Chapter 5 : Nagtanan

854 15 15
                                    

“A-ate?” Nang magising ako, si Ate Yumi ang nasa tabi ko.

May dala siyang maleta. Umiiyak.

“Saan ka pupunta?” Napabalikwas ako sa higaan.

“Tinanggap ko ang offer ng Agency na rumampa sa ibang bansa.”

“Huh? Pano si Jirho? Paano kami ni Mommy?”

“Hindi ko alam. Basta K3na, don’t tell Jirho about this. Okay?”

“Pero Ate …”

“Please? For me?”

Wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Be good and take care …”

Matagal ko ng gustong mawala si Ate Yumi. Matagal ko ng hinihiling na sana matanggap siya sa ibang bansa. Pero ngayong natupad na yung hiling ko, malungkot pala.

She turn the lights off and closed the door.

Hindi ko napigilan ang iyak ko. But half of me was actually happy. Kasi magkakaron ako ng time para mapalapit kay Jirho. I know – I’m selfish. I know, I’m bad.

Kinabukasan …

“Bakit bigla kang nagcollapse kagabi? Anong nangyari sa’yo? Napaaway ka na naman noh?” Sabi ni Mommy.

“Hindi Mommy. Naexcite lang ako.”

“Naexcite saan?”

Naexcite nga ba ako saan?

“Sa ano – sa … sa report ko ngayon.”

“Ahh. I see. Osige na, kumain ka na. Wala na naman ang Ate Yumi mo. Paggising ko wala na siya sa kwarto niya.”

“Ma, wala na si Ate Yumi. Matatagalan bago siya makauwi dito.”

“What?!”

“Ma, chill ka lang … nasa ibang bansa si Ate Yumi, flight niya ngayon. Nasa modelling industry siya, hindi namin sinabi sa’yo kasi alam naming hindi ka papayag.”

Umiyak si Mommy.

“Why didn’t she tell me? Nanay niya ako … may karapatan akong malaman yun.”

“Kaya nga sinabi ko sa’yo eh. Sige na Ma, I have to go na. Ituloy na lang natin tong drama na to mamaya. Okay? I love you. Bye!”

Whew! Nakaiwas din sa drama ni Mommy.

Naglakad ako papunta sa BUS STOP.

Tapos biglang may bumusina sa likuran ko.

“AY PEPE NG KALABAW!” Sabi ko sa sobrang gulat.

Paglingon ko, sasakyan ni Jirho.

Iniluwa siya ng magara niyang sasakyan.

Na-stun na naman ako sa kagwapuhan niya.

“J-jirho? Anong ginagawa mo dito? Sinusundo mo ba ako?”

“Can we talk?”

“Sure” Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

“Tara … sabay na tayong pumasok.”

Sumakay ako sa sasakyan niya.

Ganito pala ang feeling sumakay sa front seat plus katabi mo pa ang taong gusto mo.

Imba ang feeling! ^___^

“Asan si Yumi?”

“Ha?”

“Nagtext siya kanina sakin. Nakikipagbreak. Tapos nung sinubukan kong tawagan, out of coverage na.”

“H-ha?Ano eh … ah, nagtanan.”

“Nagtanan?!” Biglang preno ng sasakyan.

Halos mapasubsob na ako sa dashboard ng sasakyan niya.

“Relax ka lang, okay?! Whew!”

“Paano ako magrerelax kung yung girlfriend ko nakipagtanan?!”

“Hindi ka niya talaga mahal Jirho.”

“What the f – wag ka ngang magbiro ng ganyan K3na!”

“Hindi ako nagbibiro. Matagal ka na niyang niloloko Jirho … matagal na matagal na.”

Bigla niyang hinampas ang manibela.

“Damn!”

At pinatakbo niya ang sasakyan niya ng sobrang bilis.

Napakapit ako sa seatbelt. Kulang na lang lumipad kami.

Nang makarating kami sa school, nauna siyang bumaba tapos binuksan niya ang pintuan sa side ko.

Napakagentleman talaga ni Jirho. Pero tulad kanina, wala pa ding reaction ang mukha niya.

Naglalakad na kami sa hallway papasok sa entrance ng school ng bigla kaming hinarang ni Kyle.

“Nagsama ka ng bodyguard?” Sabi ni Kyle.

Tumingin sa akin si Jirho.

“Sino to? Boy –“

“Hindi ko siya bodyguard! Boyfriend ko siya! Kaya kapag hindi mo pa ako tinantanan, bubugbugin ka ng boyfriend ko!”

Si Jirho – O.O

“Talaga? Mukhang hindi naman kayo masyota eh … yung ganitong klase ng lalaki, hindi naman papatol sa’yo.” Sabi Kyle sabay tawa.

Hinawakan ko ang shirt ni Jirho at hinila papalapit sa akin.

Hinalikan ko siya sa harapan ni Kyle at sa harapan ng maraming studyante sa hallway.

“Ngayon, naniniwala ka na?! Kaya tigilan mo na ko! Let’s go Jirho!”

Lumakad na kami ni Jirho palayo.

“Bakit mo ginawa yon?!” Tanong niya sakin ng makapasok kami sa elevator.

“Sorry, kailangan kong gawin yon para tigilan na ako nung lalaking yon.”

“Kahit naman hindi mo gawin yun, ipagtatanggol naman kita eh. Kasi kapatid ka ni Yumi.”

“You know what? Forget it! Kalimutan mong kapatid ko si Yumi. Kalimutan mong comitted ka sa kapatid ko kasi hindi ka niya mahal Jirho!”

“I don’t believe you.”

“Then don’t!”

Nauna akong lumabas ng elevator.

Nang wala na si Jirho, huminga ako ng malalim.

Whew!

Sa wakas … nakahinga din ako ng maluwag.

“Hi K3na.”

“What the fuck!”

Nagulat ako. Si Kyle nasa likuran ko.

“Akala mo siguro titigil na ako noh?”

“Yeah – because my boyfriend will definitely kick your ass!”

“Talaga? Eh pano kung sabihin ko sa kanyang nagkiss tayo? Matutuwa kaya siya?”

“NO! Don’t tell him!”

Kapag nalaman ni Jirho yun, baka layuan niya ako. O baka hindi na niya ako ipagtanggol sa bwisit na lalaking to.

“Sure – sa isang kondisyon.”

“ANO? ANONG KONDISYON?!”

“Makipagbreak ka sa kanya.”

Eh sira ulo pala tong lalaking to eh! Hindi pa nga kami nagiging kami ni Jirho, break na agad?

“AYOKO!”

“Okay. Madali naman akong kausap eh. What is his name again? Jirho? Jirho Koyama?”

“How did –“

“Sabihin na nating madami akong sources. So better think again K3na, or else …”

Then he left.

K3na, anong gagawin mo?

2:1 (Two is to One) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon