Chapter 19 : Sino si Ghail? Si Aya?

886 15 6
                                    

Nauna na si Kyle sa Parking Lot.

Bumalik kasi ako sa room,naiwan ko kasi yung wallet ko.

Amp. T.T

Alam mo na eengot-engot. =__________=

At medyo natagalan pa bago ko nahanap ang pasaway kong wallet. Kainis!

Pagpunta ko sa Parking Lot, inabutan kong may kausap na babae si Kyle.

Sino kaya yun?

“Ano bang ginagawa mo dito?!” Sabi ni Kyle.

“Dinadalaw ka … superman.” (super smile)

“Umalis ka na! Baka makita ka pa ni K3na eh!”

“Who’s K3na?”

“Wala kang pakialam. Basta umalis ka na. At wag ka na ulit babalik dito. Tigilan mo na ko!”

“Paano ko naman titigilan ang husband-to-be ko?”

HUSBAND-TO-BE? O.O

“What are you talking about?!”

“Nalaman ko kay Dad na ikaw pala yung lalaking balak nilang ipakasal ni Tito Virgilio sakin. Noong una, ayoko. Pero nung nalaman kong ikaw pala. Why not?”

Nakangiti niyang sabi kay Kyle habang tinitignan niya ito mula ulo hanggang paa.

“Shit! No. Hindi kita pakakasalan!”

“Kay Tito mo sabihin yan.”

“Look, papahirapan mo lang ang sarili mo. May mahal na akong iba kaya hindi kita pakakasalan.”

“Matagal pa naman yun. Pwede bang magbago ang nararamdaman mo. For now, gusto ko munang magkakilala tayo.”

“Baliw ka ba?! Ayoko nga sa’yo eh! Umalis ka na!”

“Hmm, aalis ako ngayon pero hindi ako maggigive up sa'yo ... Kyle? Von Kyle Montemayor ...

Babalik ako bukas whether you like it or not. And by the way, I’m Aya Abigail. Ghail for short.”

Sumakay ng kotse ang babae at umalis.

Siya ba si Ghail?

Bakit ang ganda niya? T.T

Bakit mas seksi siya?

Naiinsecure ako.

K3na ... ANG PANGIT PANGIT MO!!!! T______________T

Dahan-dahan akong lumapit kay Kyle.

“Kanina ka pa?” Tanong niya habang pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili.

“H-hindi naman.”

“Narinig mo?”

“Ang alin?”

Ayokong maging atribida.

Wala akong kinalaman sa usapan nila.

Ayokong makialam.

Kaso affected ako. T.T

“Never mind.”

Sumakay kami ng kotse niya. Hindi ako nagsasalita. Wala naman akong sasabihin eh.

“Siya yung babaeng nakilala ko kagabi. At kapag minamalas ka nga naman, siya pa ang anak ng ninong ko na gusto ng Dad na pakasalan ko.”

“Ha?”

“Parang tanga noh?”

“A-anong balak mo?”

“Wala.”

Sa totoo lang, naiinis ako sa mga nangyayari. Bakit naman kung kelan parang nagiging okay ang lahat samin ni Kyle tsaka naman parang nagiging kumplikado ang lahat.

Dumating kami sa bahay.

“K3na … wag mong intindihin yung kanina ha?”

“O-okay.”

“Just trust me.”

Ngumiti ako.

Hindi naman kami pero parang gusto kong ipagdamot si Kyle.

 ANG HIRAP!

Umalis na siya.

Pagdating ko sa bahay.

Napansin agad ako ni Mommy.

“Oh nak, ba’t malungkot ka?”

“Ma, pwede magtanong?”

“Kahit ano anak, wag lang math.”

Bahagya akong napangiti.

“Paano kung may itinadhanang iba sa taong gusto mong mahalin? Mamahalin mo pa ba siya?”

“Depende anak. Depende kung ako ang mahal niya at hindi yung taong yun.”

“Pano kung madaming tutol?”

“Sabi nga nila, love conquers all. Kung mahal ka niya at mahal mo siya … ipaglalaban mo. Wag kang bibitaw.”

“Paano kung –“

Hinawakan niya ako sa balikat.

“Anak, wag mong hintayin na pagsisihan mo ang lahat. Wag mong hayaang mawala ang isang taong alam mong kaya kang panindigan. Kasi anak … kapag nawala yun at iniwan ka, ikaw din ang masasaktan. Tandaan mo, ang pagsisisi laging nasa huli.”

Niyakap ko si Mommy.

"At anak, bawal ka malungkot ... birthday mo na bukas di ba?"

Ngumiti ako.

At dahil sa sinabing yon ni Mommy, para akong binatukan dahil bigla akong naliwanagan sa lahat.

Ayokong mawala si Kyle.

Ayokong mawala siya sakin.

Bakit ko siya ibibigay kay Ghail?

Ako ang mahal niya di ba?

Yun ang sandata ko! Dahil ...

GIYERA to!

______________________________________________________________

A/N :

Aya Abigail or Ghail right there sa multimedia section.

Maganda di ba?

Paano kung maging wife siya ni Kyle?

Payag kayo?

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon