Chapter 30 : Namiss niyo ba si Kyle?

849 18 6
                                    

AUTHOR'S NOTE :

At dahil matatagalan akong mag-UD ... ihahang ko na muna kayo sa Chapter na to. Bahala na kayong manghula kung paano aagawin ni Kyle si K3na kay Jirho ^___^

NEXT UPDATE PO SA SATURDAY (HAPON)

Aasikasuhin ko muna LOVE LIFE KO ^___~

Xoxo,

TASH

------------------------------------------------------------------------------------------------------

GHAIL’S POV

“Hey handsome … why so sad?” Lumapit ako kay Kyle.

Umiinom siya ng beer sa tabi ng pool.

Nakatitig sa malaking peklat sa kanyang braso na dulot ng aksidente.

Hindi siya sumagot.

Umupo ako sa tabi niya kahit hirap na hirap ako sa laki ng tiyan ko. Buntis kasi ako eh – 7 months. Nung naaksidente si Kyle, nawalan siya ng malay ng halos dalawang buwan. Akala nga ng Daddy niya, hindi na siya magigising eh. At sa dalawang buwan na yon … hindi ako umalis sa tabi niya. Hindi ko siya iniwan.

Sa tagal niyang walang malay - akala ko, makakalimutan na niya si K3na. Hindi pala. Dahil pagkagising na pagkagising niya ... si K3na agad ang unang taong hinanap niya.

“AYOKO SA INYO!!!! K3NA!!!!!!!!!!!!!!” Sigaw ni Kyle ng magising siya sa loob ng ICU.

Sinusubukan siyang pakalmahin ng mga nurse pero  ayaw niyang paawat.

Hinila niya ang mga aparato na nakakabit sa kanya.

Dumugo ang kamay niya. 

Nagwawala siya habang ako … umiiyak.

“Kyle … sorry …” Yun na lang ang nasabi ko. 

Bumaba siya ng kama niya at sinubukan niyang tumayo pero … bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Sabi kasi ng doctor, mahihirapan daw makalakad si Kyle. Masyado daw kasing malaki ang damage na natamo ng mga paa niya sa aksidente. Naipit kasi ang kotse niya ng isa pang kotse sa pader. Himala nga daw na nabuhay pa siya.

Sinubukan siyang pigilan ng isang nurse pero buong lakas niyang sinuntok ito. Kasabay ng pagbagsak ng nurse ay ang malakas na bagsak rin ng katawan niya sa sahig.

“Anong nangyari?! Bakit hindi ako makalakad?! K3NA!!!!!” Sigaw niya habang nakadapa sa sahig at nagpupumilit tumayo.

“Sir … hindi niyo po kaya.” Sabi ng mga nurse.

“LEAVE ME ALONE!!! I need to see K3na! Kailangan kong magexplain sa kanya!!!!” Sabi niya without knowing na almost two months na ang nakalipas.

Sinubukan niya ulit tumayo.

BLAG!

Bumagsak na naman siya sa sahig.

Hindi ko siya malapitan.

Natatakot ako.

“Sir!” Sinaklolohan siya ng mga nurse.

Dahil nanlalaban siya, tinurukan siya ng pampakalma.

 Nang unti-unti na siyang nanghina, binuhat ulit siya ng mga nurse pabalik sa kama.

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon