Chapter 9

1 0 0
                                    


One week na lang pala before the Foundation Day. Nireready ko na ang sarili ko not only mentally but physically also. Nakakainis kasi, sa treasure hunt pa ako sinali.

As usual, maaga ako nagising para magtrabaho. Kakatapos ko lang maligo at kumain ng breakfast kaya ready to fight na ako.

Hindi ko inaasahan na uulan ngayon ng malakas. Hindi pa naman ako nakakabili ng payong.

Lumabas na ako ng kwarto, hindi ko alam kung saan ako manghihiram. Sira na din payong ni Tita Jessa, ayoko naman manghiram kay Sheena.

Alam ko na, magta-tricycle na lang ako papuntang kanto at sasakay ng jeep.

Lumabas na ako ng bahay. Nagulat ako kung sino ang nasa labas. Si Fafa Marc! Baka si Sheena ulit yung hinahanap.

"Good morning, nasa loob si Sheena. Pasok ka." pasweet na sabi ko sa kanya habang bumababa ng hagdan.

"No, thanks. Ikaw pakay ko dito." sabi nya naman sa akin na ikanagulat ko.

"Huh? Bakit ako?" takang tanong ko sa kanya.

"Basta. Tara na, sabay na tayo!" sabi nya sa akin at niyaya nya ako sumabay papuntang school.

"Ihh, wag na." pagtanggi ko sa kanya. Kakabreak lang nila ni Shana, baka isipin ni Shana na ako yung babaeng nagugustuhan ni Marc. Imposible noh.

"Kapag hindi ka sumabay sa akin. Hindi ako papasok sa school." pananakot nya sa akin.

"Sige na Marc. Mauna na ako." sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng bahay para sumakay ng jeep.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nandito na ako ngayon sa school at papunta ng Admin. Nakalimutan ko kasi yung mga assignments na ginawa ko doon habang walang masyadong students na may concern.

"Oh baks, akala ko ba mamaya ka magduduty? Diba may klase ka?" tanong sakin ni Frank pagkapasok ko ng Admin.

"Hindi, kukunin ko lang yung mga assignment ko dito." pagsagot ko sa kanya at kinuha ang mga kailangan ko. "Sige, bye na Frank." pagpaalam ko sa kanya.

Set and Number Theory ang klase ko ngayon. It means, magiging classmate ko ngayon si Kenneth.

Naglakad na ako papunta sa room ko ngayon.

Habang naglalakad ako papunta dooj ay napansin ko ang mga nagkukumpulang mga student sa daan. Hindi ko alam kung bakit pero lumapit ako dito.

Nakita ko si Sheena na may inaaway na student na babae. Kahit kailan talaga, napakapala-away nitong babaeng to. Hindi ko na lang inawat baka madamay pa ako sa away nila.

"Huwag na huwag mong lalapitan ang babaeng iyon kundi ako makakalaban mo." huling salita na narinig ko kay Sheena nang tuluyan na akong umalis.

Pagkapasok ko ng room ay eksaktong wala pa ang mga classmate ko. Agad naman akong pumunta sa pwesto ko at nilabad ang mga gamit na kailangan ko.

Habang tinitignan ko ang gawa ko kung may mali ba ay napansin ko na may pumasok sa room. Hindi ko na lang pinansin at tinuloy ang ginagawa ko.

Unti-unti ng umiingay sa room, it only means na marami na ang pumasok sa room ngunit nagtataka naman ako kung bakit wala pa si Kenneth. Dapat ay nandito na rin.

Dumating na si Engineer na saktong pagdating din ni Kenneth. Napansin kong mapula yung isa nyang pisnge. Pumunta na sya sa katabing pwesto ko at nilabas na ang mga gamit na kailangan nya.

"Okay! You may now sit down." sabi ni Engineer pagtapos namin syang batiin.

Napansin kong ang tahimik ni Kenneth, alam kong kasing dadaldalin ako nitong ng kung ano-ano. Bumalik na naman sya sa pagiging cold. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa mga student dito.

"Since next 2 weeks will be your foundation day. I'll just give you an home work." sabi ni Engineer samin bilang panimula nya. Alam naman namin na hindi lang basta homework yun yunh ibibigay nya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya na may pag-aalala. Hindi naman kasi ganyan sya eh. Dapat nga kinukulit nya ako.

Parang ere lang ako sa harapan nya at hindi narinig ang sinabi ko. Nagpatuloy na ang pagdiscuss ng professor namin pero hindi parin sya nakafocus.

Sheena's POV

Yes, it's me. Nagulat ka ba? Well good.

Pero ako ang mas nagulat sa pagpunta ni Niña dito sa campus. Hindi nya pwedeng lapitan si Kenneth dahil sa ginawa.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Kenneth sa kanya ay ganoon lang igaganti nya. Oo, saksi ako sa nangyaring pang-iiwan ng bruhildang babaenh yon. Kung sa tingin nyo ay ako amg bruha sa storyang to. Pwes, ang tunay na bruhilda dito ay si Niña.

Akala mo kung sino tupa kapag kaharap si Kenneth kapag nakatalikod na sya at kami na ang kaharap ay daig pa ang Wicked Enchantress sa ugali nya. Pinsan ako ni Kenneth kaya ganito ako kung mag-alala sa kanya.

Hindi ko alam pero mas gusto kong si Louise ay maging katuluyan ni Kenneth kaysa sa bruhildang babaeng iyon. Alam ko may nararamdaman parin si Kenneth sa babaeng iyon. Kaya pipigilan ko sya hanggat maari.

Nakita ko si Kenneth na papunta sa car nya. Hindi ko alam kung saan sya pupunta kaya nilapitan ko sya.

"Where will you  go cous?" sabi ko sa kanya habang nakapamewang.

"Nothing, I just wanna clear my mind." sabi nya sa akin at nistart na ang kotse nya.

"Hindi mo ba ihahatid si Jean?" sabi ko sa kanya na walang emotion.

"I don't think I can now. I just need to talk someone." sabi nya sa akin.

"Who?" tanong ko sa kanya pero imbis na sumagot sya ay pinaandar nya na ang kotse nya.

I know where the hell he is going. No freaking way.

Jean's POV

Nandito na ako sa waiting shed. Hindi ko alam kung bakit pa ako nandito. I've been waiting his presence for almost 30 minutes but he hasn't come. Siguro masyado ako naging dependent sa kanya.

"Bakla, nandito ka parin? Asan si papa Kenneth mo?" tanong sakin ni Frank.

Hindi ko na lang sya pinansin at nakita ko na yung jeep na dapat kong sakyan pauwi.

"Bye baks." pagpapaalam ko sa kanya at tuluyan ng sumakay sa jeep.

****
Sorry for the short update. May advance study kasi ako eh.

Planadong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon