Chapter 32 : The Deal

732 15 12
                                    

Tinatamad akong pumasok pero kailangan. Finals namin ngayon eh. Natatakot kasi ako – natatakot akong makita si Kyle. Hindi pa ako ready na makita siya at makasama siya. Alam niyo naman, siya ang weakness ko. Hindi ko siya kayang hindian. Hindi ko siya kayang itaboy.

Biglang tumunog ang phone ko.

Sunduin kita maya after ng class mo okay? Jirho to.

Hindi na siya nagtatampo sakin?

Hindi na kaya siya nagagagalit dahil dun sa sinabi ko?

Buti naman. (^____^)

Pumasok ako ng room.

Wala pang masyadong tao. Exam kasi.

Naupo ako. Syempre sa dati kong upuan. Napatingin ulit ako sa bakanteng upuan na yon …

Nakakainis ka … iniwan mo ko! Sabi ng isip ko.

Kahit ata baliktarin ko ang mundo, hindi talaga mawawala si Kyle sa mundo ko. Kahit tumambling ako, kahit maglakad ng baliktad o sumanib sa ibang katawan ng tao – hindi ko siya magawang kalimutan. Nakakainis nga eh … sobrang nakakainis!

“Ako iniisip mo noh?”

(O_o)

Kyle!!!! Sigaw ng mga internal organs ko.

“Kapal mo! Anong ginagawa mo dito?!”

“Papasok.”

“Papasok?! FINALS na po, hindi ka na makakahabol!”

“Wala naman akong pakialam dun eh. Basta makasama lang kita. Para na rin akong nakakuha ng uno sa lahat ng subject.”

Naupo siya sa tabi ko. Naupo siya tabi ko. Naupo siya sa tabi ko …

NAUPO SIYA SA TABI KO?!?! (Nga-nga)

Grabe! Hindi ako makapaniwala! After one year … naupo ulit siya sa tabi ko!

“Namiss ko to ah …” Sabi niya.

“Ako hindi.” Pagsisinungaling ko.

“Ahh kaya pala kanina ka pa nakatitig sa upuan ko.” Nakangiti niyang sabi sakin.

“Ano kasi … may binabasa ako sa upuan mo.” Palusot ko.

“Binabasa?” Tumayo ulit siya at tinignan ang upuan niya.

“Wala naman ah.”

“Meron. Kumapit na sa pants mo.”

Medyo natatawa na ako – pinipigilan ko lang.

“Ang sabihin mo, namimiss mo ko.”

“Hindi.”

“Gusto mo paaminin ulit kita?”

“AYOKO.” (>____<) 

Biglang pumasok sa utak ko yung umamin ako na nagseselos ako. NAKAKAHIYA.

“Good. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, miss mo ko.”

Hindi na lang ako sumagot.

Baka lalo pa akong mabuking eh.

Nagsimula ang exam.

Napatingin ako kay Kyle, kung makasagot sa test paper niya akala mo buong taon siyang present sa klase. Mukhang mas madami pa siyang alam kesa sakin.

“Sir si K3na po nangongopya!” Sigaw niya.

(O___o) Walanghiyang to. Hindi naman ako sa answer sheet niya nakatingin kundi sa kanya.

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon