Chapter 28 : Si Jirho at K3na

699 14 6
                                    

ONE YEAR LATER  ....

K3NA’S POV

Simula nang ma-ospital ako, makarecover at eto, muling makapasok ng school … WALA NG KYLE na nagparamdam at nagpakita sakin. Siguro kasi, pinanindigan na rin niya yung arrange marriage nila ni Ghail. Pati rin kasi si Ghail, hindi na din pumapasok. Siguro … magkasama na sila ngayon. Getting to know each other … habang ako … nagmomove on.

Ang sakit isipin na parang kidlat lang na dumaan si Kyle sa buhay ko. Dumating lang siya tapos pinakilig ako, pina-fall, sinaktan at ngayon … iniwan. Wala na siya pero siya pa rin yung lalaking gusto kong mahalin.

Siya pa rin yung lalaking gusto kong awayin araw-araw …

Siya pa din yung gusto kong hampasin ng kung anu-ano …

Siya pa din yung lalaking gusto kong magsungit at mambara sakin …

Boses niya pa din ang gusto kong marinig …

Kamay pa rin niya ang gusto kong hawakan …

Siya pa rin ang taong gustung-gusto kong yakapin …

Namimiss ko si Kyle …

Babalik pa kaya siya?

Mahal niya pa rin kaya …

ako?  ¬_¬)

“K3na …”

Ngumiti ako kay Jirho.

“Sorry ha? Na-late ako. Traffic eh …” Kinuha niya ang dala-dala kong bag.

“Uhm … okay lang yun.” (^___^)

“Let’s go?”

Lumakad kami patungo sa kotse niya.

As usual, inalalayan niya akong makapasok sa loob tulad ng dati.

Madaming nagbago simula nung mawala si Kyle. Natuto ulit akong ngumiti at tumawa ng hindi siya ang dahilan. Naging matured ako at mas naging independent. Mas naintindihan ko ang mga bagay-bagay.

At nga pala, nakalimutan kong sabihin … six months after what happened, naging kami ni Jirho. Kung itatanong niyo sakin kung bakit, simple lang ang isasagot ko … pinatunayan ni Jirho na mas deserving siya more than anyone else. He made me realize na hindi lang si Kyle ang lalaki sa mundo. He thought me how to forgive and forget. 

Mahal ko si Kyle pero hindi na ako umaasang masusuklian niya pa yung pagmamahal na yon. Unti-unti ko na siyang inaalis sa sistema ko. I’m hoping that someday, we’ll meet again. At kapag dumating yung araw na yon … sana wlang halong bitterness kong masabi sa kanya na masaya ako kasi nakilala ko siya.

Alam kong masama akong kapatid kasi kahit alam kong naging sila ni Ate Yumi, naging kami parin ni Jirho. Minsan nga gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader eh. Gusto kong matauhan. Gusto kong may magparealize sakin na, ‘Hoy K3na! Ang landi mo! Tigilan mo si Jirho!' kaso wala … kahit si Ate Yumi, pabor na naging kami.

Siguro dahil na din sa kabaitan ni Jirho sakin kaya ako pumayag. Kasi sa totoo lang … pinag-aaralan ko pa lang siyang mahalin – ulit.

--

Inihatid niya ako sa bahay.

Masaya kaming sinalubong ni Mommy at Ate Yumi.

Minsan hindi ko din maiwasang hindi mailang. Sino ba naman kasing hindi maiilang? Boyfriend siya dati ng Ate Yumi ko tapos ngayon, sobrang close naman namin.

“Dito na po si K3na … safe and sound.”

Ngumiti lang si Mommy kay Jirho.

Pumasok naman si Ate Yumi sa loob.

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon