy at Mommy ko. Hindi ko alam kung bakit. Malas lang talaga siguro si Mommy sa lalaki – parang ako.

“K3NAAAAA!”

Ayan na. Naghanap na naman si Mommy ng kakampi.

Halos masira ang bahay namin sa yabag ng paa niya sa hagdan.

“K3na! Gumising ka nga diyan at kausapin mo tong magaling mong ama!”

Pagkatapos ay iniabot niya sakin ang phone.

“Yes Dad …”

“Anak, kailan ka ba magsstay dito sakin? Miss na miss ka na ni Daddy eh.”

Sweet ang Daddy ko. Lahat gagawin niya maibigay lang niya ang mga bagay na makakapagpasaya sakin. Actually, he wants me to stay with him. He’s in Hawaii. May business kasi siya don. And honestly, I don’t want to stay there.

“Dad … 1st years college pa lang ako. Meron pa akong 3 years! Wag ka namang excited.”

“Pero anak, bakit hindi ka na lang mag-aral dito?”

“No Dad I want to study here. Pag-uusapan na naman ba natin to?”

“Alright. Hihintayin na lang kita dito. But if you change your mind, don’t hesitate to call me. Okay?”

“Yes Dad.”

“Okay I love you Anak.”

“I love you too.”

Then he hang up.

“Anong sabi ng makulit mong ama?” Tanong ni Mommy.

“As usual, hihintayin daw niya ako.”

“Hay nako K3na! Hindi kita ipinanganak sa mundong to para mapunta lang sa tatay mo.” Sabi ni Mommy habang tinitiklop ang kumot ko.

“Wala din namang K3na, kung wala si Daddy eh …”

She laughed.

“Oh hala, magprepare ka na for school. Baka ma-late ka na naman.”

Magkaibang-magkaiba kamini Ate Yumi. I am an outspoken and loud person while she is very calm and quiet. Iyakin siya tapos ako palaban. Madalas siyang binu-bully sa school nung mga bata pa kami, ako ang tagapagtanggol niya. At dahil tahimik siya at mas madalas gustong mapag-isa, hindi siya gaanong naging close kay Mommy. Hindi katulad ko na walang araw na hindi nagsasalita at hindi pinipikon si Mommy.

“Where is Ate Yumi pala?” Tanong ko kay Mommy habang kumakain.

Lagi ko kasi siyang kasabay kumain – ngayon lang hindi.

“Maagang umalis eh. Hindi ko nga alam kung saan pupunta.”

“Ah okay.”

Hindi alam ni Mommy na nagmomodelling si Ate Yumi. Alam kasi ni Ate Yumi, hindi siya papayagan.

Pagpasok ko sa school. Nakita ko si Trina, ang one and only bestfriend ko. Nerd siya at tinuturing na ‘Walking Encyclopedia’ ng school. Pero hindi ko siya kinaibigan dahil don. Naging magkaibigan kami kasi lag siyang binu-bully ng mga classmate namin. Ayoko kasi ng ganon. Panira sa lipunan. Chos!

“Hi Trina!” I waved at her pero hindi niya ako nakita. Madami kasing tao sa lobby.

Dahil malabo ang mata niya, hinanap niya pa kung nasan ako.

Palingun-lingon siya sa paligid. Nakita ko na may mabubunggo siyang lalaki na may hawak-hawak na mainit na kape.

“Trina! Watch out!”

Nagmadali akong lumapit sa kanya hanggang sa hindi sinasadya, nabunggo ko ang lalaki at natapon yun sa kanya.

“F*ck!” Sabi ng lalaki.

“Oops! Sorry …” Sabi ko habang nakahawak ako sa balikat ni Trina.

“Sorry?! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang shirt na suot ko?!” Sabi ng lalaki.

“Hindi eh. Wala naman kasing tag price na nakalagay.”

“Mas mahal pa to sa buhay mo! You’re not even worth it!”

“Talaga? Sana ako na lang isinuot mo. Tara na nga Trina!”

We were about to go nang bigla akong hinawakan sa braso ng lalaki.

“Kathrina Victoria Fuentabella …”

Binasa niya ang pangalan ko sa ID na suot ko.

“Get off! Jerk! Tara na Trina!”

For the first time, hindi ako nalate sa klase ko.

Salamat sa pagbubunganga ni Mommy, nagising ako ng maaga.

Maya-maya pa ay dumating na ang propesor namin.

Siguro mga 30 minutes na siyang nagtuturo ng biglang may kumatok sa pinto.

“Sir … pwede pa ba akong humabol sa klase mo?”

Yung lalaki kanina! What is he doing here?

“Nasa kalagitnaan na ng semester, ngayon ka pa hahabol? No, hindi na pwede.”

“Hindi niyo man lang ba itatanong kung sino at anong pangalan ko bago kayo magrefuse?”

“Bakit? Sino ka ba at kailangan ko pang malamang ang pangalan mo?”

Pumasok siya sa loob ng classroom at umupo malapit sa tabi ko.

“Kyle. Von Kyle Montemayor. One and only son of Mr. Virgilio Montemayor – ang may-ari lang naman ng university na pinagtuturuan niyo … Sir.” (evil grin)

“Ahh … tutal nakaupo ka na Mr. Montemayor. S-sure, pwede kang h-humabol sa class ko.” Nagkakandautal na sabi ng propesor ko habang niluluwagan ang neck tie niya.

“Okay class, let’s continue.”

Kyle looked at me. Walang reaction. Napalunok ako.

Susme! Nakakatakot naman tong lalaking to!

___________________________________________________________________

A/N :

Badboy na badboy ang dating ni Kyle sa picture. HAHAHA

Please vote and comment! xD 

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon