Chapter 7 : Kyle and Jirho's POV

801 19 6
                                    

KYLE’S POV

 

“Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo Kyle?! Nakabunggo ka daw ng sasakyan! Wala pang one week mula ng binili ko sa’yo yun, may sira na agad?! Kailan ka ba titino?!” Sermon ng Dad ko.

“Dad, hindi ko sinasadya yun!”

“Hindi mo sinasadya?! Pati ang pagpapalit mo ng course, pagsit in mo sa klase ni Mr. Delos Reyes at yang sugat mo sa kamay mo, HINDI MO SINASADYA?!”

Oo nga pala, nasugatan nga pala ako sa pagsuntok ko sa pader nung hinalikan ko si K3na.

“Gusto ko ng matulog Dad. Masakit ang katawan ko sa aksidente kanina.”

Tumalikod ako at umakyat sa kwarto.

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin.

Simula nung araw na mabunggo at matapunan ako ng kape dahil kay K3na, nagbago ang takbo ng utak ko.

Okay naman ako dati eh.

Ewan ko kung anong meron ang babaeng yun.

First time kong masampal sa buong buhay ko. I could actually break her jaw kung itinuloy ko yung pagsuntok ko sa kanya but I end up kissing her.

“Ahhh! Stop thinking about her Kyle!”

Shet. Tinamaan ata ako sa babaeng yun.

Pero malas ko, may boyfriend eh. Sabagay, kung asawa nga naaagawan pa … yun pa kayang magsyota pa lang.

Napangiti ako.

Binuksan ko ang facebook account ko.

Hinanap ko ang profile ni K3na.

Nang mahanap ko yun. Walang sawa kong tinitigan ang profile picture niya.

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon