Chapter 33 : Superhero

794 19 11
                                    

JIRHO’S POV

“Yumi …”

Umiiyak  si Yumi habang nakayakap sakin.

“Sorry …” Sabi niya.

“Sorry saan?”

“Kasi … kasi hinayaan kitang masaktan eh.”

“Sshhh …” Hinimas ko ang buhok niya.

“Sana … sana hindi ka nasasaktan ngayon.”

“Kung hindi man ako ang piliin ni K3na … aayusin ko muna ang buhay ko.”

“Then what?”

“Babalik ako para mahalin ka ulit.”

“Pano kung hindi nangyari yun?”

“Yun din sana ang gusto kong itanong sa’yo eh. Kapag ba pinili ako ni K3na, mamahalin mo pa rin ako?”

Lalo siyang umiyak.

“O-of course!”

Hinalikan ko siya.

Mahal na mahal ko si K3na … pero hindi ko siya pwedeng ikulong sa pagmamahal na yon. Mahirap! Lalo na kung si Kyle ang kalaban ko. Si Kyle na hindi marunong sumuko.

“Kailangan kong kausapin si K3na …”

Ngumiti si Yumi sakin.

Mukhang alam na niya kung  anong tumatakbo sa isip ko.

Nagpunta ako sa garden kung saan madalas maupo si K3na at magbasa ng mga paborito niyang libro.

Nakita ko siyang tulala habang nakaupo sa bench.

Lumapit ako at tumabi sa kanya.

“K3na …”

Lumingon siya sakin.

“Madami akong gustong sabihin sa’yo eh.”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Sorry … sorry kasi –“

Idinikit niya ang daliri niya sa labi ko.

“Sssshhhh … wag ka ng magsalita. Ako dapat ang magsorry sa’yo.”

Bahagya akong umiling tapos yumuko.

“K3na …”

“Hmmmm?”

“May itatanong sana ako sa’yo eh …”

“Ano yun?”

“Kaya mo ba akong iwan para kay Kyle?”

Natigilan siya.

Tapos tumingin siya sakin.

Nakita ko kung paano unti-unting dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. 

“Y-you know I can’t do that …” Yumuko siya.

“Bakit?”

“K-kasi …”

“Kasi sobrang bait ko ba? Kasi naaawa ka sakin? Kasi alam mong sobrang mahal kita?”

Lalo siyang umiyak.

“Paano kung kaugali ko si Kyle? Mamahalin mo rin ba ako?”

“H-hindi ko alam Jirho …”

“Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? And I want you to be happy …”

Tumingin siya sakin.

“H-ha?”

I smiled at her.

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon