Hinatid ni Kent ang mga girls sa bus terminal gamit ang sasakyan nito. Gusto sana ni Kent na ihatid sila hanggang sa Riverdale kaso hanggang bus terminal nalang daw sabi ni Yumi.
Gabi na nang nakauwi ang mga girls. Pagod silang lahat. Dala-dala nila ang kani-kanilang mga maleta papunta sa kanilang dorm sa Riverdale.
Remember the place? RIVERDALE? Ito yung lugar kung saan sila nag-aaral at kung nasaan ang kanilang dorm.
Bagsak ang kanilang mga balikat pagpasok sa dorm. Pareho din silang gutom dahil sa haba ng byahe. Hindi uubra ang mga chichiria'ng baon nila. Pagdating nila sa dorm ay sakto'ng dumating ang pinaorder nilang dinner. They ordered it while heading to Riverdale.
-----------------------------
Patapos na ang sembreak nila pero silang lahat ay wala pa rin'g ganang pumasok sa klase.
Halos lahat ng mga girls ay nasa sala nanonood ng bagong movie na "Hunger Games the Catching fire", at ang iba ay nasa kani-kanilang kwarto nagbabasa ng Stallion Riding Club na pocketbook. Tulad nalang ni Kizza.
"Omeged! OMeged! Omeged! She is sooo Amazing!! Na-hack niya ang security ng SRC!!! Yetti ikaw nah!" sigaw ni Kizza habang kinilig ng mag-isa, hawak-hawak ang binasa'ng pocketbook.
At biglang bumukas ang pintuan, na 'syang kinabigla ni Kizza.
"Do you even know how to knock??" mataray na tanong ni Kizza sa babaeng kaharap niya na nakasandal sa pintuan. Walang iba kung 'di si Yumi.
"Sumama ka sa'kin." dekta nito.
"Saan? Sa Stallion Riding Club kung saan maraming gwapo at kabayo?" pagbibiro ni Kizza sa seryoso'ng mukha ni Yumi.
"Hindi. Pero pag hindi ka sumama sa'kin, ako mismo ang magtatali sa'yo sa kalesa at gawin ka'ng kabayo." pelosopang sagot ni Yumi.
"Eh 'san ba kasi tayo pupunta ng makapag-prepare naman ako ng maayos.. Malay ko nga diba kung sa SRC mo nga talaga ako dadalhin, edi sana magpapa-salon ako oh di kaya---------"
"Sasama ka ba o hindi?!" putol ni Yumi sa kadramahan ng kaibigan niya.
"Eto na! Eto na! Tatayo na po! Magbibihis na ako ng GOWN!" sigaw ni Kizza.
BINABASA MO ANG
When NBSB meets Boys
JugendliteraturA group of girls can't wait to step to their college life but they will meet the 10 step brothers which is the son's of the owner of the school ... Will the girls have a happy story of their college life ? ..