Chapter 38

511 12 2
                                    

Athena's POV


Mom's calling....


Nasa loob ng CR si Athena nung tumawag ang kanyang Mommy.


"Hello, Ma?" hawak-hawak pa rin ni Athena ang phone habang naglalagay siya ng lip tint gamit ang kanyang kanan'g kamay.


[Hija, anak.  May pinadala pala ako sa'yo.  I bet you'll like it! You better get that today, okay? Kunin mo nalang sa LBC and then bring your i.d. Ba't ba kasi ayaw mong sa dorm niyo nalang ipa-address tuwing may ipapadala ako?]


"Ma, 'pag sa dorm, wala pong tatanggap kasi palagi kaming nasa school. Okay, Ma. Thank you.  Happy mother's day ma.  I'm sorry if I couldn't celebrate this day with you." Miss na miss na ni Athena ang kanyang ina. Halos maiyak na siya habang kausap ito, pero pilit niyang pinigilan ang luha'ng iyon kasi ayaw niyang mag-alala ang ina niya sa kanya.


[Hija, it's okay.  Dad is with me anyway.  Bawal munang mag-boyfriend ahh!]


"Tss. Ma, kahit po itanong niyo pa sa mga kaibigan ko.  Wala po."


[Alright! Don't forget the package okay?]


"Yes, Ma. Bye. Love you."


"Si Tita? Ansabe?" tanong ni Colene na kakalabas lang sa cubicle ng CR.


"May pinadala daw siya. Di ko alam kung ano. Hey! Wanna go with me?" nagpa-cute pa si Athena kay Colene para samahan siya nito.


"LBC? Walking distance? Ayh. Ayoko. Nakakatamad." biglang sabi ni Colene habang busy din sa pagre-retouch.


"Ayh nako naman! Milk tea tayo after. Libre ko. So, ano?" pangungumbinsi ni Athena kay Colene.  Saglit natigilan si Colene at mukhang nag-iisip pa sa kanyang isasagot.  Pero di nagtagal ay pumayag na din ito.  Napag-isipan nina Athena at Colene na before lunch nila kukunin yung package kaya nagpaalam muna sila sa mga girls.


Pagkatapos ng klase ay agad nang nagtungo sina Athena at Colene sa LBC.


"Ang laki naman ng box.  Feel mo, anong laman niyan?" tanong ni Colene habang naglalakad na sila pabalik sa kanilang dorm.  


"Ewan. Feel ko dress."


"Arf!!!!" biglang napunta ang atensyon ng dalawa sa isang tumahol na aso na may kasamang dalawa pa sa unahan, na ilang hakbang nalang ay madaanan na nila. 


"Athena, may mga aso.....huhuh.." nanginginig na sabi ni Colene sabay hila sa uniform ni Athena.

When NBSB  meets BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon