Chapter 2

26 1 0
                                    


Sasampalin sana ako ng babaeng nabunggo ko pero may pumigil sa mga kamay niya.

Nasilayan ko ang isang makisig na lalaki, ang mukha niya mala-anghel na kung saan wala kang makikitang bahid ng dumi. Ang kaniyang mukha ay talagang makinis, wala kang makikitang mga pores. Ang kaniyang katawan ay talagang nagtitigasan dala siguro ng kanyang pag-gym.

"Ano ba Marc! Bitawan mo nga ang mga kamay ko!" sabi nung babaing nabunggo. Makikita mo sa kanyang mukha ang pagkainis.

So Marc pala ang pangalan nitong anghel nato. Fafa Marc na ang tawag ko sa kanya.

"Nagsorry na yung tao, tapos sasampalin. How rude. Wala ka bang manner Sheena?" sabi ni Marc na may pagkadismaya sa kaniyang mukha.

"Nabunggo nya ako at masakit iyon!" sigaw ni bruhang Sheena na may halong inis at pagtaas ng kilay.

Hindi na lang ito pinansin ni Marc ang bruhildang Sheena na iyon. Agad namang umalis yung bruhang yun.

Lumapit sa akin si Fafa Marc. Oh please! Kunin nyo na po ako Lord. Ang gwapo talaga nitong lalaking naglitas sa kin.

"Huy miss? Okay ka lang? Yung bibig mo ." pag-aalalang tanong nya sakin ni Marc.

Nakakahiya! Napansin nya siguro na antagal kong nakatingin sa kanya and worst is nakanganga pa ako. My goodness!

"Okay lang ako. Salamat!" Nahihiyang sabi ko sa kanya sabay alis ng nakayuko.

Sino ba namang hindi mahihiya sa kanya. Ang gwapo na mabait pa.

"Ah miss! Yung panyo mo." tawag nya sakin para makuha nya yung pansin ko. Inabot naman sakin yung panyo ko.

"Thank you ulit." nakayukong pasasalamat sa kaniya. Nakakahiya talaga. Tumalikod na ako at aktong aalis na ako.

"Mag-iingat ka Ms. Clayo." sabay alis nito palayo sa kin.

Paano nya kaya nalaman yung Surname ko? Stalker ko ba sya? Kabago bago ko pa lang dito kaya. Kung stalker ko man sya, ay aba ang swerte ko. Hahahaha

Naglakad na ako papuntang cafeteria. Napansin ko naman yung mga titig sa kin nung mga student dito. Well, ngayon lang naman sila nakakita ng dyosang tulad ko. Nagpunta na ako sa loob ng cafeteria at nagpunta sa counter pa pumili ng mga pagkain ko.

Pagkakuha ko ng pagkain ko ay agad naman ako naghanap kung saan may bakanteng pwesto. Luckily meron naman. May isang table doon na kung saan isang lalaki lang ang nakaupo. Ewan ko ba, nagsisiksikan yung mga students dito may bakante pa naman doon.

Lumapit ako sa pwesto nya at nagpaalam kung pwedeng bang umupo.

"Excuse me. Can I sit here?" tanong ko naman sa kanya. Hindi naman sya kumibo kaya umupo na ako.

Nagulat ako ng bigla syang nagsalita.

"Did I allow you to sit here?" sabi nya sakin ng nakatitig ng diretso sakin na halos kulang tunawin ka niya.

"Well, silence means yes and besides this is not yours." sabi ko sa kanya with my most mataray accent. Kanina pa sya sakin. Kanina doon sa room, tapos pati ba naman dito.

Planadong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon